|
DZRV – Radyo Veritas 846khz
Exclusive Interview with
Undersecretary, Department of Transportation and Communication,
Thompson Lantion
April 6, 2009 – Monday – 6:22am
Q. Kumusta po ngayon ang operasyon ng mga biyahe lalo sa tubig?
A. Patuloy naman po ang ginagawang monitoring po diyan at sa paggunita nga ng Semana Santa ay may kautusan ang ating kalihim Mendoza ay pina-activate po ang Oplan Semana Santa, simula po kagabi ay nandiyan po ang ating mga help desks sa mga bus terminal natin, sea port at air port at kaakibat po natin ang PNP kasama po ang mga LGU’s natin at volunteer groups. Sa kabuuan ay nagkaroon po ang mga medical teams natin ay nakahanda na rin sa mga major high ways at sa iba’t ibang mga bansa ay naka-activate na rin po yan sa pamamagitan ng DOTC regional monitoring centers nation wide.
Q. Ang mga uuwi po ba ang nakakasiguro na may masasakyan sila?
A. Tama po yan at ang mga special permits naman ay iginawad na rin ng LTFRB mula pa ho noong isang linggo at patuloy po yang ipinamimigay sa mga nais bumiyahe sa mga pampublikong sasakyan.
Q. Yon po bang DOTC at Department of Public Works and Highways ay may ugnayan? Kasi po kung kailan Semana Santa na nagbubuhol ang trapik saka nagrerepair ang DPWH?
A. Iyan pong ginagawa sa EDSA na nakikita nyo po dyan at sa mga probinsya ay yan po ay dapat kini-coordinate sa ating tanggapan din at mabigyan ng travel advisory kung saan pong may mga aberyang ganyan. Kung meron mang mga sitwasyon na hindi nalaman ng ating tanggapan puwede po silang tumawag sa ating DOTC action center hotline 7890.
Q. Ano po ang pwedeng magawa dito ng DOTC?
A. Tayo po kaagad ay magbibigay ng kaukulang okasyon at itatawag ko sa kanila kung saan puwedeng ipagpaliban o kaya tulungan ang pagbibigay ng tulong sa daloy ng trapiko.
Q. Nabanggit niyo po ang mga help desks, sa lahat po ba ito ng mga terminal o port o airport makikita?
A. Tama po yon at andiyan po sila. Marami po diyang nailagay na mga karatola na ito ay DOTC help desk. Nandyan po sila sa mga terminal sa ating railways station at meron ding libreng tawag po diyan. Yong ating public assistance sa mga convergence area natin sa mga pampublikong sasakyan sa kapatagan at ating karagatan at himpapawid.
Q. Ano po ang maipapayo natin sa ating mga kapanalig kung sakali pong duda sila tungkol sa safety ng kanilang sinasakyan?
A. Unang una po dapat ay maging vigilant po tayo at alamin natin kung may mga sitwasyon na hindi kanais-nais o mga kilos ng kanilang katabi na kahina-hinala ay puwedeng itawag kaagad sa ating hotline o idulog sa mga awtoridad na nandoon. Unang una sa ating mga motorista naman na gumagamit ng private vehicles at maging sa public na rin ay dapat na bago umulis ay i-check po nila ang advisory ng ating Auto Mobilization of the Philippines yong mga makina ng kanilang sasakyan, yong mga mga wiper maliliit lang yan pero malaking bagay po yan kung umuulan para iwas-disgrsaya. Yong mga ilaw ng ating sasakyan ay dapat umiilaw din yan pati ang ating mga traffic lights.
|