[ HOME ]
 
Veritas Interview


DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
His Eminence Gaudencio Cardinal Rosales
Archbishop, Archdiocese of Manila

March 9, 2009 – Monday


 
Magandang araw po sa inyong lahat, ito po ang Arsobispo ng Maynila Gaudencio Cardinal Rosales, ako po’y bukod sa bumabati sa inyo ng magandang araw ay nagpapahiwatig ng isang paalala na pinagdiriwang ng sandaigdigan iyon po ang pangangalaga sa ating kalikasan. Tinatawag po itong Earth Day, pero po itong nangyayari sa ating mundo ngayon, itong santilakban ay para bang nagpapahiwatig sa atin ng hindi lang pag alala kundi isang matinding pagkilos upang ating alagaan ito sapagkat masasabi natin na napabayaan na ito ng mga nakaraan, maaari na inabuso ito, sapagkat  sinayang at tinalampalasan ang kagubatan sampo na rin ng ating mga katuwingan at kasama na din po dito ang gamit sa lawa at dagat, parang ginagawang tambakan ito mga basurahan hindi yata ito ang wastong gamit ng tanging, di lang ng tanging yaman ng daigdig kundi tanging tahanan ng tao sa lupa. Ang planetang ito. Ito po ay ating alagaan, pag atin pong inalagaan itong kalikasan natin alam niyo tayo din ay aalagaan nito at tatangkilikin tayo sapagkat ang ating tahanan sampo na rin ng kabuhayan natin, kinakain natin at bumubuhay ay nag uugat din po sa lupa, sa kadahonan, sa mga punong kahoy, sa kalawakan ng hangin at sampo ng mga tubig. Yan mga kababayan ang hiling natin sa ngayon ay ito’y ating pangalagaan ang kalikasan. Ang tanging tahanan ng tao dito sa lupa wala pong iba kundi ang planetang lupa. Magandang araw po sa inyo at pagpalain kayong lahat ng maykapal.  
 
Magandang araw din po sa inyong lahat, ito po ay karugtong ng paalala natin kamakailan sa pangangalaga sa ating kalikasan ay atin pong palilipasin ang ika dalawamput walo ng Marso yon pong Earth Day parang pag damay natin hindi naman ito mistulang pagluluksa ito po’y pag damay natin sa pangangalaga sa ating kalikasan at yong hindi nga sayangin ang yamang ito. Parang po napagkasunduan ng mga nababahala ngayon sa katatayuan ng lupang ito ang ating kalikasan ay sa gabi po ng ika-dalawamput walo o March 28, Earth Day sa gabi po ay tayo po lahat ay makikisama sa pangangalagang ito, atin  bibigyan ng pahinga sa vatican sana kahit isang oras lamang ang daigdig na ito. Minumungkahi sa lahat na kung maari lamang kung hindi makakapinsala sa kalusugan ng iba ay sa ika-dalawamput walo marso ay hinihingi yong isang oras na hindi pag gamit ng elektrisidad yon po ay simula sa 8-oclock ng gabi hanggang sa 9-oclock ng gabi para isang oras nyo lang po ito gagawin ito ay isang pong pagalala at isang pag hiling sa inyong lahat na nakikinig ngayon at gamitin itong isang  sandali na tayo ay nababahala lahat sa katatayuan ng daigdig na ito ay muling mapangalagaan at mapag ingatan mga kababayan paalala march 28, 8 o’clock in the evening makisama tayo sa hindi pagtitipid lamang kundi pangagalaga sa ating kalikasan, subukan natin walang elektrisidad sa loob ng isang oras. Maraming salamat po sa inyong lahat. God bless you.
 
Q: Archbishop, Cardinal yong sa CARP po kasi marami na pong mga magsasaka na marami na pong humingi ng tulong?
 
A: Naeksamin na yan kagabi nakipag ano na kami kagabi ito ay kabahagi na rin ng napag usapan namin ng mga nagsasaka na matapos makapag martsa meron dapat na makipag usap sa pangulo na ginawa namin kagabi ni Cardinal Vidal kausap namin itong pangulo at binanggit namin itong pangangailangan ng makapag pasa ng isang batas na pagpapatuloy sa pag rereporma ng lupa parang ang hinihingi yong carper, yong carps kung possessive agricultural reform program extension and reform so hindi lamang hinihingi namin ay ang extension nito sapagkat alam nating extended hanggang June 30,at syempre matatapos yan, at ang hinihingi nga namin eh ang aprobasyon ng carper yung extension with reform at lumilitaw po ngayon na parang ngayon na hindi yon ang resolution ng mataas at mababang kapulungan ay hindi yon ang nangyari kaya sinabi namin ito sa pangulo kagabi at sinabing hinihiling na ganon nga, natapos ang usapan na bubuo ng isang komite itong panig ng magsasaka ng simbahan at makikipag usap sa mataas na kapulungan ng senado, sapagkat parang ang sinabi ata na problema ng, ayaw ko na banggitin dito, sila may problema sa pag aproba nito parang kanilang inaprubahan agad yong panukalang di naman yon ang hinihingi ng magsasaka, yun nga may pinag kasunduan lang tumawag  sa mga kasama namin na hindi napagkasunduan but it will be on the hands of the people who will coordinate to present of course the details of the farmers has approved by the church kami nong obispo sa malacanang kagabi, gabi na ay parang yon din ata ang kwan ni mister Sir remonde yong Press Secretary ang kwan parang wala pang details pero tatawag lang kami.
 
Q:  May chance po ba Cardinal na hindi mabibigo yong farmers?
 
A: Hari manawari na ganon ang mangyari, kagabi kasi kung anu-ano na ang mga pinagusapan bago naka dating dyan tapos yong nga pagdating na sa mga details, what we do last night although nandon si Secretary ng DAR si Sec. Pangandaman nandon siya sinabi nya lahat ng mga problema pati syempre there is something that cannot be share here it might cause injuries in the personality of some people those are the things that we cannot mention. Ewan ko kung anong press released.
 
Q: So cardinal ano po ang advice nyo sa mga farmers? Uuwi muna sila ng probinsya?
 
A: Gastos na naman yon kun tumigil sila dito.