|
DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
His Excellency Bishop Broderick Pabillo
Auxiliary Bishop, Archdiocese of Manila
February 10, 2009 – Tuesday - 6:52am
"Courtesy of Veritas Patrol"
Q: Bishop, hihingi lang kami ang update sa inyo sa pagdagsa ng mga magsasaka mula sa Luzon, Visayas at Mindanao sa Metro Manila?
A: Opo parating na po yung mga magsasaka natin na galing sa Visayas tapos meron na ring nagmo-mobilization, galing sa Southern Luzon, Northern Luzon pati sa Mindanao, pupunta po sila sa atin upang magkaroon ng pagla-lobby sa CARP extension, magma-martsa po sila dito pupunta sa Malakanyang papunta sa Senate, papunta sa Batasan para maki-usap na ipasa na kaagad ang CARP extension.
Q: Bishop sa bahagi po ng simbahang katolika ano po ang ginagawang hakbang ng simbahan tulad po ng ipinangako ni Cardinal Rosales sa mga magsasaka noon pong nagkaroon ng hunger strike sa Congress na sinasabing aakuhin ng simbahan ang mga problemang kinakaharap ng mga magsasaka kaugnay sa CARP extension?
A: Hindi lang po yun ang sinasbi ni Cardinal Rosales, ganun din po sa NRC II, yung huling meeting namin sa CBCP, nagkaroon ng pahayag na “God hears the cry of the poor” na makikiisa ang simbahan tungkol sa land reform kaya po sa mga pag-alis ng mga magsasaka sila po ay dumadaan sa mga simbahan natin, sila ay namamaalam sa mga Obispo at pagdating dito sa Maynila kami naman po ang tatanggap sa kanila at susuportahan namin sila sa kanilang mga gawain, ang mga parokya ang mga eskuwelahan at ganundin magmimisa kami at manalangin.
Q: Bishop What would be the last recourse ng simbahan in the case po na hindi pa rin po mapagbigyan ang kahilingan ng mga magsasaka kaugnay sa CARP extension?
A: Alam mo naman, ang recourse naming palagi ay nakapaloob sa batas, kaya ang pa-asa namin ay pagbibigyan ng mga mambabatas, nagkakagulo yung ibang mga sector dahil diyan, kaya ang paki-usap namin na pagbigyan na nila matagal nang pangako, pero yan ay dapat dumaan yan sa ligal na pamamaraan.
|