|
DZRV – RADYO VERITAS 846
Exclusive Interview with Grace Padaca,
Governor, Province of Isabela
March 23, 2009 – Monday – 6:22am
Q. Gobernor desidido na po ba kayong kumandidato bilang Vice President ng bansa?
A. Naku hindi po ganon kadali sagutin yan. ni sa hinagap nga po ay hindi ko naisip yang bagay na yan. Actually kayo po sa Radyo Veritas ang unang nagpalabas ng possibility ng ma-interview niyo last week si Governor Ed Panlilo, magmula po noon ay madami nang nagtatanong sa amin. Ito po ay isang bagay na pati sa akin ay nakaka-over whelmed.
Q. Yung inyong Political Career ay dine-fine sa mga bagay na hindi inaasahan, hindi niyo inasahan na kayo’y magiging gobernador or kongresista ng Isabela pero ngayon naging gobernador kayo?
A. Kaya nga ako ay promi-preno sa isyung ito dahil alam kung ang imposible ay puwedeng mangyari. Yon bang ayaw ko nang subukan si Lord dahil alam kong kaya niya. Pag-bise presidente aba’y ibang usapan na ito. Dito lamang po sa lalawigan ng Isabela ay malaking hamon na ito. Pero ang sinasabi ko na lamang po ay parang nakaka-awa naman ang ating bansa na mismong ang taong bayan na ang talagang nagkukusa na gumawa ng paraan, yung piso-piso ng grupo na inilunsad kahapon para lang magkaroon ng pagbabago and the least that people like me can do it to appreciate, recognized sa kanilang mga ginagawa na totally bang our doors on them parang kung baga tingnan natin kung saan tayo dadalhin ng mga pangyayaring ito.
Q. Hindi ba parang isa itong panggising din sa ating lipunan kasi ang dami pong gumigiri para maging pangulo at pangalawang pangulo, and yet ang reaksiyon ng tao, sila na naman? E anak ito ng crony, o pamangkin ng crony, yan ang mga naririnig natin o ito namang isa ay may problema sa double insertion? Kayong dalawa ni Among Ed ay mga bagong pangalan sa Philippine politics?
A. Kaya nga sana ay mabago din ang pananaw ng mga botante kung ang mga katulad po ng mga nabanggit niyo ay ayaw ng mga tao dahil sa traditional ang dating e yong iba naman ay nagsasabi na paano naman kami mananalo e wala naman kaming pera, wala naman kaming mga makinarya. Para bang kasalanan naming na wala kaming pera. Pero actually sa bansa natin parang ganoon na nga rin ang nangyayari. Kung ganitong may mga bagong paraan na pwede tingnan at magagawa natin actually ito ay nangyari sa isabela pero in a national scale, let see kung ano kaya ang mangyayari parang ganoon.
Q. Ayon po sa mga balita may tatlong signs na hinihintay si among Ed, kayo po ba ay may mga senyales din na inaantay para sabihin ito na tatakbo na akong Vice President ng bansa?
A. Ako po ay wala ng senyales na inaantay kasi po the imposible can really happen e. ang takot ko lang talaga kung makarating tayo sa punto na I won’t have a choice but to say yes. Yon ang kinakatakutan ko sa lahat na para bang umayaw ako e sobrang salbahe ko naman.
Q. Gov, pano po kayo nagkaroon ng lakas na maharap po natin ang pagsubok na ito bilang governor sa napakalaking probinsya sa northern Luzon?
A. Alam niyo po, hindi man maniwala ang tao e di karerin mo na lang. hirap man pero karerin mo na. maging maispag ka. Committed ka in more than 24 hours in a day dito sa trabaho na ito kasi everybody wants to have a peace of you. Gusto nila andyan ang lahat ng atensiyon ng governor because that governor has a power to make things move. Sabi ko nga one signature of mine can cause the release of millions of pesos. Isang yes or no na sasabihin ko will affects the millions of people. Actually, power can be a good thing if used well. Ang daming magagawa. Ang pera ay puwedeng magamit as subsidy ng ating mga magsasaka. ako, kahit NGO gusto nilang tutukan ang infrastructure project ko welcome. Tinatawag ko pa po sila. Anti Illegal logging campaign. Naiinggit sina Fr. Pete Montalliano sa Aurora at Quezon dahil kahit na daw gaano sila mag-advocate ng mag-advocate wala naman nangyayari sa mga Illegal loggers sa quezon. But they seen in isabela na I am ni power, I
have the resources, I have the connections as an official of the government we can make thigs work. So ang pinaka-idea po dito ay let us put more of the right people on the government dahil magagamit nila ng maayos na maayos ang pera ng pamahalaan para sa greater good. Kaya itong power na ito ay mapunta sa maraming mga asawa, mapunta sa mahilig sa baril, mapunta sa mahilig sa kotse, e yong pera lagi silang mate-tempt na tumanggap ng jueteng money, protection money sa illegal loggers. Kumurakot sa proyekto kasi may life style na kailangang i-maintain. So hindi dapat mapunta ang kapangyarihan sa mga taong ganoon.
|