|
DZRV VERITAS 846 khz
Exclusive Interview with
His Eminence, Gaudencio B. Cardinal Rosales D.D.
ARCHBISHOP, ARCHDIOCESE OF MANILA
January 26, 2009 – Monday
"Tinig ng Pastol 8:33AM"
Q: Ilang taon na po ang nakalipas at may mga magsasakang napaslang dun sa Mendiola, tapos nagkaroon ng first quarters doon, noong 1970’s hinihingi ay pagbabago. Iyan daw ho ay yung ating CARP ay mukang malabsay dahil sa anim na buwang extension. Anu po ang inyong tingin?
A: Well, I look at it on a wider point of view, and later on a singular view. Yung wider point of view eh yung itong lupang ating sinasaka, arable land na’tin eh matagal ng problema na ating bansa ito eh. Kasing tanda na ng panahon pa ng mga asendero, sapagkat sa totoo lamang lubhang napaka-lapad ng ating bansa, ngunit ang nagma-mayaring alam natin ay kakaunti lamang. May mga malalapad na asyenda sa tagal lumiit na yan, pero malaki pa rin. Sapagkat when you look at the, if you look, and I have the whole history, napakalawak niyan na ang wika nga eh nung dumating ang mga kastila ang abot ng tingin ay oo, at sabi’y oo sasakay sa kabayo at kung saan abutin pag napagod na ang kabayo, hanggang doon na lang. So yoon ang mga alamat na minana natin sa mga kababayan, pero sa totoo’y malaon ay problemang ito ng lupa at meron din namang mga bansa na ganun din. At babanggitin ang isang bansa na talaga namang sa kanila nagtagumpay yung agrarian reform. Itong kapit-bahay nating na dating tinatawag na Formosa, na ngayon ay Taiwan, very successful ang kanilang paggamit, talagang nung bumatas sila, talagang binatas nila na parang sa military world nung pag-alis nila sa China. Pagpapasok iyan ay talagang walang exceptions, wala zero exception, at kung meron, nung narinig ko noong unang panahon, noong military institution pa, kung may heneral, ipinabi-bilanggo ang heneral na sumusuway doon. So, ‘yung will is more than political. It’s the will of the nation. Yoon po’ng larangan na yan, noon pa, ang nakakatuwa dito sa 1987 Constitution ay iyan ay isinadambana sa ating Saligang Batas, yung reporma na lupa, sakahan. The form of agrarian land has been enshrine in the 1987 Constitution, Iyan gawa ng CARP, gawa ng agrarian reform law, tapos nung naipatupad yan, naging CARP. Comprehensive Agrarian Reform Program. ‘Yan, so napakaganda n’yan, napakaganda po nito para maipamahagi ang mga napakalaki at malapad na lupa. Alam nyo, sabi ko nga sa mga magsasaka, nung kusapin namin sila nung kapanayamin namin, ganito po ang ating bansa eh. Gumawa man ng napakagandang batas, ay dalawang bagay yan eh nandyan ang batas, ang interpretasyon ng batas at ang implementasyon ng batas. These are two things, ang interpretasyon, How do you interpret the meaning of the law? Ano ba ang ibig sabihin ng batas na ito? Ano ang pasikot-sikot ng batas na ito? Sa paano ipatutupad ito? Anu talaga ang silbi nito? Gaano kalawak ang nasasaklaw ng batas na ito? Alam ninyo, tatapatin ko na kayo. Sa ating bansa, ang interpretasyon ng batas ay depende sa kinukuha mo mambabatas. Natatawa kayo diyan, ngunit ‘yan ang totoo eh. Siyempre, kapag ang mambabatas ay hehe ‘yon, interesado sa ganoon at maging hindi lamang at pati sa paggawa ng batas at maging sa ating mga mambabatas na abogado, pag nabayaran, pag ika’y mayaman, at you could afford, pag kaya mo’ng bayaran ang abogado, siyempre mas malawak ang interpretasyon, kapag