359 total views
Nagpaabot ng liham pasasalamat si Lipa Archbishop Ramon Arguelles – chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa malinaw na pagmamahal nito sa kalikasan.
Sa liham, ipinagpasalamat ng Arsobispo sa Pangulo ang pagtatalaga nito ng isang matapang at may paninindigan na kalihim sa ahensyang nangangalaga sa Kalikasan.
“We are gifted with the strong advocacy of Ms. Gina Lopez whom you have appointed DENR Secretary. We thank God for her dedication to bring change for the better in the graft ridden department that has not honestly served our people particularly the poor.” bahagi ng liham ng Arsobispo sa Pangulo.
Kaugnay dito, inihayag rin ng Arsobispo ang kanilang pagsuporta kasama ang grupo ng Pari’t Laykong Laudato Si, na kinakatawan ang mga naninirahan sa Southern Tagalog Region.
Sa liham, tiniyak ng Arsobispo na sinusuportahan nila ang lahat ng proyekto ng DENR kabilang na ang pagsasaayos ng mining industry sa bansa, ang paglilinis sa Laguna Lake, ang pagbibigay ng kabuhayan sa mga katutubo at ang pagtuturo upang mapasigla ang turismo habang patuloy na napoprotektahan ang kalikasan.
“We are supporting Gina Lopez who courageously implements your administration’s policy to protect the amazing gift of the Creator to all Filipinos of all generations.”pahayag ng Arsobispo.
Hiniling naman ng Arsobispo sa Pangulo na panatilihin bilang kalihim ng DENR si Lopez sa kabila ng mga bantang maaaring mapalitan ang kasalukuyang kalihim ng ahensya.
Aniya, marami sa Filipino partikular na ang mga katutubong Southern Tagalog ang umaasa sa kalihim at naniniwala sa mabuti nitong hangarin na matulungan at mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
“In the name of millions of inhabitants of Southern Tagalog region, may I humbly appeal to you to retain Ms. Gina Lopez as DENR Secretary and support her efforts to protect our beautiful and rich natural resources.”apela ni Abp. Arguelles kay Pangulong Duterte.
Letter of Lipa Archbishop Ramon Arguelles, D.D. to President Rodrigo Duterte