|
DZRV – Radyo Veritas 846 Khz
Exclusive Interview with
Isabela Governor Grace Padaca
April 28, 2009 – Tuesday - 6:32am
A: Ano po ang reaksiyon ng Liberal Party ng kayo ay na-nominate ng Kaya Natin Movement bilang possible Vice Presidential Candidate?
Q: Wala… yes siguro busing-busy pa sila o kaya ay tiningtingnan kung ano ang mga pangyayari sa mga susunod na araw, pero yung ibang tao nung nasa likod ng idea ay nagsasabing kung matutuloy man yon ay kailangang paghandaan kaya pinag-dedesisyon na ako at dahil doon ako na ang nagkukusang makipag-usap sa aking mga pinuno sa Liberal Party, katulad ni Senator Drilon at iba pa…at nakatakda na ring kaming mag-usap ni dating Congressman Butch Abad.
Q: Meron po bang nakausap kayong opisyal ng liberal party na inyong kinabibilangan na parang cold sa idea na kayo ay maging Vice Presidential Candidate?
A: Hindi naman, pero tingnan… Ang komplikasyon din naman nito kandidato sa pagkabise-presidente si senator Mar Roxas so medyo tricky ang sitwasyon.
Q: Pero simula po nang nagkaroon ng usapan doon sa inyong possible tandem ni Governor Panlilio ay di po ba talagang tricky na yon kasi hindi kayo magkasama sa iisang political party?
A: Yes, Kaya nga noong pumutok ang balitang yon naging maingat ako sa aking pagsasalita dahil nabigla din ako, katulad ng sinasabi ni Among Gob. itong bagay na ito ay hindi galing sa amin siguro yung ibang Presidential at Vice Presidential Candidate noon pa nila balak, noon pa nila gusto, noon pa sila naghahanda pero sa kaso namin ni Governor Ed hindi sa ‘min galing yung idea, galing sa ibang tao, kaya it’s something na we have to deal with, yun ang pagkakaiba.
Q: Sa liberal party wala naman kayong parang nagkaroon ng hidwaan kasi biglang lumabas ang pangalan nyo na isang possible Vice Presidential or even Presidential Candidate?
A: Walang hidwaan, kasi walang reaksiyon from them e, mag-uusap kami ngayon and initially kasi parang ang nakarating sa kin ay ayaw nilang sabihin sa akin na huwag, para kasing pinipigilan nila ako so siguro yun naman yun nire-respeto din nila yung aking kalayaan, parang somebody told me, before the talks na baka kaya sabihin kay Grace na huwag kang pumunta, baka lumabas na parang mine-menos siya.
Q: Pero yun po bang liberal party meron na po bang Vice Presidential material?
A: Not that I know of, kaya lang naiintindihan ko naman kung wala pa dahil pati naman yung ibang Presidential Candidates wala pa kasi napaka-fluid pa ng sitwasyon tinitingnan pa kung saan ang direksiyon ng mga halimbawa mga survey, sabi nga ni Senator Drilon nung nagka-usap kami, masyado pang presumptious to any candidate na kumuha na ng Vice President kung siya mismo hindi pa naka-placing ng mabuti..ganun.
Q: Hindi po ba presumptious din sa isang Politiko sa mag-announce ng kaniyang candidacy sa pagiging presidente?
A: Hindi naman, ang opinion ni senator Drilon ay parang yung presidentiable na kukuha na ng Vice President niya ay hinay-hinay muna siya, kasi hindi pa talaga sigurado kung saan talaga ang place niya, it’s a good year before the elections, so ito rin ang natutukan ko sa maraming consultations na ginagawa ko ngayon sa mga ngo’s, environmental groups, mga simpleng mamamayan at pati yung matatagal ng pulitiko so this times has been so much learning experience for me na yun nga, kahit na siguro kahit one or two months before the elections ay puwede pa ring magbago, natatandaan natin yung mga karanasan halimbawa matagal pumlacing bilang president… yun pala in the end magba-vice president, ngayon strategy yan but meron yung mga iba na nagpe-placing bilang Vice President tapos at the end of the road magse-senador, meron pang mga klase na mga mayor na at the last hour isa-substitute ang asawa, anak.
Q: So talagang masyado pang malayo para magdesisyon?
A: Yes, pero ang pagka-kaiba kasi yung Automation ng elections e, kasi dati puwedeng magdesisyon ng January before the May election pero ngayon since November ang filing ng candidacy dapat daw Mayo, Hunyo magdesisyon na.
Q: Paano kung sa survey ng second quarter, si Among Ed e magpakita ng magandang showing kasi from zero nakakuha halimbawa ng 5 percent really change the political equation in the land?
A: Well I think so kasi pag pinapakinggan natin ang statement ni Governor Ed ay ano, bukas siya na gawin siyang choice, sabi niya kung walang pagpipiliang iba at gusto ng tao na ako ay willing ako sabi niya … so I’m sure magbabago ang ilang dynamics o kaya yon yung mangyayari sa ating pulitika.
Q: Change topic, pabor ba kayong gawing heinous crime ang pagputol ng kahoy?
A: Bago ko sagutin yan, alam mo ba na right now mayroong bus load of our friends from Aurora, Quezon from Sierra Madre na dumalaw sa Isabela para pag-aralan ang aming experience kung bakit kami nakakumpiska ng more than half a million board feet ng illegally cut Narra at iba pa, sila Fr. Pete Montallan ng Sagip Sierra Madre, noong Sunday night ay nandoon kami sa Siena College. So ganon po kami ang ginagawa po namin ngayon na nagtutulungan po kami at sana matuto sila sa aming ginawa na at matuto din kami sa kanila, now with Regards to making itong pamumutol ng kahoy ay gawing Heinous Crime, siguro i-classify natin kung sino ang ating kakasuhan kasi kung ang mga bugador o Achero yun yung mahihirap na tao na walang sakahan kaya napipilitang umakyat sa bundok, kung sila pa ang huhulihin natin parang di ko yata maatim yun, kaya nga kahit mag-iisang taon na ang aking maigting na kampanya laban sa logging hindi ko pa rin hinuhuli yung mahihirap na tao but that’s one year ha, binigyan ko sila ng isang taon, sabi ko dati dalawang buwan lang pero naging isang taon na kasi along the way, nakita ko kasi mahirap kaya ang ginagawa ko na lang binibigyan ko sila ng alternative livelihood, hindi madaling gawin ito pero mas naka-concentrate ako dito sa pagbibigay ng kabuhayan sa kanila kaysa huliin sila, just like in any other crime … yung mga master mind mahirap hulihin, mas madaling hulihin ang kubrador kaysa Jueteng Lord. Etc… so siguro pakikinggan ko muna kung ano ang balak ng proponent niyan bago ako sumuporta o mag-oppose.
Q: Napapansin ko din na kalimitan sa isinasakdal ng DENR ay walang sapatos?
A: Yes. Minsan, tinawag kaming mga kababaihan na active sa campaign on environment, meron isang active judge na sinabi na noon daw hearing nila dinala nung cutter ang buong pamilya na sinasabing sige ikulong nyo ko, ikulong niyo na rin ang buong pamilya ko, sama-sama kami, sinabi ng lady judge niyo ano ang gagawin niya sa ganiyang sitwasyon. Mayroon akong suggestion sa proponents nito, sana makipagtulungan sila kay Chief Justice Reynato Puno because just last week, para tutukan ang legal side ng environment protection. The chief justice called it as environmental justice forum. Napakaganda nga e, dahil after human rights, extra judicial killings, itong environmental justice ang pangatlong binigyang priority ni chief justice puno. I think ni-review nila yung batas.
|