|
DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
His Excellency Archbishop Ramon Arguelles,
Archbishop, Archdicoese of Lipa City
January 24, 2009 – Saturday
"Courtesy of Veritas Patrol"
Q: Archbishop, nagkaroon po kayo ng dinner sa mga bishop at si Nasser pangandaman sa Pius, Ano po ang naging conclusion ng meeting?
A: Hindi talaga seryoso sa pagpapabuti ng farmers, kailangan pa naman natin ng farmers because of food, kasi di ba merong joint resolution, yun ay parang panloloko, dahil kunyari i-extend ng 6 months yung CARP pero actually nasan yun, dahil yun voluntary lang, magbigay nga lang ng piso bibihira yung nagvo-volunteer, merong inissue kasi ang DAR na memorandum noong pang January 12 na practically paralyzing DAR to assist pati yun ay parang nawalan ng bisa, pagkatapos sinabi ng DAR, inirekomenda nila sa president na huwag nang pirmahan, ang sinabi ng mga farmers marami silang business na, ngayon ang DAR ay nagre-react na nawalan kami ng way to work yung para magpatuloy ang trabaho nila, eh ika ko kung sila’y di rin magta-trabaho..
Q: With that, ano po ang susunod na hakbang ng mga Obispo?
A: Yun ang aming position, i-extend yung CARP funding, na wala yung limitation sapagkat nung wala yung compulsory pati ang funding ay talagang wala nang magagawa ang farmers, tapos na yung CARP eh at mandated naman yan ng constitution..
Q: Magpapalabas ng mas matapang na pastoral statement?
A: I do not want to pre-empt isa lang ako sa mga ordinaryong obispo, I do not want to pre-empt the bishops, so I don’t know kung mgakakaroon noon pero ang position ko is very strong, sabi ko noon eh parang kulang kung being funded to continue that work kasi hindi naman pumapabor sa mga mahihirap kaya ang gusto ko iligtas ay ang CARP itself, walang guarantee that DAR will promote what is good for the farmers..
Q: Hunger strike kayo ulit na mga bishop?
A: I think so, hindi naman siguro lahat ng obispo kasi baka mamatay yung mga iba, pero definitely we would like to send the message na this is not good for the country, Personally, I would do that kasi it is also for the country,yung mga magsasaka natin kelangan ng pagkain eh, gusto nila gawing golf course,mga bahay pero walang pagkain,importante ang pagkain,kung pano padamihin ang pagkain.
|