|
DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
His Excellency Oscar Cruz
Archbishop, Archdiocese Lingayen Dagupan
18 May 2009 – Monday
Q: Archbishop good morning po. May nakita po kaming balita sa pahayagan na hindi ko na binasa muna hanggang hindi namin kayo nakakausap para po maliwanag. Totoo po ba ang sinabi niyo na talikuran ng mga mananampalataya ang Gawad kalinga projects?
A: Hindi ko po matandaan na ganoon ang aking sinabi pagkat ako’y sumulat sa mga kaparian na ang Gawad Kalinga at inihiwalay ng Couples for Christ sa kanyang organisasyon at hindi naman ihiniwalay yon kung walang dahilan pagkat Gawad Kalinga has been doing something apparently very good in providing housing and etc. so, nagdesisyon ang CFC at ito nga may sulat sa atin at for sure may sulat rin sa ibang mga obispo na hindi na nila kasama ang GK. Samakatuwid, it is no more considered as a Pius association or religious organization na kami bilang mga tao sa simbahan ay dapat kaming makiisa pagkat nakikiisa kami sa Couples for Christ e at sa CFC family and life foundation. Nagdalawa kasi yan. Dati ay couples for Christ lang sila di naman sIkreto to, pagkatapos naghiwalay sila at ang couples for Christ ay nanatili at pagkatapos ay may couples for Christ family and life foundation at ang dahilan yata nito kung hindi ako nagkakamali ay dahil sa Gawad Kalinga. Ngayon nang naghiwalay silang dalawa, yong CFC ay natira sa kanila ang Gawad Kalinga at ang couples for Christ family and life foundation ay wala sa kanila ang Kalinga, ngayon naman ay inalis ng Couples for Christ ang Gawad Kalinga sa kanilang poder. Sa kanilang evangelization ministry ay inihiwalay nila ang Gawad Kalinga. Kung ito ang naging sanhi ng paghihiwalay ng dalawa at pagkapatos ay ito mismo ay inihiwlay din ng couples for Christ sa kanya ay sigurado mabigat ang dahilan nito.
Q: So Archbishop ano po ang stand ng simbahan? Is Gawad kalinga a Catholic Organization?
A: Hindi na po. It just like a civic organization like rotary and lions which they are doing well. Hindi naman gumagawa ng masama ang mga kinauukulan no? pagkat ang couples for Christ ay pontifical association of the Laity yon e. matindi e. kaya kami syempre kasama kami doon. Hindi kami pwedeng humiwalay doon pagkat may approval ito ng pontifical council of the Laity galing pa sa Roma. Kumo inihiwalay nila ang Gawad kalinga so, hindi na rin namin o dapat kaming maging ganoon ka-bukas sa GK kundi tulad ng iba naming pakikiharap sa civic organization, mga lions, rotary and etc. ganoon na rin ang Gawad Kalinga.
Q: Yong pagiging myembro ng CFC ay isang paglilingkod sa Panginoon? Tama po Ba?
A: Opo.
Q: So ngayon ang Gawad Kalinga ay hindi na myembro ng Couples for Christ not even a church base organization, si Tony Meloto and company, sila po ay hindi na naglilingkod sa Panginoo? Ganun po ba?
A: Ah naglilingkod din po kaya lamang po hindi sila sakop nong reglamento ng Pontifical council. So, Malaya silang naglilingkod. Mahirap namang sabihin na hindi sila naglilingkod. Ang naglilingkod sa tao ay naglilingkod sa ating Panginoon.
Q: kung tama ang paglilingkod?
A: Ewan ko rin. Pero para sa akin ay naglilingkod sila sa Diyos. Kung tama kung mali ay nasakanila na yon.
Q: So, ito pong mensahe natin archbishop ay isang lohikal na hakbang bunga po ng pagkahiwalay ng Gawad Kalinga from the institution po ng Couples for Christ?
A: Totoo po yon.
Q: At ang adhikain po nila na tumulong sa mga mahihirap ay isa pong magandang ehemplo rin po naman ng pagsasabuhay po natin sa turo ng ating Panginoon? Tama ho rin ba yon?
A: Totoo po yon. Pagkat hindi naman kailangang maging katoliko para maglingkod sa kapwa at mag-lingkod sa Diyos.
Q: So ganitong paraan ay malaya na po ba ang Gawad Kalinga na magkaroon ng partner sa kanilang gawain sa mga institusyon po na hindi po sang-ayon sa population management policy ng ating gobyerno?
