|
DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
DSWD Secretary Esperanza Cabral
April 2, 2009 – Thursday – 6:43am
Q. May evacuation na po ba buong sulu ngayon kaugnay sa ICRC hostage crisis?
A. Wala pa po pero pinaghahandaan po namin na baka magkaroon ng displacement doon so ang aming regional office po sa region 12 ay nakahanda na po para dito.
Q. Di po nakakatakot na baka miyembro po ng DWSD ay makidnap din?
A. Palagi pong merong panganib na ganoon, hindi lamang po ang mga manggagawa ng DSWD kundi ang iba pa pong mga Aid Organization at ibang NGO’s pero tuloy pa rin po ang trabaho natin. Hindi po maiiwasan ang risk na yon.
Q. Kapag ganyang po di maiwasan ang risk, ano po ang gagawin ng gobyerno? Kung may makidnap na miyemebro ng DSWD ano ang gagawin ng government?
A. Well kung pagbabatayan po natin ang mga polisiya ng ating pamahalaan ay hindi po dahil sa kung kunyari po ay magde-demand sila ng ransom tulad ng ginawa nila doon sa mga teachers ay hindi po gumagawa ng ganoon ang ating pamahalaan.
Q. So ang inyo pong tanggapan I believe ang may pinaka-maraming psychologist sa lahat ng departamento?
A. Hindi ko po masasabi kasi hindi ko po nabilang kung ilan ang psychologist ng ibang departamento. Marami po kaming psychologist pero kung titingnan po natin ang total numbers ng employees of DSWD ay napakaliit kumpara sa ibang mga kagawaran kaya hindi ko po alam.
Q. Kaya ko po naitanong yan, ano po ba ang takbo ng isip ng ilang mga volunteer workers na parang ayaw nilang may kasamang militar kapag sila ay nandoon sa delikadong lugar, parang hindi na niniwala na sila ay mabibiktima at pagka nabiktima naman, ay sinisisi ang pamahalaan?
A. Unang-una po ang DSWD at ibang kagawaran ng pamahalaan ay hindi po ganoon. Ang ginagawa po naming ay nakikipag-ugnayan po kami sa PNP at sa law enforcers natin at pag sinabi po nilang huwag muna kaming pumunta doon ay hindi po kami pumupunta. Kung minsan naman po ay kung puwedeng pumunta ay binibigyan po nila kami ng escort.
Q. So ang first line of defense po ninyo, ay common sense?
A. Ay ganoon nga po yon.
Q. Hindi naman natin sinisisi ang ICRC pero ayon nga po ang problema dahil gusto nilang maging neutral.
A. Kung minsan din inconsistent ang position nila e. minsan nagkakaroon talaga tayo ng problema when it comes to coordination kasi ayaw nilang makipag-coordinate sa pamahalaan dahil neutral nga po sila. Ayaw nilang sabihin kung nasaan sila o ano ang ginagawa nila doon.
Q. Parang they are more powerful than the government?
A. Siguro po dapat tanungin natin sila kung ano ang polisiya nila. Yon ang ating pananaw pero meron po silang ibang pananaw.
|