|
DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
His Excellency Archbishop Angel Lagdameo,
President, CBCP,
Archbishop, Archdiocese of Jaro, Iloilo
January 23, 2009 – Friday – 07:05am
"Courtesy of Veritas Patrol"
Q: Archbishop Aprubado na po ng ating mambabatas ang 1.4 trillion pesos National Budget sa inyo pong palagay ano po yung maasahan ng taong bayan dito kasi po may mga ispekulasyon na magagamit lamang ng mga pulitikong nagnanais tumakbo sa sususnod na halalan?
A: Hari nawa’y hindi magkaganun dahil hindi naman yun para sa eleksyon, kundi ang inaasahan ng taong bayan ang 1.4 trillon ay magastos po sa mga panukala at mga kinauukulan na para sa pag-unlad ng ating bansa kaya yan ay parang isinukli nila para pang gastos para sa kabutihan ng ating bansa.
Q: Archbishop sa bahagi po ng simbahang katolika, ano po yung mapapayo natin dito po sa ating pamahalaan kaugnay po dito sa napakalaking pera pong inilaan ng ating pamahalaan?
A: Ang ating maipapayo ay hindi lamang sa parte ng simbahan kundi sa parte ng Punong Lungsod ay tratuhin ng ating mga mambabatas, ng ating mga namumuno ang malaking halagang ito with Integrity, Accountability and Honesty at huwag sana nilang kalilimutan na ang bahaging ito ay magastos para sa mga mahihirap at sa mga nagugutom ngayon katulad ng mga Fish Vendor, Mga Rural Men, Rural Women at mga Farmers na maganap, sinasabi ko nga na sana ang unang bahagi ng budget nito ay magastos sa mga mahihirap at mga nagugutom lalong lalo na sa Farmers, rural women at mga Priest and pope na nakakaranas ng kahirapan ng panahon, actually ito ay para sa komunidad, hindi sa private use ng sino man.
Q: Archbishop lastly po, inyo pong sariling reaksiyon matapos po italaga ang kanyang sarili bilang Anti Drug czar, ngayon naman po ay itinalaga ni Pangulong Gloria Arroyo ang sarili bilang Anti illegal Climate Change czar?
A: Hari-naway gampanan niya itong napakalaking katungkulan na inilalagay sa kanyang sarili sa kabila ng mayroon na ngang mga commission at mga tagapagpaganap nito sapagkat yun ang kanilang tungkulin na harapin nila ang kani-kanilang mga sarling mga inaatasan para sa bansa.
|