298 total views
Walang puwedeng umangkin ng kabutihan dahil walang perpekto sa mundo.
Ito ang mensahe ng kanyang Kabunyian Gaudencio Cardinal Rosales, dating Arsobispo ng Maynila sa pagkakaroon ng bago at kakaibang Presidente ng bansa.
Sa panayam ng Veritas patrol, sinabi ni Cardinal Rosales na nasa tamang landasin ng pamamahala o pamumuno ang bagong Presidente.
Inihayag ng Kardinal na kapuri-puri at kakaiba sa Pangulo ngayon ang pagiging matatag at matapang sa pagdedesiyun na magandang katangian ng isang lider.
Dagdag pa ng Kardinal kung mayroon mang kapuna-puna sa ibang pamamaraan ng Pangulo ay dapat itong ipanalangin upang mabawasan ang mga kamalian.
“The new leadership, you know you cannot owned goodness, ito na siguro kung minsan iniisip natin na tayo lamang ang magaling. No way hindi tama yan, sa ngayon mayroong bagong namumuno kita naman natin he is in a right track, the leadership really is in a right track, kaya kung minsan napupuna natin yung paraan and you know na decisiveness of the new government is something you have never seen in many decades. Yung paraan lamang, so for me I pray for everyone especially the highest leadership. We dont owned goodness not even God would limit goodness to only this one shape it has many shape. We pray to lessen the faults and to conitnue the works to correct.” pahayag ni Cardinal Rosales sa Radio Veritas.
Isa sa mga pinupuna sa bagong administrasyon ang paglaganap ng vigilante killings dahil sa pagsugpo sa illegal na droga kung saan mula sa datos ng Philippine National Police ay umaabot na sa mahigit 460 ang napapatay.