[ HOME ]
 
Veritas Interview


DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
DSWD Undersecretary Luwalhati Pablo

April 6, 2009 – Monday – 7:15am



Q. Ano po ang ginagawang paghahanda ng DSWD baka lumusob na ang militar sa Abu Sayyaf sa Sulu at maraming ma-displaced na mga sibilyan?

A. Usually lahat ng aming regional offices ay laging merong kahandaan just in case may emergency. Particularly po dito sa nangyayari sa Jolo ngayon. Nagbigay na ng instructions si Secretary Cabral na maghanda ng mga evacuation center. So there are 19 identified evacuation center ngayon doon very close din po an gaming coordination sa DSWD provincial office. But as of now I cannot give you any update kung meron nang pumupunta sa evacuation centers but they are prepared already.
 
Q. Walang bang peligro na mga workers naman ng DSWD ang ma-kidnap?
 
A. Sa aming karanasahan po naman, lagi naman pong nirerespeto ang ating DSWD dahil alam nilang tumutulong at hindi ho namin tinitingnan kung ano ang relihiyon at ano ang affiliation basta kailangan po nila ng tulong lalo na po pag emergency nire-respeto naman po nila ang aming mga tauhan.

Q. Yon bang mga DSWD, yong inyo pong mga workers ay mga lokal residence?
 
A. Oo. Karamihan sa aming mga workers na naroon ay mula rin sa nasabing rehiyon.
 
Q. So puwedeng tiyahin o puwedeng pinsan ng Abu Sayyaf?

A. Hindi naman siguro. Kaya lang nirerespeto kasi mas familiar sila sa lengguwahe, alam nila ang kultura at alam nila ang sitwasyon.
 
Q. Hindi kayo nagmamalaki na you are above the government kasi kayo ay naka-base sa Switzerland?

A. Ay hindi po. Sa ating gobyerno po ang DSWD.

Q. Ano ang extent na paghahanda po ang maaaring ibigay ng DSWD on the worst case scenario USEC?
 
A. Unang una, lahat na po ng evacuation center ay nahanda na po yon pati po ang food stuff namin ay ready na rin doon sa bodega namin. Laman po noon ay food, clothing, at mga banig at kumot. Pag ganyang sitwasyon din po ay may mga cash na available just in case na kailanganin. Ang aming disaster management team ay on 24 hours on call. Naka-antabay din po ang aming central office lagi silang nagmomonitor at saka ang mga malalapit na regional office naming tulad ng region 12 ay nakahanda na po yan oras na mag-augment po ng tao.
 
Q. Ma’am rest assured na wala pong magugutom oras na magkaroon ng evacuation?
 
A. We assure you na we will give our utmost assistance para sa mga pamilya.