Veritas Balita


Charter Change ni Pampanga Rep. Arroyo, suportado
ng tatlo pang mambabatas

15 July 2010 - Thursday


Tatlo pang kongresista ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa isinusulong na charter change sa pamamagitan ng constitutional convention ni dating Pangulong Gloria Arroyo na ngayon ay kinatawan ng Pampanga.

Kabilang dito sina Quezon District Rep. Danilo Suarez, Maguindanao Rep. Simeon Datumanong at Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. na nakatakda ring magsumite ng isa pang panukala para sa pagkakaroon ng con-con.

Naniniwala ang mga kongresista na panahon na para muling rebisahin ang Saligang Batas at ma-iangkop ang ilang probisyon sa pangangailangan ng bansa.

Una ng inihayag ni Solidarity Philippines convenor Fr. Joe Dizon na tututulan nila ang panukala ni Cong. Arroyo dahil duda pa rin sila sa motibo nitong pagsusulong ng charter change.

Sa isinumiteng House bill number 8 ni Arroyo, hinihiling nito ang pagkakaroon ng batas sa layuning isabay ang botohan ng mga delegado na isasabay sa botohan ng mga barangay official at Sanguniang Kabataan sa darating na Oktubre.