[ HOME ]
 
Veritas Interview


DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
His Excellency Bishop Broderick Pabillo,
Auxiliary Bishop, Archdiocese of Manila
Chairman CBCP-NASSA

29 April 2009 – Wednesday


 
Q: Bishop ngayon po ay a-29 na at malapit na ang May 1. Ano po ang mensahe ninyo sa ating mga manggagawa?

A: ‘Yong May 1 ay nakatakda para sa kapistahan ng mga manggagawa no? At kailangan nating bigyan halaga ang ating mga manggagawa at ang lakas paggawa kasi sinabi sa atin na tayo ay kasama ng Diyos sa paglilikha ng sanlibutan sa pamamagitan  ng ating gawa. Kaya yong mga manggagawa na siyang kasama sa gawaing ito ay sana mabigyan ng nararapat sa kanila, nararapat na sahod, nararapat na proteksyon, papahalagahan ang dignidad ng paggawa.

Q: Bishop tatlo po ang binanggit ninyo, nararapat na sahod, nararapat na proteksyon at dignidad at paggawa, e mukhang ang tatlong iyan e wala sa mga manggagawa sa Pilipinas, anong proteksyon? Limang buwan lang e tanggal na sa trabaho?

A: ‘Yon nga. ang iba wala  pa ngang trabaho e. Kaya kunwari walang permanenteng trabaho. Tapos ang sahod na mababa na hindi nakasasapat sa kanilang pamilya. Tapos ang proteksyon sa kanila, hazardous ang ginagawa na nagkakasakit sila sa kanilang ginagawa. Tsaka yong dignidad nila na hindi ginagalang. Kunwari ang mga karapatan, ang karapatan na mag-strike, magpulong at magsama-sama ay hindi ginagalang yan ay labag sa kalooban ng Diyos.

Q: So, ang simbahan po ay may ginagawa para sa mga manggagawa?

A: Sumusuporta tayo kung ano man ang magagawa nating suporta. Mayroon tayong mga labor desk. dito sa Archdiocese ng Maynila mayroon tayong komisyon para sa mga manggagawa. Kaya pinagsasama natin sila at kung ano ang kanilang hinihiling ay inila-lobby din natin.

Q: At ito po ay isa lang sa mga social concern ng simbahan?

A: opo.

Q: Bishop, bakit po ang  manggagawa isa ito sa dating sektor na militante  at talagang concern sa kanilang karapatan, e bakit po parang over the years ay parang sila pa ang nawalan ng mga benepisyo?

Q: Yan ang nakakalungkot e.. Yang sinasabi nating globalisasyon. Maraming mga pangyayari na nakapanghihina sa samahann ng mga manggagawa. Tulad ng kontraktualisasyon, dahil nasa contractual sila hindi sila makapagbubuo ng samahan. At saka hindi rin ginagalang ang karapatan ng mga manggagawa.. may mga batas tayo sa labor code na tulad ng bawal na ‘yong union busting. Wala namang nangyayari sa ganyang mga batas at ang kontraktuwalisasyon ay hindi dapat yan. Hindi napapanindigan ang mga batas para sa mga manggagawa.

Q: So, ang simbahan po ay makikita sa mga susunod na mga panahon na aktibong magsusulong ng kapakanan ng mga manggagawa?

Q: Actually ngayon ay ginagawa na natin yan. Hindi lang ganoon ka lantad. Ino-organisa natin sila. May grupo tayong ini-organized at mayroon tayong mga pag-aaral na ginagawa.

Q: Meron pong mga negosyante na ang pananaw sa karapatan ng mga manggagawa ay anti-business policy?

A: Ang problema kasi nila, ang tingin nila sa mga manggagawa ay isang commodity lang. Isang presyo lang. Ang mas mahalaga sa kanila ang profit. Sa kanila ang business ay maunlad kung may profit. Sa totoo di lang dapat tingnan sa profit kundi kung ano ba ang ginagawa din sa mga manggagawa? At sa anumang profit sana ay isini-share ito sa mga manggagawa hindi lamang napupunta sa nagbibigay ng kapital.

Q: At yong pong dignity of labor ay hindi po dapat ipinagbabawal sa mga sales lady na maupo, anu po?

A: Basta yong bang may dignity sa kanila na ang turing sa kanila ay tao no? At hindi makina. Yan din ang problema kaya ang iba ay pinapalitan ang tao ng makina. Ang mga makina kapag nasira ay kumukuha lamang ng spare part sa ibang bansa. Ang tao kapag nagkasakit ay tinataggal pa. Ginagamot pa nila ang makina ang tao hindi nila inaayos.

Q: At sa harap po ng global crisis e inaasahan nyo na mas daragsa pa ang abuso sa mga manggagawa?

A: Yan ganoon din. Ang bias kasi ng ating gobyerno ay para sa export. humahabol tayo sa mga business na pang-labas. Gusto nating pumasok ang mga investment dito sa atin para may ma-export tayo. So ganoon ang hinihingi ng mga business sa labas na babaan ang mga sahod. Hindi ba binibigyan ng importansya ang paggawa ng mga Pilipino ngunit ang mga dayuhang investment ang binibigyan ng importansiya. At saka mag-produce tayo ng atin mismong mga pangangailangan upang hindi na kailangang mag-import pa. hindi na problema ng liberalisasyon. Binubuksan ang ating market sa taga-labas at binabagsakan tayo dito ng mga mababang presyo ang kapalit naman noon ay mawawalan ng trabaho ang ating mga kababayan dahil ang mga Filipino factory ay nagkakasarahan.