177 total views
Ito ang naging paalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, D.D. sa mga mananampalataya.
Inihayag ni Cardinal Tagle na dapat nating tularan ang Panginoon na kailanman hindi sumuko sa mga makasalanan tulad ni St.John The Baptist.
Ayon kay Cardinal Tagle, ang isang mabuting mananampalatayang Kristiyano ay nagbibigay ng pag-asa sa mga nawalan ng pag-asa, mga kinalimutan ng lipunan, mga inabandona ng magulang, mga nalulong sa masamang bisyo, mga kapuspalad at mga kriminal.
Iginiit ng Kardinal na kapag may buhay ay may pag-asa at may pagkakataong magbagong buhay dahil ang sentro ng ating buhay ay si Hesus.
“Hope for the poor, hope for the sinners, do not give up on them, do not give up on their lives. Every life has hope, every life has opportunity to be transformed, if only we believe, because the center of faith is not in the accomplishment of things, the center of faith is Jesus,” pahayag ni Cardinal Tagle.
Nilinaw ni Cardinal Tagle na kahit hindi natin nakikita ang ating inaasahan ay hindi tayo dapat sumuko sa mga makakasalanan.
“I may not see what I am hoping for, I will not give up on anyone, I will not give up on anything, I will not give up even on criminals. We hope for people specially the youth who had been drowned into vices, drugs and beyond hope. We will continue hoping tao iyan! Buhay iyan, may pag-asa yan!Umasa ka, manampalataya ka, God can do wonders,” pahayag ni Cardinal Tagle.
Itinuturing naman ni Cardinal Tagle ang pagkitil ng buhay na “act of hopelessness and despair” dahil ang taong may pag-asa ay hindi pumapatay ng kapwa tao.
“Ang mga nagkakamali, ang pagkitil ng buhay is an act of hopelessness, and despair. A person that has hope will never kill. Ang pag-asa ay nagsasabi, yurak- yurak man ang buhay mo, nagkamali ka man, umaasa kami mayroong bagong buhay, mayroong pag-asa. Pero kapag pinatay na, papano mo pa makikita ang bagong buhay,” paglilinaw ng Kardinal.
Iginiit ni Cardinal Tagle na ang ating matibay na pananampalataya ay hindi sumusuko sa harap ng mga pagsubok at kawalan.
Faith never gives up on the present, even in the face of threatening and uncertain factors. Faith never gives up even when we are not sure, that what we are expecting will happen as we want them to happen,”paglilinaw ni Cardinal Tagle.
Read: http://www.veritas846.ph/panalangin-pinakamalakas-na-armas/
http://www.veritas846.ph/nawawalang-espiritwalidad-dahil-sa-addiction-ibabalik-ng-simbahan/