|
DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
His Excellency Archbishop Oscar Cruz
Archbishop, Archdiocese, Lingayen-Dagupan
April 3, 2009 - Friday
Q. Ano po ang reaksiyon ninyo sa pagkakalaya ni Mary Jean Lacaba?
A. Well natutuwa tayo at salamat sa Diyos na nakalayang ligtas sa Lacaba.
Q. Duda po ba kayong may naganap na transaksiyon o ransom sa pagitan ng gobyerno at Abu Sayyaf?
A. Itong ransom policy ng gobyerno, ito ay isang malaking kasinungalingan. Mula’t-simula ang “no ransom policy precisely a ransom policy. Pagkat kung talagang “no ransom policy”, e bakit kidnap ng kidnap ang mga yan? Ibig sabihin kung talagang “no ransom policy” hindi mangyayari ang kidnap dito, kidnap doon. Kasinungailangan yang ransom na yan. Imposibleng walang ransom diyan. Ransom it what ever form siyempre may kapalit. Siguradong may ransom diyan. Biro mo 3 buwan na itatago mo ang kinidnap mo, katakot-takot na hirap ang aabutin mo, taga rito, taga roon, pati buhay mo itinaya mo tapos pakakawalan mo ng ganoon lang? di ba minsan ay may tinatawag na board and lodging?
Q. Ito pong nangyayari sa Mindanao ay parang hanap buhay na po ng mga bandido?
A. Hanap-buhay na nila yan. Kaya nga pagsinasabi ng gobyerno na “no ransom policy” nakangiti lang ako. May ransom yan. Imposibleng wala. In any forms. Ewan kung kung ano ang pangako o kung ano ang naibigay pero imposibleng walang kapalit yan. At saka kung walang kapalit yan, bakit hindi pinakawalan ang tatlo at bakit isa isahin pa? pagkat habang isa-isa ay marami kang makukuha.
Q. So para po mahinto itong pangingidnap dapat itong mga tulad ng ICRC bago magtungo sa Mindanao e dapat maki-pag-ugnayan muna sa military?
A. Well, maski mag-coordinate e talagang itong mga Abu Sayyaf kasama na nga ang mga break-away milf group e mahirap kausapin e. mukhang Malabo ang katuwiran kaya ganyan. Pero sabi ng presidente, tapos na raw yan sa 2010.
Q. Ano po ang maipapayo ninyo para once and for all ay mahinto na itong dekadang kidnapping sa Mindanao?
A. Para sa akin huwag pumunta diyan e. ang hindi dapat pumunta riyan pagkat delikado ang lugar e. nakita mong may sunog tapos lulusong ka pa sa sunog e di siyempre mapapaso ka higit sa lahat sa mga dayuhan.
|