|
DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
His Excellency Archbishop Angel Lagdameo,
Archbishop, Archdiocese of Jaro-Iloilo
January – 27, 2009 - Tuesday
"CMN Veritas Pilipinas – 6:39am"
Q: Archbishop ang simbahang katolika ay gagamitin na rin sa internet ang pagpapalaganap sa salita ng panginoon?
A: Well napakagandang mungkahi yan sapagkat nakita natin ang kapangyarihan, ang pakakalaganap ng internet sa buong mundo, yung mungkahi ng Holy Father ay very timely sapagkat ang mga itinuturo ng simbahan ang mga moral teachings, ang mga pagpapahayag ng salita ng Diyos ay mapapalaganap lalong-lalo na kung nanggagagaling sa Vatican ay laong higit na mapapalagananap sa pamamagitan ng internet, alam natin na mga indibidwal, mga institusyon kahit mga members ng simbahan, mga religious orders ng simbahan, gumagamit na ng internet para makapagpayo ng kanilang mga pahayag sa ibang sulok ng daigdig ano.
Q: Ano po ang reaksiyon ninyo sa 3rd day bilang pangulo ni Barack Obama ng Estados Unidos na ireverse ang polisiya ni Bush?
A: Yun ay parang kanyang desisyon para sa kung ano ang gagawin ng Amerika, pero ang advocacy ng simbahan kahit lalo’t higit dito sa Pilipinas, ang advocacy ng simbahan yung itinuturo ng simbahan sa atin tungkol sa Family planning, natural family planning ay yun, kaya kahit ano pa man ang kanyang magiging desisyon, hindi mababago ang adbokasiya at ituturo ng simbahan.
Q: Ngayon pong bukas na ang alkansiya ng gobyernong Amerika sa mga lobbyist nakikita niyo po bang mas sisogla ang pro abortion?
A: Well sa aking palagay parang encouragement yun para sa kanila, encouragement pero para sa atin ah medyo nakakapagtaka pagkat hindi ganun ang ating expectation, at least expectation ng mga katoliko, ng mga kristiyano para sa ganung mga panukala.
Q: So parang ironic ano na ang pangulo ng Amerika ay nagka-kampanya against human rights, hindi naman pinapahalagahan?
A: Yun na nga, parang naka-kapagtataka pero ating susubaybayan ang mga susunod na kabanata.
Q: Archbishop maraming salamat po sa inyo at magandang umaga!
A: Good morning din.
|