|
DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
His Excellency Bishop Carlito Cenzon
Bishop, Diocese of Baguio City
March 30, 2009 – Monday – 7:00am
Q. Ano na po ang Estado ng Casino na planong itayo diyan sa Baguio?
A. magra-rally kami ngayon.
Q. Ito po ba Bishop ay itatayo sa Camp John Hay?
A. E meron kaming dukomento, an agreement between the CDA yung Basis Conversion Development Authority signed by General Abaya at saka ang Camp John Hay Development Corporation signed by its chairman Robert Sobre Peña. Kikilos na tayo kasi bali-balita lang ang naririnig namin noon. July 1 pa yon last year.
Q. Yon po bang pagtutol ng mga taga-baguio sa pasugalan ay matindi?
A. Titingnan natin kasi Awareness rally itong titingnan natin.
Q. Inaasahan po ba natin na marami ang dadalo sa Awareness Rally na gagawin laban sa gambling?
A. Sa bilang lang po ng mga sumasali sa signature campaign at saka sa mga grupong nagsasabi na organized na sila na “All Systems Go” at maganda pa ang panahon kaya inaasahan kung marami ang dadalo?
Q. Ano po ang pangunahing dahilan ng mga taga-Baguio kung bakit ayaw nilang magkaroon ng pasugalan diyan Bishop?
A. E matagal nang sinasabi ito noon pa. lalong-lalo noong 1998 Earthquake. Noong maraming namatay sa Hytt Terraces hotel na nasa pasugalan noon at ang mga Taga-Baguio na ang nagsabi mismo na ayaw na nila ng gambling. Parusa na siguro ng Diyos ito. Masama na tayo. Kaya mula noon kung anu-ano ang mga hakbang ang ginagawa. Gising ang ilang mga sektor dito na binabantayan ang pasugalan na yan.
Q. Ano po ang nakikita niyong dahilan kung bakit nais ipatayo ang pasugalan diyan sa inyo?
A. Ang pasugalan kasi ang isa sa mga dahilan upang kumita ang lokal na pamahalaan dito. Alam nila yan na maraming mga Taga-Baguio at mga Taga Benguet na pumupunta diyan sa san Fernando, La Union diyan sila nagsusugal. Sabi nila as close as 70 percent ang nagsusugal doon ay taga-rito sa amin.
Q. Nagkaroon po ba kayo ng pagkakataon na nakipag-usap sa BCDA o sa Camp John Hay bago po itong panukala niyo na magkaroon ng rally?
A. Ang problema nga hindi doon e. ang problema sa council, kasi may mga kundisyon e. tungkol sa conversion ng John Hay, there are 19 conditionalities and among them yong sinasabing bawal magpatayo ng Casino doon dapat ang mga amusement dito sa John Hay ay puro mga family oriented. Kaya ang gagawin namin ay ipapaalam namin sa council, sa mayor na alam namin at alam ng tao noon pa yan ay nagkakaroon daw yata ng dry run dito sa John Hay na kaya oras na para i-abort.
Q. So ito po ay simula pa lamang ng serye ng pagkilos ng Diocese laban po sa pasugalan?
A. Sasabihin nating continuing effort ito. Hindi lang ito ang pasimula. Noong 2003 nagkaroon ng malaking rally dito tungkol dyan. Kaya nasupil. Napahinto. Ngayon ay sinusubukan na naman yata. Kaya ito patuloy an gaming pakikipaglaban sa sugal.
|