[ HOME ]
 
Veritas Interview


DZRV – Radyo Veritas 846
Exclusive Interview with
His Excellency Archbishop Paciano Aniceto,
Archbishop, Archdiocese of San Fernando, Pampanga

February 18, 2009 - Wednesday

 

Q. Doon po sa ibang bansa sa Britain, front page po ng isang pahayagan ang isang 13 year old boy na naging ama na ng isang sanggol,ano po ang tingin ninyo, saan tayo tutungo bilang isang katauhan?

A. Opo, ito ay isang napakalaking bagay na bigyan natin ng atensyon kung papaano natin inaalaga aang ating mga kabataan at binibigyan ng moral values regarding the meaning, the moral meaning of sexuality, of formation of our children kasi ito ay reflection nang kung anong klaseng pamilya ang nakapaligid sa isang bata na nagkaganyan na nakakabigla ano? Maliit pa ay parent na. I think we are going back to basic, na ang pamilya dapat ay siyang unang nagdedepensa, ang unang nagfo-form at nagbabalangkas sa tunay na dignidad ng isang tao buhat sa kanyang pagsilang, buhat sa kanyang pagkatao. Bagaman ito ay parang malala na, itong ganitong nangyayari ay igalang din naman natin ang buhay na isinilang ditto pero ang malaking tanong ditto ay papano natin pri-no provide ang ating mga kabataan na sila ay dapat ng magkaroon ng appreciation ng dignidad ng tao, meron dapat self discipline para maghintay sila at yong isa pang programa sa telebisyon na love waits, and
love is not something automatic. Ang love ay isang tunay na commandment ng Panginoon na dapat nating inaalagaan ito sa isang tunay na continuing struggle ng isang tao para magtagumpay ang kasagraduhan at tunay na dignidad natin bilang anak ng Diyos.

Q. papano po ngayon, meron tayong mga pamilya na ,masasabi nating disfunctional sapagkat yong ama kung hindi man ang ina ay nasa abroad? Sino ang mag-aalaga sa mga supling?

A. ah yan ang malaking down side ng migration at sa pamilya sa pilipinas ay hindi nabibigyan ng suporta ang mga bata. Ang ating malakas na togetherness ay nawawalan ng halaga. Ang ating mga lola, ang aunti, mga pinsan, mga kamag-anak ay nandyan pero may traumatic effects ito na hindi maaaring masuklian ng sino man. Ang parents lang ang makakatugon sa problema ng mga kabataan.

Q. so paano to, na katulad nito na mayroon daw grumaduate ng grade 6 na nanay na, iyon ikang mga magulang ay drug dependents naman. So saan po tayo nagkulang?

A. we do not judge them. This a objective sociological observation. E iyan ay dahil ditto nga sa sex education na naipatutupad ng amerika at some western countries ay nakakabili ng contraception ang grade 6. kaya nag-e-experiment ang mga bata. Itong ating mga kongreso ngayon ay itinutulak itong mga uring pagmamahal sa kabataan at pagkatatag ng pamilya na prenoprotektahan ng konstitusyon. Dib a yong reproductive health bill at magna carta for women, ay magpinsang buo yan e. what they remove to one bill they move it to other bill. Ang kailangan po ay magdasal tayo.


Q. archbishop, ano naman po ang pagkakaabalahan ng Episcopal commission on family and life for 2009?

A. sa 2009 po ay ipagpapatuloy namin ang formation, catechesis of responsible parenthood. Sa feb. 20 ay may first congress ng parenting and family planning dyan sa st. brigete school kay sister pilar versoza at magma-mass ako dyan. Kaya dapat yong responsible parenthood na sinasabi ng reproductive health bill ay hindi po yan ang tunay na kahulugan ng responsible parenthood. Ang responsible parenthood na isinusulong ng simbahang katolika ay ayon sa majesterium ng santa iglesia. Ayon sa catechesis ng simbahang katolika, ayon sa tunay na gospel Na itinutulak ng gospel ng life and death ng simbahan.

Q. gaano po kadami ang magtitipon sa parenting?

A. this is multi group gathering. Maraming NGO’s at mga pro life movement  and families ang naimbitahan namin ni sister pilar.

Q. anong oras po ang inyong misa?

A. alas 4 pero iyong pagtitipon ay magsisimula ng alas 8 at matatapos
ng alas 5.