nagpasa nga ang abogadong de kampanilya, naku, maraming dekorasyon yan, mga palamuti yan lalabas na ito ang interpretasyon ng batas, iyon nga ang sinasabi ko sa mga magsasaka. It is only the interpretation of the law. And the interpretation of the law already the rich people the owner of it, the big part of them, will have the advantage because they can pay, Good lawyers, etc. So ang interpretasyon nababaluktot na ng ganyan. Iisa ang batas, ang that’s only the interpretation and the only interpretation ay kung anu lang ‘yung pinapaliwanag nung batas. Kumbaga hay nako… lalo na kung sa implementasyon. Ang implementasyon ay implementasyon. Sa implementasyon, pag nakakuha kayo ng magaling na mambabatas, yung magaling in quotation, yung magaling gumawa ng dekorasyon sa mani-obra. Aba’y mababaluktot din yan. Bibigyan ko kayo ng isang halimbawa. Okay. Interpretasyon, implementasyon. Sa implementasyon, magkakambal yan eh. Huwag yung may kinalaman sa lupa. I should just to show you that this country is really depends on how you interpret and implement the law. Halimbawa, may nakapatay, kapag ang nakapatay ay naka-disgrasya o hindi sinasadya ay pobre, hawla, bakal, rehas. Pag ang nakamatay ay isang mayaman, gusali, malaki, at nahuli, dun muna pupunta sa ospital tumaas daw ang presyon. This is just to show you, there’s a difference in this country of how you interpret and implement this law. Kaya nga sa mga magsasaka, ngayon naintindihan mo na yung sinasabi ko? Kaya parati, ang dehado ay ang pobre. Kahit sa aksidente, sa tunay na buhay, kaya ito naman, dadagdagan ko pa. Sinasabi ko para marinig ng lahat. Parating dehado ang pobre. Kaya nagkaroon tayo ng isang napakamabait, mabuting pangulo, si Magsaysay. Sabi ‘niya “those who have less in life, should have more in law” may Biblical foundation daw ‘yun. Totoo yan. Ang sabi ni Panginoong Hesu Kristo, Iyan, ang una niya ay ang para sa mga dukha. Ang mga dukha ay sila yung mahihina, mga silang hindi palalamangin parati. Si Naomi at Ruth, isa sa mga paborito kong storya sa Biblya. Bakit? Yan kasing si Naomi, nabalo yan. Nung siya ay eh… pinauuwi, sabi niya kung sino ang Diyos niyo ‘yun din ang Diyos ko. Tapos nung si, yun bang nanganganihan, yung gumagapas, at di ba ang manggagapas ay may kabahagi tapos naglilinis. Komo alam na balo, na pobre, anung sabi nung may-ari? Sadyain niyong madami, ang mga bumabagsak, damihan niyo, at kung sinabi pa niya, ibagsak niyo na ng tunay. Pagkat salat iyan. Sabi sadyain mo na sadyain mo na! hindi lang pabagsakin ung pagkain, kundi kung maaari ibagsak na ng tunay. Alam niyang pobre eh. Hindi ba’t ang ganda nun? sa Bibliya, sadyain mo nang palamangin, sadyain mo nang ibagsak.
Q: Kung ganyan naman po yung sitwasyon, pagkakatiwalaan ba naman ba ng taong bayan ang Saligang Batas?
A: Isang magandang question yan…
Q: Hindi ba dapat ang tanong dapat po ba pagkatiwalaan ng nakararami sa mga mambabatas ay nakararami ay may kaya?
A: Iyan ay magandang tanong ano, kung sa tiwala, tiwala yan ewan ko… tayo’ nang mga Kristyano eh talagang hindi nawawalan ng pagasa. Kung pagsasama-samahin ang mga tao, meron pa rin mga good will ‘diyan. Sino nga ba makaka-isip ng panahon ni Quirino, hirap na hirap, tapos magkakaroon tayo ng kasunod na si Magsaysay. Nobody, I wonder if you, nung ako’y binatang binata pa, hindi ko alam, pa-paano kami aalwas sa ganoon.
|