[ HOME ]
 
Veritas Interview


DZRV-Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
His Excellency Bishop Deogracias Iñiguez,
Bishop, Diocese of Caloocan,
Chairman, CBCP Episcopal Commission on Public Affairs

March 5, 2009 Thursday -7:20am


Q: Magandang umaga po, napaka-halaga po ng moral program ano po? ano po ba ang mga plano natin diyan? San po ba ito mag sisimula dapat?
 
A: Ang Moral program yan ay talagang pangunahing gampanin ng simbahan noh, na ipa-alala at iparating sa mga tao na ang buhay natin ay nakasalalay sa mga kaayusan na itinakda ng panginoong Diyos at ito ay natural kung tutuusin, dapat magmula sa pagkatao ng puso ng bawat isa pero upang makarating doon eh kinakailangang may magpahayag, may kinakailangan na magdala at ito nga ang pangunahing gampanin ng ating simbahan.
 
Q: Bishop yun po bang moral renewal program di po ba napakarami ng moral renewal, ano po ba ang dahilan bakit pumalpak yan sa ating bansa?
 
A: Na ang dahilan naman niyan ay perpetual ka noh at ang dahilan niyan ay ating pagkasarili at makasalan, kung saan tayo ay tumatanggi na dinggin ang kaayusang moral at gumagawa tayo ng mga paraan para sa ating mga sariling layunin, di ganap dito ang pagbabagong moral.
 
Q: Bishop meron po akong naalala yun pong salitang Disciple at discipline pag-uugatin po natin etymology ay parang pareho, eh kung pareho po yun bakit naman meron ibang nagsasabi na baka naman tayo daw  mga kristyano ay kulang tayo sa disiplina? Disciple nga tayo wala naman tayong disiplina? Eh dapat dini-disiplina daw tayo ng ating relihiyon?
 
A: Ay tama yon, originally ibig sabihin ng disciple ay you want to learn, sa isang nakikinig, isang patuloy na nag-aaaral at isang patuloy na hinuhubog at ang disiplina ay bunga ng ating pagsang-ayon po sa ating napakikinggan ito’y ang mga disiplina ng buhay natin at bunga at daan para sa ating moral living at moral recovery.
 
Q: So sa tingin niyo po ba ay dapat pa paigtingin ang disiplina ng mga kristiyano?
 
A: Lagi naman na ito ang hamon sa atin ng panahon, ang pamumuhay ayon sa ating panuntunang moral laging nangangailangan ng patuloy na pakikinig sa katotohanan at kabutihan at ito ay i-apply at i-akma sa ating pamumuhay.
 
Q: Ano ho ang dapat gawin ng mga leadership ng simbahan para diyan?
 
A: Ang pinaka foundation dito natural ay ang ating pamumuhay na tayo mismo ay maging mga leader sa ating pamumuhay at pangalawa ang ating pagtuturo at pangangaral, Pangatlo natural yung ibat-ibang mga alituntunin at gabay na ating ibibigay para magabayan ang mga tao.
 
Q: Bishop Maraming salamat pos a inyo at magandang umaga.
 
A: Maraming salamat at mabiyayang araw sa inyong lahat.