[ HOME ]
 
Veritas Interview


DZRV – Radyo Veritas 846 khz

Exclusive Interview with
His Eminence Gaudencio Cardinal Rosales
Archbishop, Archdiocese of Manila

January 5, 2008 – Monday - 8:36 AM


 
Q: Good morning po..
 
A: Magandang umaga sa inyong lahat, melo  at tess at sa lahat ng nakikinig sa ating  himpilan sa radyo veritas lahat ay kapanalig at lahat ay kasama, hindi lamang magandang araw kundi maligaya at masagana at mabiyaya namang  bagong taon sa inyong lahat .
 
Q: napuna po ba ninyo kung nagkaroon po ban g dagdag o nagkaroon po ban g increase decrease ang mga nagsimbang gabi at dumalo sa misa?
 
A: Nakakapagtaka ito eh bakit parating  puno ang simbahan? 
 
Q: baka may mga Christmas wishes,
 
A:  lumiliit ba ang simbahan namin o  dumadami ang tao o dumadami ang may debosyon, bakit ito ang totoo ha nakapagtataka na  sa wika nga sa hirap ng panahon at ngayon nga kung minsan maraming trabaho ang tao, maraming pupuntahan bakit ba ang simbahan ay kumbaga kasali sa paligsahan, kung maraming tao sa mall aba ay maraming tao sa simbahan, at gusto ng tao may misa sa madaling araw, dalawa o tatlong misa sa simbahan. ako ay kung minsan nakakita ko  ng tatlong simbang madaling araw, alas tres, alas kwatro at saka alas singko. Sunud sunod yan at meron pa sa gabi. Meron pa nga akong nadinig sa mga probinsya ito ay sa may gawing batangas. Yung pari daw ay kumukuha pa ng labinlimang pari eh sa mga seminaryo na bakasyon na pinagmimisa para kada pari magmimisa at pupunta sa atleast tatlong barangay.abay pag hindi mo dininig yun ay magagalit ang mga tao, at sasabihin tamad ang mga pari. Aba’y maghanap ka na.    
 
Q: Sa ganito pong pagkakataon ito po ba ay dala ng krisis kaya maraming nananalig sa Panginoon?
 
A: That could be one way, alam mo melo, that could be one way of interpreting it. Pero wag nating iasa sa larawan yung katangian ng Pilipino. The Philippine has a trait that sometimes overlook especially when we have so many crisis to face,so many criticism to hear and so many you know black propaganda at lahat ng masasabi mo sa Pilipino ang nalilimutan natin ay ang isa sa malaking katangian ng Pilipino, anu yun?
 
Q: pananalig…
 
A: pananalig sa Diyos, maka- Diyos ang Pilipino, at ito ang masasabi ko sa iyo, maski alisin natin sa larawan ng simbang gabi, akoy kung hindi nyo natatanung nagtagal sa Mindanao labng isang taon ako dun, talagang ang buhay misyon, buhay misyonero ang aking inabot dun sa dinami dami ng mga tao dun yung mga lumawig nga ang wika nga sa Mindanao yung nagmigrate na dun at yung iba ay bago mag giyera at iba ay sa kasalukuyan nakikipagsapalaran dun sa mga lugar kung saan mayaman ang lupa abay magtataka ka kung ah wika nga ay may bagong salta,isa dalawa, bahay, hiwahiwalay yan, pag nakalabinlimang bahay, ang ikalabing anim ay chapel at tapos pag nakabuo sila tatawagin ang pari sa bayan, sasabihin father meron tayong chapel dun ah pakibasbasan. Simula na yun ng kanilang munting samahan. Na pag lumaki nagiging parokya, now, where do you start  to analyze, bakit ganun? We have nothing to back on except that in the heart of the Filipino.There is a love for God… faith in God. Ah, longing to be with him… asking for help, etc. Ito ay hindi na maaalis sa Pinoy at kung ang Pilipino ay you’re saying pinapakinggan ba ng tao na pakiramdam nila dapat gawin to,I  will used the word  punctuate,parang  pinapunctuate natin ang isang taon ng comma, semicolon sabi nga nila, oo yan mga tuldok. Kung minsan ay iyan pasko, muling pagkabuhay, yung semana santa, yung mga ganun, kwaresma, mga mayo, o yung todos los santos . Napapunctuate natin yan eh and usually  101 percent it is really in religion.     
 
Q: papanu po yun ang sabi naman ng ilan ng mga nagsusuri, karamihan naman daw ng pinoy ay katolikong pampasko, bagong taon at mahal na araw dahil kung talagang isinasaloob ang pananampalataya ay maganda na ang takbo n gating bansa. 
 
