[ HOME ]
 
Veritas Interview


DZRV – Radyo Veritas 846khz
Exclusive Interview with
His Excellency Archbishop Onesimo Gordocillo,
Archbishop, Archdiocese of Capiz

March 24, 2009 – Tuesday


 
Q. Ano po ang reaksiyon ninyo sa pagtakbo ni Governor Ed Panlilio bilang pangulo po ng bansa sa darating na 2010 elections?

A. Tamang sinabi mo at nasa pahayagan nga yan pero hindi ko pa nabasa. Sa bagay as a citizen desisyon na yan at karapatan niya yan. Pero as a minister ng simbahan hindi dapat.

Q. Tutol po ba kayo sa pagtakbo ni Among Ed as President?

A. Sa canon law at kung siya ay pari pa rin hindi yan dapat e. unless kung mayroon siyang basbas galing sa Santo Papa. Payo ko sa kanya dumulog muna siya sa Vatican at isangguni ang kanyang balak. Mag-discern siya doon kung tama ba ang kanyang gagawin. Pero kung negative ang Vatican hindi talaga puwede yan. Katulad noong naging governor siya we respect him pero wala na po yan sa calling namin more on spiritual.

Q. Ano po ang masasabi ninyo kay Fr. Robert Reyes na sumusuporta kay Panlilio?

A. Kaya nga the same si Fr. Reyes ay dapat din sumailalim sa obispo niya. Pag ginawa niya yan sa sarili lamang niyang desisyon ay malalagay siya sa alanganin. Remember na iyan ay political exercise. Kaya mula sa running priest at supporting priest to another priest aba’y iba na naman yan. Basta ang we have always look at the church na kaming mga nag-surrender sa simbahan, our service is for the people but more on the spiritual side. Hindi ang isyu political. Ang pulitika ay iba sa usapin ng simbahan. Kaya nga may dalawa tayong society. Church and state.

Q. Sa canon law po ba mapaparusahan sina Fr. Reyes at Among Ed?

A. Kaya nga depende lang yan sa bishops niya kung wala siyang pahintulot at ang obispo na ang gagawa ng agarang hakbang. Sa bagay malinaw sa canon law na we cannot back up publicly at mahirap yan.

Q. Paano po kung tao bayan na mismo ang mag-udyok na tumakbo si among Ed kahit ayaw ng kanyang obispo?

A. Makikita natin diyan na ang purpose is not for the kingdom of God but for thr kingdom of the world. Sino ba itong mga tao. Hindi dapat particular. People of God are all catholic in Christians. Kaya nga I will pray for him na he should reflect at makikita sa horizon ng puso niya na we are consecrated to the Lord at dapat natin siyang ipagdasal.