|
DZRV – Radyo Veritas 846 kHz
Exclusive Interview with His Escellency
Bishop Romulo dela Cruz
Bishop, Diocese of Kidapawan
April 5, 2009 – Sunday - 11:15am
Q: Bishop, ibig po sana naming ipaliwanag ninyo sa amin ang ugnayan nitong charity at justice na para silang magkapatid na dapat magkasama sila?
A: Ang charity at justice ay dapat na magkasama dahil sa hindi puwedeng mangyari ang charity kung walang justice at kung puro justice na lang at walang pagmamahal sa puso ay maaaring makasama yung naghahanap ng katarungan ay kailangan may pag-ibig din sa puso niya upang makamit ang tinatawag na justice.
Q: dito sa sinulat nyo, may mga situation kayo, nakikita natin na matindi na talaga ang poverty natin dito sa bansa anong kaugnayan nang pagbibigay natin sa ating kapwa at yung nawawalang katarungan kay umabot sa ganyan ang sitwasyon natin?
A: O kasi ang nakikita natin, kaya walang katarungan ay dahil, dahil ang tao na nga mga instruksiyon ay nagkukulang na rin sa pagsasabuhay ng tinatawag na charity at justice and the siyempre kung, kung ang tinatawag na justice ay nagpapahiwatig ng pagkilala ng bawat tao ay may karapatan at may natanggap na kabutihan galing sa panginoon at kailangan ito ay respetuhin upang magkaroon nga ng hamon, hamon ay magkaroon ng magandang pag-uugnay sa isa't isa. And then ang nakikita na nga natin na marami ng nangyayaring mga kalokohan no na nagdadala ng kahirapan at dahil diyan parang nawawalan ng pag-asa ang tao at yung palagi nating sinesermon na pagmamahal, pag-ibig ay parang nawawala na rin. pero para sa ating mga kristyano, palaging may pagasa, palaging may nakikita ng kabutihan, na kung wala mang katarungan, alam nating na ang diyos ang katarungan at sa bandang huli ay matatanggap natin ito.
Q: Diyan ho sa diocese ninyo, meron hong nagaganap diyan na nakikita niyo, ano ho yung poverty level niyo?
A: Ako ay namangha dahil bagong-bago pala, mga ilang buwan palang ang nakakalipas, Kidapawan daw po ang richest city in the whole country, can you imagine that? nabasa ko sa newspaper. because konti daw ang mga taong naghihirap dito.
Q: Wala ho mga kayong slum areas? mga sa squatters?
A: Kung meron man, kokonti lang. wala akong nakikitang gaya ng mga nagyayari sa ibang mga siyudad.
Q: Is it because bishop ang unemployment dyan ay mababa?
A: Maraming mga tao dito ay may sariling sakahan. this is a farming area pa rin kahit yung city ng Kidapawan, daming-dami ng mga lupain na ginagamit ng tao at daming fruit trees. saka madaming plantation dito gaya na lamang ng banana na nagbibigay ng trabaho sa tao. halos hindi mo nga makikita dito ang mga street children dito. may namamalimos pero hindi mo naman maia-alis yun, kahit saan merong talagang ganyan.
Q: Hindi pa ho ba kayo pinapasukan ng mga mall, shopping centers, mga commercial areas?
A: Ang pinaka malaki namin dito eh Jollibee.
Q: Eh Bishop, eto po bang mga programa niyo tungkol sa charity diyan sa inyong diocese eh may kaugnayan sa simbahan, gobyerno at local na pamahalaan?
A: Ang aming gobernador dito ay ginagawa ang nararapat, ginagawa ang nakakabuti sa nakararami, para sa mga tao. ano pa kayang magagawa ng simbahan except to support and to encourage them to go ahead noh, hindi yung simbahan ang nangunguna sa ganitong trabaho kung hindi ineencourage sila at eto na nga ang ginagawa natin dito. bilang isang baguhan palang dito, all i do is to support all the good that is being done by the government.
|