|
Exclusive Interview with
His Excellency Archbishop Angel Lagdameo
Archbishop, Archdiocese of Jaro, Iloilo
President, C-B-C-P
March 2, 2009 – Monday
Q: Archbishop ano po ang inyong masasabi sa mga pulitikong maagang nangangampanya at nagpapasikat na sa mga telebisyon?
A: Kung ang ating mga pulitiko ay nag-uumpisa ng mangampanya at magpakita ng kanilang mga pogi points, sapagkat sila ay may mga ambisyon sa hinaharap. Ang atin pong paala-ala at payo sa mga mamamayan ay maging sensitive sila, maging discerning at talagang tunay na examinin nila ang track record ng mga pulitikong ito, ito ay isang paraan upang sa ganoon ang ating mga mamamayan ay magkaroon ng part o bahagi hindi lamang sa pangangampanya kundi sa pagpili ng mga mabubuting mamumuno sa ating bayan, and therefore ang aking payo dapat sila maging sensitibo, discerning at talagang usisain nila ang track record.
Q: Sa bahagi po ng simbahang katolika, ano po ang katuruan ng simbahang katolika sa usapin ng pagboto at pagluklok ng mga pulitiko?
A: Well, alam mo for the last half century o 50 years tuwing magkakaroon ng eleksiyon ay may sinasabi ang simbahang katoliko tungkol sa honest and clean elections, kung i-examinin mo ang ating mga pastoral statement ng cbcp ay nagkaroon na kami ng almost 20 pastoral statement on honest election, our advocacy is continuing for honest and just election.
Q: Ano po ang inyong masasabi dito sa fertilizer fund scam na mukha pong walang kahihinantnan? At maging sa ombudsman, 3 taon nang hinahawakan ay wala pa ring malinaw na aksyon?
A: Well ang aking masasabi let us face the truth and let us continue searching the truth, hindi natin alam kung nasaaan ang katotohanan, hindi naman tayo puwedeng manghula!
Q: Message po natin Archbishop sa ombudsman sa usapin ng 728 million fertilizer fund scam?
A: Ang aking message sana ay pakinggan niya iyong mga sinasabi ng ibang mga tao tungkol sa kanyang puwesto, pakinggan ang sinasabi ng taong bayan.
|