|
DZRV- Radyo Veritas846 khz
Exclusive Interview with His Excellency
Bishop Angelito Lampon,
Bishop, Vicariate of Jolo, Sulu
April 1, 2009 – Wednesday – 8:49am
Q. Kumusta na po ang lugar na inyong kinalalagyan ngayon?
A. Well, normal.
Q. Paano po yan at merong state of emergency dyan? Nagkausap na po ba kayo ni Governor Tan kung ano ang sitwasyon diyan?
A. Merong provincial peace council na suppose to be involved at napagkasunduan nga na tutukan ang usaping ito na pag-sa sitwasyon na talagang kailangan ng emergency special intervention ng provincial government like ours now so kailangan talaga naming kumilos, so yon na nga, apat ang napagkasunduan doon. Nagkaroon kami ng curfew mga 9 o’clock at pag-emergency na kailangan mong pumunta sa ospital ay wala namang problema yang mga ganyan. Pangalawa, ang mga check point at mga choke point around our vicinity. Upang I check na baka may mga armadong grupo. Pangatlo, kung kailangang I raid ang bahay mo at napag-alaman tru intelligence report na kahina-hinala ang kilos mo sa iyong tahanan, mag-iisyu ng warrant of arrest kung sakaling i-raid ang isang bahay. At pang-apat, kung may mga kailangang tutukan at asikasuhin ay aaksyunan kaagad dapat.
Q. Paano po yong mga sinasabing nagsilikas mula roon sa lugar na pinaniniwalaang kinalalagyan ng mga bandido at mga hostages, saan ho nagtungo yong ating mga kababayan? Ang simbahan ba ay nakatutulong para sa pagpapakain at pagpapadamit sa kanila?
A. Pagnasa loob kagaya ng nasa indanan ay off limit kami. Nakakapunta lang kami kung may misa kami pero sinusundo pa kami ng mga marine. Kaya pag may mga operations ang red cross kasama ang mga military ay sumasama kami para tumulong sa ating mga kababayan. Ang ibig sabihin ng mga lumilikas, around area na supposedly nandoon ang mga Abu Sayyaf yong mga Villagers they are advise to go sa mga town lang, sa mga school labas sa center o mga lugar kung saan mas safe kasi baka magkaroon ng military operation at baka sila madamay.
Q. How do you assess yon pong sitwasyon mismo ng mga tao, may mga nagsusumbong po ba sa inyo, na nagkakanlong ng about certain abuses?
A. Sa ngayon ay may mga agam-agam na ganoon. Dalawang bagay. Unang una the common talks around here hindi yong mga linyado na talagang noong una pa man bago pa itong krisis na ito ay may mga balita na talaga na paalisin dito ang mga military, talagang against yan sila whether may operation sa suppose to be ICRC kidnap victims or not. Pero in general the simple folks because of the proliferation of the fire arms at sa pagsunod sa mga certain ordinance not because our pamunuan are not doing anything but dahil nga sa medyo lumaki na ang problema kaya may mga simple people na nagsasabi na mabuti nga parang ganoon, magkakaroon din ng katapusan ang problemang ito at meron ding nagsasabi na sana walang mga abuses sa bahagi ng militar na basta na lang silang magdampot ng tao at manakit.
Q. Bishop paano gagawin? Paano ipagdiriwang ang palm Sunday?
A. Yon na nga e. normal lang naman. Kapag nag-celebrate kami ng aming anumang importanteng okasyon naming, Christmas man yan o holy week, unang-unang ay nakahanda naman ang aming Cathedral at may mga sundalo namang nakabantay dito at doon na nga rin nakatira. Alternate lang sila atleast for of them ang nagsasalitan sa duty. Kung anumang activity na meron kami ay nakikipag-ugnayan kami sa pnp at militar para ma-guwardiyahan ang aming prusisyon. As much as possible, we hold our activity during the day. Yong mga hindi maiwasan like easter vigil, we are asking security sa mga kinauukulan dito para i-cebrate nga an gaming mga gawain dito. Tuloy pa rin. Pero we cannot expect more people kasi karamihan sa kanila ay walang masakyan. Pero marami pa rin sa kanila ang nakikiisa sa mga gawain ng simbahan. Kahit na gabi na. sa ngayon sitwasyon, nauunawaan naming kung hindi man sila makapunta sa simbahan for our easter vigil dahil nga sa tension dito.
Q. So you will use the radio for the ministry?
A. we have to work it out sa radio station natin dito. Yan ang magandang alternative dyan.
Q. Bishop yon po bang curfew ay from what time to what time?
A. Na-umpisahan e. narinig ko 9 o’clock ng gabi hanggang umaga siguro till 4 am.
|