|
DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Excusive Interview with
His Excellency Archbishop Oscar Cruz
Archbishop, Archdiocese of Lingayen-Dagupan
February 11, 2009 – Wednesday
"Courtesy of Veritas Patrol"
Q: Archbishop ano po ang inyong masasabi sa ipinagmamalaking 800,000 temporary job creation ng pamahalaan ngayong taon para sa mga pilipinong walang trabaho? Resulta ito sa job summit na isinagawa ng malakanyang?
A: Naku, marami na namang sinasabi ang pangulo at ang gobyerno na mga super visions, super regions, super mades e wala naman e. iyan ang mahirap e. kung minsan ang lumalabas sa kanilang mga pangungusap ay hangin lamang at hangin din lamang ang nasasagap natin. Wala, wala. Hindi tutuo yan.
Q: Sa tingin niyo po may patutunguhan itong stimulus package na ito? Taong bayan ba talaga ang makakabenispisyo nito?
A: Sa panahon na ito, kumo malapit na ang 2010, ang pamahalaan ngayon, walang gagawin yan kundi ang magtabin ng magtabi ng pera. Sa anumang paraan, maglalagay yan para sa ganitong budget, para sa infrastructure, e kamulat mulat mo ay para lamang pala sa kanilang election purposes. Matagal ng ginagawa yan ng pamahalaan na yan. Hindi na sekreto yan.
Q: Archbishop kayo na po mismo ang nagsabi na ang mga pulitiko ay nag-iipon na ng kanilang pondo na gagamitin sa 2010 elections, kung saan ang pera naman nila ay galing naman yon sa taong bayan. Ano po sa tingin ninyo ang magandang gawin para masiguro na itong mga pondo na ito ay napupunta talaga sa mga tao? Sa mga tunay na makakabenipisyo nito?
A: Hindi magarantiyahan iyan sapagkat ang mga pondong yan ay taxes iyan. Ang taxes naman ay mula sa ipinanganak ka hanggang sa mamatay ka ay meron. At ngayon ang taxes na iyan pagpunta sa gobyerno, ay pwersahan naman yan e. lalo na iyong 12 percent evat. Kahit ayaw mo, kahit gusto mo, bagong panganak ka ay meron ka ng binabayarang evat. Uminom ka ng gatas o kaya bumili ka ng bulak o alcohol may evat lahat yan. Ngayon, pagnasa puder na ng gobyerno yang mga buwis na iyan ay wala ka ng magawa. Sila na ang bahala dyan. Magpasensya ka kung magtapon sayo ng konting sukli pero karaniwan lahat gagastusin nila. Yang biyahe ng pangulo na iyan ng pitong araw, palipat-lipat kung saan saan, pera ng mga mamamayan yan at ni kusing hindi gumastos ang pangulo niyan!
|