[ HOME ]
 
Veritas Interview


DZRV – Radyo veritas 846 Khz
Exclusive Interview with
His Excellency Bishop Leonardo Medroso,
Bishop, Diocese of Tagbilaran, Bohol
Chair, CBCP-Episcopal Commission on Canon Law

April 16, 2009 – Thursday – 6:40am


Q: Ano ang stand simbahan sa mga beach resort kung saan nagsusuot ng maikli ang kababaihan at mga nakabikini?
 
A: Wala namang nasasabi ang simbahan natin, ang simbahan natin ay usually about this matter para sumusunod tayo kung ano ang batas ng ating bansa. we mean to say that we do not condemn that…lalu na yung sinasabi na bikini or two piece parang wala namang kuwan ang simbahan na ganun.
 
Q: Ano po ang stand ng simbahan sa nagsisimba na babae o lalaki na akala niyo pupunta ng beach?
 
A: Ah yun ang di maaari, yun may batas ang simbahan diyan because this is a place of worship and therefore it has to be respected accordingly, so merong decent,  merong tinatawag na dress code yung pagpasok natin sa simbahan.
 
Q: So ano po ang dress code, hanggang saan ang dapat makita at hindi dapat ipakita?
 
A: Hahahah, dito sa aming Diocese nagpagawa kami ng kuwan tarpaulin na inilagay namin kung ano ang bagay at kung ano ang hindi bagay na isuot sa pagsimba.
 
Q: Short shorts hindi puwede?
 
A: Yung mga short hindi puwede na iyan e, sa aming batas dito, ang object talaga naming lalo na yung kinakasal ba, yung gown ng babae, yung plunging line…
Q: Bishop, yung  backless?
 
A: Ganun din, that’s why dito sa simbahan namin we asked our Parish to supply yung mga shoal na lang.
 
Q: Pag may pumapasok po na hindi alam?
 
A: Mahirap naman papuntahin sa sastre, bigyan na lang ng shoal, bahala na paglabas ng simbahan, hindi lang sa simbahan.
 
Q: Ano po ang specific statement ng canon law, ang mga pari ay hindi dapat maging elected official?
 
A: The spirit behind the law kasi niyan, behind the law is na ang simbahan ay para sa spiritual goods, pagkatapos ang state ay para sa temporal affairs ganun, now the priest suppose to be ordained for the spiritual upliftment of our people hindi sa temporal ang direkta so therefore the church state na hindi puwede ang ordained priest to take an office in politics especially executive office ganun at the same time financial office hindi puwede ang pari.
 
Q: Ang ibig pong sabihin pag nagpilit siya ma-suspend siya?
 
A: Oo ma-suspend siya ng sarili niyang bishop, kasi magka-conflict na at the same time hindi na siya maka-fulfill ng kaniyang spiritual kung nandyan ang kaniyang emphasis sa temporal.