|
DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
His Excellency Archbishop Oscar Cruz
Archbishop, Archdiocese of Lingayen-Dagupan
February 17, 2009 – Tuesday – 6:18am
Q: Nabalitaan niyo na po ba ang Administrative order 255 na sinasabing ito raw ang moral renewal program na isinusulong ni PGMA?
A: Nang makarating sa akin yan, di ko malaman sa sarili ko kung ako’y tatawa o iiyak e.
Q: Bakit po naman Archbishop?
A: Ibig sabihin iyon bale hindi niya alam talaga kung ano ang kanyang ginagawa? Kung sino siya? At kung ano ang kanyang mga ugali, etc. etc. so, ayaw ko namang maliitin na ganoon na lang na akala mo naman kung sino ako. Ang sabi ko lang na napakahirap na iyong kuba ay manawagan na tayo ay magpatangkad, something like that. O kaya’y ang baluktot sasabihin na tayo’y maging matuwid at hindi naman siguro kaila sa mga taga-pakinig natin ang nais kung sabihin. Iyon lang ang nais kung sabihin dyan. Di ko alam kung ako’y matutuwa o malulungkot. Talagang medyo nakakasindak ng konti.
Q: Basahin ko lang po ang press release ng Palasyo Archbishop ano po ha? Administrative order 255 dated January 30, President Arroyo ordered all cabinet officials and agency heads to implement the moral renewal program with the participation of religious and civic groups. Moral renewal the order explained refers to values formation and ethical behavior for government offices and employees. The president also referred to Filipino, Filipino values embodied to the constitution that must be strengthened among them, respect for the law, justice, truth, freedom, equality, peace and faith in god. Maliban pos a tuldok ano po ang tumama doon?
A: Ang sinang-ayunan ko siguro doon ay iyong iba noh? Kung iyon ay panawagan niya sa lahat o sa iba e puwede pa. pero hindi siya kasama doon e. ang ibig sabihin mahirap magbago ang katawan kung ang ulo ay ganoon din. Kung panawagan niya yon sa lahat, sa mga gabinete, sa ibang tao na hoy maging matuwid kayo, maging honest kayo, maging makatotohanan kayo, huwag kayong maging sinungaling, huwag kayong kukuha ng hindi sa iyo, kung para sa iba siguro meron pang ibig sabihin, basta hindi siya kasama.
Q: Meron ditong panawagan na parang gagawing kakampi o kasangga rito iyong tinatawag na civic at religious groups, sa participation ng religious groups ano ang dapat gawin ng religious group sa isang ganitong klaseng programa kasi ang sabi po ng iba, ay parang nagiging deodorant lamang publicly iyong mga religious group na pagka nakikitang kasama niya ipinapalagay na ok lang kung ano man ang pagkakamaling nagawa ng isang una nap o ninyong nasabi na isang public sinner.
A: E iyong nga kako, birds of the same feather flock together. Meron tayong kasabihan niyan. Kaya nga minsan talaga ay nagagamit ang taong simbahan, mga tao sa civic sector para sa mga ganyang palabas. Alam mo, noong ako ay nasa ibang bansa para pag-usapan ang mga nangyari para sa bawat bansa na aming kinakatawan, totoo karaniwang tahimik ako kesa ako ay nangungusap sapagkat hindi ko masabi kung ano ang nangyayari sa atin dito lalong hindi ko masabi kung ano talaga ang aking pakiramdam at aking pagkakakilala sa ating gobyerno pagkat mapapahiya ako. Ako ay naiinggit sa iba kung kasama, representing various countries and continent and they have very good reports on their government, on the administration on the respective nation. Pero ako talagang tahimik ako kesa sa ako ay magsalita para ganoon din a ako makadagdag pa sa bigat ng kalagayan dito sa ating bansa.
Q: Ano po ang inyong maimumungkahi na dapat gawin ng mga religious sector? Makipag-engage? Makipag-participate o dumistansya muna?
A: As far as we are concerned, kami naman ay di namin sini-sino kung sino ang nais naming sa aming pangangaral, sa ming samahan etc. etc. lahat naman kasama pati kami lalo na noh? Pagsinabi naming na wag kaming magsisinungaling, kasama kami noon. Wag kayong magnanakaw, kasama kami sa pahayag na iyon. Pero ang sa akin lamang, mahirap na ako’y pakalat-kalat at samahan ko sila. Hindi naman kaila sa amin na mayroon talaga maka-gobyerno at iyon nga ang sinasabi nilang malakanyang diocese. May ilan talaga sa aming mga Obispo ang naroon sa piling ng palasyo at kasama roon at etc. etc. at kung iyon naman ay kagustuhan nila ay ok lang sa akin iyon.
|