A: Kayo po siguro ang nagbukas niyan. Marahil ito po ang dahilan kung bakit nagkahiwalay at kung ang isa ay inalis etc. pagkat mayroong paniwala na pagkat maraming pera ang kailangan ng GK ay merong lumalabas na hindi ko pa ito tiyak na sinasabing the end justify the means. Kaya hindi na bale kung saan galing ang pera basta maitayo ang bahay ay ok na lahat no? pero hindi ko sinasabi na ito nga pero ito ang aking parang nababasa pero kailangan ito o ako ay ituwid ng mga nakakaalam.
Q: Ano po ang mensahe ninyo sa Katoliko myembro sa ganoon ang Gawad Kalinga bunga po ng isyu na lumabas na ito?
A: Well sila po ang bahala kung patuloy sila na maging sakapi ng CFC. Hindi naman po condemn ang gawad kalinga. Kundi hiwalay na lang sila sa CFC na siyang may pontifical approval sa simbahan.
Q: Paano po magiging taboo ang gawad kalinga kung sila ay may partnership doon sa mga pro-population control group, aba they are building house and they are destroying homes?
A: ‘Yon nga po ang isang pangamba at yon din ang aking naririnig na sabi ko nga ay dapat nilang sagutin kung totoo nga o hindi. Pagkat naipahiwatig ko na kahit papano sa paggawa ng bahay etc. ay hindi lamang isa kundi marami ay baka ang mga pera ng ginagamit nila ay hindi na galing sa mabuting kamay at baka mabahiran ng hindi mabuti ang kanilang mga ginagawa at saying naman. Pero, ito po marahil ang dahilan kung bakit nga nagkahiwa-hiwalay sila at ngayon nga ay ganyan ang estado nila.
Q: Yong the end will justify the means na binanggit nyo kanina, ito ho ba ay pwede sa mga katoliko na that end justify the means?
A: Yon nga po ang maling mali na hindi natin pwede maging alituntuning kristiyano. Pagkat para po sa kristiyanismo ang isang bagay mabuti kapag mabuting buo. At hindi maaring sabihin na basag ng konte pero buo pa rin. Pag yong basag, basag. Pag buo, buo. Hindi rin pwedeng sabihin na a little dirty. A little dirty is dirty. A little dirty is not clean. So hindi naman sa pagmamalinis o sa pagiging purest, pero halimbawa, hindi pwedeng gamitin yong pera na galing sa sugal para itayo ang isang simbahan. Hindi rin pwedeng tanggapin ang pera na galing sa isang pulitiko, na galing sa kurapsyon para itayo ang isang monasteryo. Mukha yon po ang malinaw na alitutunin ng simbahan na the end just not justify the means.
Q: So ganun po na hindi pala pwede ang the end will justify the means, aba e talagang malabong magsama pa ang CFC at GK?
A: Totoo po yon. Sabi ko nga napakahirap namang unawain bakit ang husay-husay ng kanilang gawain, supposedly mahusay ang kanilang layunin at ang kanilang organisasyon kaya nga binigyan ng approval ng pontifical council mismo of the Laity pero pagkatapos ngayon ay nagkaganyan. Samakatuwid, talagang merong may dahilan at sabi nyo nga kanina.
Q: Anong lesson po ang natutunan dito, yon bang organisasyon na ang layunin ay pang-ispiritwal hindi na masyado dapat makikialam sa pang-materyal na bagay?
A: Hindi po. Hindi yon. Pagkat mahirap naman pong ispiritwal lang tayo pagkat tayo ay body and soul. Meron tayong katawan na corporal at meron tayong kaluluwa, spiritual. So, ang kristiyanismo po ay tinitingnan niya ang dalawa. Mahirap naman ang katawan lang pagkat yon ay parang tumitingin sa hayop. Mahirap mahirap din namang spiritual lang kasi parang mumu din naman yon no? Kaya ang simbahan po ay sabi nga ang espiritu ay kailangang paglingkuran at ang katawan ay kailangan din pong paglingkuran. At ang totoo po nyan ay may mga Diocese kung hindi ako nagkakamali ay nagtatayo na rin ng mga bahay. Na sila na rin mismo kahit papano ay tulong tulong ay nakakapag-housing project na rin. Meron silang mga kasama siguro pero pinipili nila pero I think the housing project as a ministry is very valid in the Philippines pagkat wala at talagang kulang.
Q: So, magandang huwag lang pong bahay kundi tahanan?
A: Tama po yan.
|