[ HOME ]
 
Veritas Interview


DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
Carmelita Ericta
Administrator, National Statistics Office

13 May 2009 – Wednesday

 

Q: Ma’am na siguro po nabalitaan niyo na ang survey ng SWS ano? 34 plus ang unemployment rate ng mga Pinoy.

A: ‘Yun ay ayon sa SWS.

Q: Opo, ah ma’am ano po ang masasabi niyo kasi batay ata sa NSO ay less than 12% ang walang trabaho?

A: Ah oo, ah alam iyo magkaiba yung ginagamit na batayan ng SWS at NSO sa kanilang pagsabi na ang unemployment ay ganitong porsyento.

Q: So Ma’am ano po ang batayan ng NSO na lang po muna?

A: Ah oo NSO, tinatanong namin nationwide tinatanong namin kung sino ba ang may trabaho, negosyo or wala pero hindi kami tumitigil doon ah tinatanong namin kung wala silang trabaho naghahanap na sila ng trabaho at kung meron mang trabaho available ba sila para dun sa trabahong maaari nilang pasukan in other word hindi lahat ng walang trabaho ay unemployed.

Q: Eh ano po ang tawag sa kanila? 

A: Ay yung iba na hindi naman talaga naghahanap ng trabaho ay not in the name ibig sabihin hindi dila nage-exert ng pressure sa labor market  na kahit may trabaho na hindi sila pwedeng magtrabaho dahil retirado na sila or disable sila or nag-aaral or nag-aalaga ng mga anak.

Q: So voluntary jobless?

A: Oo walang trabaho pero hindi sila unemployed.

Q: Ma’am para pong mahirap unawain yan?

A: Ah kunyari yung isang tao kahit pilitin mo hindi naman siya pwedeng ah pumasok ng trabaho kasi meron talaga siyang pinagkaka-abalahan.

Q: Opo, So ma’am ano naman po ang officially tingin ng gobyerno o ano ang kanilang terms na ginagamit dun sa mga walang trabaho pero hindi unemployed?

A: Not in the labor source ito ay isang international term ito na ginagamit ng mga statistical offices all over the world yung not in the labor of source.

Q: So Ma’am sa ngayon..

A: Economically inactive.

Q: Opo economically inactive. SO ma’am sa ngayon po officially ilan ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho?

A: Ah Ariel sa ngayon ano dahil wala ako sa office hindi ko dala yun datos.

Q: Ma’am more or less o less or more?

A: Hahaha.. Ahm kung 36 million.

Q: Ang nasa labor force?

A: 15 years old and older. Ah naku Ariel mamaya ibibigay ko sayo yung number.

Q: Sige po si Administrator Ericta nung mga 10 years ago pag tinatanong ko ang bilis sa Math.
Q: Mabilis pa rin si Madam. But definitely Madam hindi po ito 40 million ayon sa estimate ng SWS?

A: Hindi naman, hindi naman

Q: So ma’am ngayon po ba yung isang oras na labandera kung isang linggo kung considered pa ring employed ng NSO?

A: So kung ikumpara mo sa isang linggo ano, 1 hour out of 1 week kasama yun sa may trabaho.

Q: Ayon may trabaho?

A: Maliit na proportion lamang ito ng total ng may trabaho ibig sabihin karamihan nung mga may trabaho sila ay mas dumaraming oras ang kanilang pagtratrabaho.

Q: Opo, yun pong underemployed?

A: Yung underemployed may trabaho siya pero naghahanap pa siya ng karagdagang trabaho for a number of reasons maaaring hindi niya nagagamit yung skills niya ano dun sa trabaho niyang kasalukuyan or kulang ang kinikita niya dun sa kasalukuyang trabaho niya or kulang ng oras ng pagtratrabaho. So yun yung underemployed naghahanap pa siya ng additional work.

Q: Base on previous data Madam Ericta ano po nagiging trend natin sa rate of unemployment on year on year po simula po nung umupo si Pangulong Arroyo?

A: Ah minsan na po nagdouble digit pero sa ngayon ay naglalaro na siya sa mga 8%.

Q: 8% so may decline po sa rate ng unemployment base sa datus ng NSO?

A: Well, parang dun na siya naglalaro sa 8%.

Q: So single digit po tayo ngayon?

A: Malapit lapit na rin sa double digit ano.

Q: So kung ikukumpara ito sa ibang bansa sa dito sa Timog Silangang Asya how would you compare the rate of unemployment dito sa Pilipinas Gng. Ericta?

A: Relatively mataas naman yung unemployment natin kumpara natin sa iba although binabantayan din namin yung ibang bansa sa South East Asia kung anong epekto nitong financial crisis sa ating mga kalapit bansa.

Q: So ma’am ang data po na nagagather ng NSO officially ang interpreter parin ay NSCB?

A: Hindi NSO pa rin.

Q: Pwede na po kayong magsalita ngayon?

A: HA?

Q: Pwede na pong magbigay din ng interpretation ang NSO sa mga data na nagather niyo?

A: Ah dun sa labor force survey for example ah binibigay yung datos sa Department of Labor at para magamit nila ito sa mga programa nila hindi ba? So marami silang ginagawang analysis tungkol dun kaya makikita natin dun sa mga pahayagan na meron silang mga articles na ginagawa ayon dun sa labor force survey dahil napakarami namang datos na maaring gamitin doon isa na rin ang NSCB na marahil sa gumagamit ng datos dun. 

Q: Ah ma’am medyo parang humihina memorya ko ngayon kailang po ba ginamit na pamantayan yung isang oras na trabaho lamang sa isang linggo ay considered na employed ang isang tao?

A: Ah nung bandang 1987 bumalik pa yan sa

Q: Sa definition?

A: Sa 1 hour dati kasi there was a time na ginagamit yung 1 quarter pero matagal na matagal na yun.

Q: Opo Ma’am just to clarify that yung ginagamit po nating definition ng unemployment is base on internationally acceptable standards po hindi lamang unique sa institution ng ating bansa?

A: That’s right even national labor institution.

Q: So maliwanag po yun?

A: Malinaw yung definition na yun.