[ HOME ]
 
Veritas Interview


DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
Francisco Duque
Secretary, Department of Health

07 May 2009 – Thursday

 

Q: Kumusta na po yung limang binabantayan?

A: Well, sa lima po yung tatlo pinauwi na kagabi  kase lumabas na negative so may dalawa na lamang tayong inaantay pa ito yung galing sa Vicente Sotto medyo naantala lang kahapon imbes na umaga dumating yung sample eh sa bandang hapon na dumating so medyo nag-aantay ako at pinapaover time ko na nga sila na sa RITM na ilabas nila agad yung resulta.

Q: Ah secretary yung payo po ninyo kay Pacquiao na wag na muna sana makauwi? Bakit parang merong nagrereract dito ho na nilabag daw yung karapatan and so on? So itong payo naman ay hindi mo naman inuutusan?

A: Hindi, payo recommendation kasi ito ng WHO dahil nga ito nung isang gabi kanilang nalaman mismo sa United State Center for Disease Control na merong nag kumpirmadong third generation transmission ng virus sa mga tao so my community out break sa LA tungkulin naman natin bilang kalihim na sabihan si Manny na kung pwede ay mag-self quarantine ito naman ay para sa kanyang kapakanan hindi sa kanyang kapahamakan. Wala naman tayong gagawin maliban sa wag pabayaan yung katulad ni Manny na gagawa tayo ng isang bagay na hindi tama para sa kanya at ito’y ginagawa natin para sa lahat hindi naman sini-single out natin si Manny kundi lahat ng mga taong manggagaling sa LA ay magi-impose ng self quarantine.

Q: So, ah Secretary kung gustong umuwi na talaga ni Manny hindi mo mapipigilan talaga yun?

A:Oo hindi ko naman talaga mapipigilan yun dahil karapatan naman niya gusto niya yun pero pagka-umuwi naman si Manny pakiusap lang naming ay mag-impose ng self quarantine.

Q: Pero sabi po kasi ni Secretary Atienza kanina bakit hindi daw pigilan o pinipigilan yung ibang pang Pilipino na pumasok sa ating bansa na galing ding LA e bakit daw si Manny lamang?

A: Ay hindi ho tama yun kasi hindi naman po sa pinipigilan  kasi ang sinasabi nga natin ay mag-impose ng self quarantine at si Manny kasi ang aming problema ay yun ipaparada pa kung saan-saan so sa madaling salita malaki ang exposure na gagawin so yun yung ating kinakatakutan. Syempre bilang taga-pagtanggol ng kalusugan ng buong Pilipinas ay kinakailangan protektahan naman po natin yung iba na baka ma-expose at kung magkasakit naman tulad ni Manny ay andyan naman tayo na magbibigay ng gamot at ah serbisyo at lahat ng kinakailangan ng kinakailangan ni Manny at tsaka yung kanyang mga kasama pati yung mga congressmen lahat ng manggagaling don so hindi naman tama na sini-single out natin wala po tayong dahilan para isingle out si Manny.

Q: Opo, So hindi naman po OA ang Department of Health over acting daw po?

A: Ay hindi naman tayo over acting trabaho natin ito bakit naman tayo mag-o-over acting mahirap na nga po ang trabaho natin kung magoover act pa tayo wala ng time para mag-over act sa sobrang dami ng trabaho.

Q: At tsaka dapat po nakasubsob lang ulo natin sa trabaho hindi nag-aaway sa ganitong usapin ano po?

A: Oho, dapat nga ang sinasabi ko diyan ano ba naman yung maliit na pakiusap na dalawang araw tatlong araw  na ipagpaliban kung dapat biyernes siya uuwi eh gawin na lang niyang lunes at magself quarantine doon ng Wednesday ay hindi naman masyadong kabigatan itong paki-usap na to.

Q: So okay na po kayo ni Sec. Atienza mukhang nagkakapersonalan po kayo sa publiko?

A: Ay hindi hindi naman kami nagkakapersonal dahil  ako wala trabaho lang naman ito at nirerespeto ko naman yan si Secretary Atienza bilang nakakatandang kapatid sa akin yan.

Q: At baka ho magalit yun pag sinabi niyong matanda? Hahaha

A: Hahaha..O cge bilang mas madunong na kapatid. hahaha

Q. Hahaha.. Well Secretary maraming salamat po at kahit papano ay wala pong kaso ng swine flu sa ating bansa .

A: Hari nawa na hindi sana makapasok.

Q: E yun ngayon ho na umuulan di ba po tag-ulan di ba dengue din prone tapos yung mga sakit?

A: Yan, yan yung mga mahihirap na dapat nating tugunan at tinutugunan naman natin yan sa abot ng ating kakayanan at patuloy ang ating pagkampanya  at kinakailangan na talagang bantayan natin lahat hindi lamang itong A(H1N1) meron tayong dengue, salmonella meron tayong Ebola virus meron tayong kung anu-ano mang sakit nakakahilo na. Kaya sa ating over acting wala na po kaming io-over acting pa.

Q: Lalong lalo na sa Bicol Region nasalanta sufficient pa po ba yung mga gamot na binigay sa Sorsogon?

A: Oo andun ho lahat nakapre-position naman yung ating mga gamot sa lahat ng panahon dahil ito ay kasama sa disaster preparedness program.

Q: Opo ito nga dapat yung inaatupag kaysa sa mga iba pang mga bagay?

A: Sa akin lang pong ginagawa ng Department of Health at ang Bureau of Quarantine ay para po sa kapakanan ng lahat. Hindi po tayo gumagalaw para ipahamak o bigyan ng walang dahilang pangamba.

Q: Para walang panic?

A: Oo Para walang panic at ah tayo naman po ay pagka may nagkasakit ay ating gagamutin meron tayong kaya nga pinaghahandaan natin ito ng milyong milyong halaga ng mga gamot mga maskara dahil lahat ng trabaho natin ay para sa kapakanan ng taong bayan.

Q: Kelan po pala mageexpire yung mga Tami flu natin?

A: Meron po pala tayong extension na ginawa dahil ang stability study na ginawa ng BFAD ay umaabot sa 96% to 98% stable pa rin kahit na sila ay mag-e-expire na nitong June so ito naman ay sinisiguro natin na epektibo at dekalidad naman na gamot na ibibigay natin.

Q: Basta Secretary yung mga pulitiko na gustong sumama float sa parada ni Pacquiao aba’y masama nga naman ang loob sa inyo pagkakataon na nilang magkaroon ng exposure?hahaha

A: Ah, hahaha..Kayo po ang nagsabi nun ano po? Basta trabaho na lang po na ang dami ng..

Q: Wala ba kayong balak magkandidato bilang senador?

A: Ay basta’t kailangang magtrabaho muna tayo iwanan na lang natin sa taong bayan pagka’t decision na nila yun.

Q: Yan po si Secretary Duque isang Art Lover Maraming salamat po.  

A: Salamat po.