A: Totoo at halo ang totoo at hindi.. totoo yan at dahil tulad nga ng narinig ko sayo minsan na mga Sunday Christians.Which is true. Hindi mo ba nakikita na kapag linggo lang sila nagbibihis ng maganda. At hindi lang yun, kami ay lumaki di sa ganyang anu, alam mo  sabado pa lang, naglilinis na kami ng sapatos, hindi maaring si father eh.. and this is part of Saturday namin. Show your best on Sunday sabi nga nila. Totoo din yun na kung minsan ay hanggang dun nalang.now, sa sinabi mong yon,kung talagang gagawin ng Pilipino tulad ng sinabi ng panginoong hesukristo abay tama ang sinabi mo. Gawin lamang yun ay talagang lilipad an gating bansa. Tingnan mo melo I will put it another level, alam mo may lumapit sa amin na pinag-aralan na daw nya na.. how could I rephrase it, ah sabi nya alam mo father mas maganda, maganda yang ginagawa nyo yung tinuturuan nyo muna ang lahat ng tao na magbigay, makibahagi sa maliit na paraan. Exactly yun ang punto ng pinoy. Alam mo pinag aralan ko nay an eh. Anu kakong pinag-aralan mo? Eto eh, metro manila, ang metro manila eka ay may labing apat na milyones na mga tao everyday , sabi nya 14 million metro manilan, ang naiwan sa manila eka ay 12 million san napunta yung dalawang milyon, yun pala ang mga commuters, ang marami pala diyan melo ay galing pa ng tarlac, pampanga, cavite malolos, laguna, quezon, batangas, lahat eka, dalawang milyon ho yang umuuwi sa kanila, ang naiiwan sa manila ay 12 million.Pinag-aralan ko yan eh, kung lamang itinuturo ng pondo ng pinoy ituturo sa lahat ng simbahan at lahat ng eskwelahan, at maging sa pamahalaan, at maging sa eskwelahan ng publiko, sabi lahat, kung kalahati lamang niyan ay naiiwan sa metro manila ay magbibigay ng 25 sentimos, alam nyo ang pera ng pondo ng pinoy na maaaring pagsaluhan ng mga dukha 1.5 million everyday. Sinabi nya, paliit ng paliit yung kalahati, pero yung kalahati kahit yung mga bata magbibgay. Kung ang anak mo ay isang sanggol ang magulang  ang magbibigay ng ganun. But this is one half na lang. Sabi nya, you know that is 500 and 6 million pesos a year. Or that’s half a billion. Abay magsabi na pag di natin napakain. So to your question, kung atin lang pagsasabihan ay maniwala kayo dito na mayroong lunas na ganyan. Aba’y totoo yang sinasabi mo. Kung lahat ay sa maliit lang na bagay ga-tinga, gaga-mumo, ano bang mabibili ng 25 sentimos , ibig sabihin natin araw-araw, wag mo nang sabihing may dukha pa dito sa Pilipinas, atleast in metro manila area. So there is something in what you said. In the second part of your question, your remark, yung first part tinatanggap ko, pero yung second part maski ilan lang malaking pagbabago, lilipad itong bansang ito.
 
Q: So yun po ang hindi nakikita ng mga kristyano? Na kung tutuusin even in little things may magagawa tayo.
 
A:  Ayun nga Tess, ang gusto kong sabihin sana eh, alam mo sa pinoy ang gusto nyan eh yung bongga, yun bang pag hindi ka manggugulat ay hindi sya kikilos.At kalimitan pag hndi mo bibigyang pansin ay they just take it for granted.Pag walang malaiking boga, hondi kikilos ang mga pinoy. Yung mga maliliit hindi pa sya namumulat sa ganyan. Tama yung sinabi ni melo, yung una totoo yun  Sunday Christians.. at yung everyday Christian na maaaring sa maliliit na bagay.Ito kaya ng Pilipino, kaya syang pasiglahin ng kanyanfg pag-asa, kaya syang buhayin at pasiglahin pa ng kanyang pananampalataya. Io an ating nalilimutan
 
Q:  sa mga ganito pong pagkakataon ay hihingi kami ng panalangin at pagbabasbas lalu pa at ito ang ating unang panayam sa bagong taon at gawaran din po ninyo kami ng inyong pagbabasbas.
 
A:  Mahal naming Panginoon, ama ng lahat ng buhay, salamat po at kami ay pinaabot nyo sa ganitong yugto ng panahon. Buhay pa, malusog, masaya, may pag-asa, salamat po at ito ay kahit sa aming mga kapatid ay sawika nga ay hindi man maulan ay nakatatawid araw araw, at sinasama narin namin ang aming mga kapatid na salat sa buhay , maraming pangangailangan, maraming pinaggugutuman, sila po ang mga dukha naming kapatid kasama po namin sila sa panalangin, kasama po sa aming mga magandang adhikain , nawa ay umunlad, lumusog, gumanda ang aming bayan. Kayo po ang Diyos ng aming awa, Diyos ng lahat ng kasaganaan at kapayapaan, bigyan nyo kami ng pag-asa sa aming sama-samang muling pagkakaisa, hari nawa ay ang lahat ng hinahangad naming ay lalu’t higit ang hangad ng mga mahihirap at mahihina ay makamtan din. Kung inyong ipagkakaloob, papayagan naming kamiy gamitin ninyong kasangkapan para ang lahat ay mabahaginan na lumigaya at maging masaya sa buhay. Walang hindi mangyayari ang itinuro ng inyong anak na si Hesus. Kung saan kami sa kanya ay humihingi ng awa at ang lahat ng ito aay idinadalangin para sa buo naming angkan, simbahan, bayan ipagkaloob nyo sa amin sa pamamagitan ni Kristong anak nyo at kaisa ng espiritu santo kayo po lamang ang Dyos magpasawalang hanggan, Amen.