203 total views
Bago magdaos ng banal na misa sa Maximum Security compound ng New Bilibid Prison ay nagpaabot nang pagbati si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa ika-80 taon na kaarawan ni Pope Francis.
Ayon kay Cardinal Tagle, sinabi niya kay Pope Francis na magdadaos siya ng banal na misa sa loob ng bilangguan para sa kanyang kaarawan.
Sinabi ni Cardinal Tagle na alam niyang may espesyal na puwang sa puso ni Pope Francis ang mga nasa bilangguan na dapat mabigyan pagkakataon na makapagbagong buhay.
Kalakip nito ang mensahe ng Cardinal sa Santo Papa na lubos-lubos ang pasasalamat ng mga Filipino sa pagkakaroon ng isang lider ng Simbahan tulad niya na may mababang loob at kabanalan.
“Our beloved Pope Francis, happy birthday its your 80th birthday today and we the Filipino people are full of gratitude to god for giving a gift of a pastor, of a holy and humble person in you.”pahayag ni Cardinal Tagle
Dagdag pa ng Kardinal, alam ng mga bilanggo ang pagsisiskap ng Santo Papa na maipadama sa kanila ang awa at habag ng Diyos at tunay na kanilang pinahahalagahan sa kanilang mga puso.
“I just celebrated your thanksgiving mass here in the maximum security prison of the Bureau of Corrections of the Philippines. It was a lively mass with the inmates and residence and when I told them that it is your birthday today wow, they erupted into joy and they shouted happy birthday Pope Francis. I know how much you love them, I know how much you want them to experience God’s mercy and they appreciate that and so with them we greet you a happy and blessed birthday, Viva il Santo Padre.”pagbati ni Cardinal Tagle kay Pope Francis