|
Dengue, prayoridad na tugunan ng DOH
July 13, 2010 - Tuesday
Prayoridad ng Department of Health na tugunan ang kaso ng dengue sa buong bansa.
Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, in charge sa national disease prevention and control ng DOH, tumaas ang bilang ng kaso ng dengue sa taong ito dahil na rin sa pagpasok ng tagulan.
“Talagang kapag po panahon ng tag-ulan, tumataas ang bilang ng dengue dahil dito simula nabubuhay ang lamok na may dengue kaya dapat maging malinis tayo sa ating kapaligiran,” dagdag ni Dr. Lee suy sa panayam ng Radyo Veritas.
Mula buwan ng Enero hanggang buwan ng Hulyo tumaas ng 40 percent ang kaso ng dengue o umaabot sa 25,283 na kaso sa buong bansa.
Sinabi ni Dr. Lee suy, ang mainam na gawin ng mga residente ay maglinis ng bakuran, mga basura at tanggalin ang mga sinasabing breeding grounds ng mga lamok.
Pahayag pa ni Leesuy na may sapat na gamot ang gobyerno para matugunan at makontrol ang dengue.

|