[ HOME ]
 
Veritas Interview


DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
Dr. Romeo Quijano, Toxologist
Professor, UP College of Medicine

29 April 2009 – Wednesday

 

Q: Kayo po’y may pag-aaral na ginawa tungkol sa paglaganap ng mga Genetically Modified Organism katulad ng mais sa Negros Occidental?

A: Kasama lang ako sa pag uusap simula pa nung 1990’s at naging kasamahan din naming yung isang scientist na gumawa ng pag aaral na apektuhan ng mga BT corn na ikinalat na ikinomercialize na BT corn doon sa South Cotabato at doon nga napag-alaman na yung mga simtomas na naramdaman nung mga magsasaka doon yung mga allergic reactions, pagtatae, pagsusuka ay may kinalaman dun sa pag kalat nung BT corn so, ito po yung aking naging bale, kasangkot sa pag-aaral nito hindi po mismo ako ang nag-aral kundi kasangkot lamang po ako sa grupo na gumawa ng ilang pag-aaral nito.

Q: Itong pong paglaganap na ito ng genetically modified corn o BT corn ito po ba’y may epekto kasi laganap na daw po ito diyan sa Mindanao?

A:  Yun pong aming napag-alaman at sa’ming paniniwala ay malinaw na may masamang epekto sa kalusugan ang paglaganap ng BT corn at ng mga iba pang genetically modified organisms sa iba’t-iba pang pamamaraan at mga iba pang epekto na marahil ay napakahirap nating bigyan pa ng patunay sa ngayon subalit kung titingnan sa aspeto nang posibleng mangyari o may probabilidad ba na may mangyari kung titignan po na may masama pong mangyari dahil sa ginagawa nila ay talagang posible po yan at dapat nga po ay tignan maiigi maaring may kinalaman nga yung mga paglabas ng mga makabagong sakit ngayon na ang mekanismo ng pagkalat ay maaring masabi nating may kahalintulad sa mekanismo ng pagawa nila ng mga mutant organisms.

Q: Opo. Doktor, for ask ng mga lay person, karaniwang tao lamang ano po. Ano ang masamangh epekto ng gmo nitong mga BT corn na ito, paano ba nadesenyo itong mga ganitong klase ng halaman?

A: Unang una nga po yung mga bagong mga tinatawag nating mga bagong kemikal na nabubuo dahil nga dun sa proseso na iyan katulad nga nung Bt toxin na galing sa mikrobyo yan na ipinilit na ilagay sa lahat ng himaymay ng mais ay yan po ay maraming posibleng epekto ng katulad ng mga sinabi ko kanina allergic reactions  a lot of --- vague---lamang na tinatawag na toxin, pesticide po iyan at alam po natin na lahat ng pesticide ay maaring may masamang epekto sa kalusugan at hindi po exception yang BT toxin na galing sa BT corn gayun din naman dun sa iba pang mga halaman katulad soy bean na genetically engineered at iba pa bukod dun yung paggamit nilang tinatawag na viral vectors para maipasok yung foreign gene dun sa ibang organismo katulad ng mais nga no yung viral vector na ginagamit nila ay inactivated na isang uri ng virus na maaring mabuhay muli at yan ay kahalintulad ng mga virus na kagaya ng nakikita natin ngayon na kumakalat na mga retro viruses,hantra virus,--so dahil sa may pagkakahalintulad yung mga katangian nyan na madaling makapasok sa mga cellular ng iba ibang organismo ay may  posibilidad talaga na mapabilis yung probabilidad na magkaroon nang tinatawag na horizontal transfer o yung paglipat ng elemento o salin lahi ng isang organismo doon sa mga hindi kahalintulad ng mga organismo kagaya halimbawa nag paglundag ng isang impeksyon galing sa hayop papunta sa tao tulad nga ng nangyari sa mga emerging infectious diseases na nakikita natin HIV, Ebola at yun nga ng suspetsa ng iba maaring itong mga tagong sakit na katulad ng bird flu kagaya ng mga swine flu nay an ay maaring may kinalaman yung ganyang mekanismo bagamat sabi ko nga kanina ay walang sapat na pag-aaral para talaga mapatunayan yan at hindi naman talaga binibigyan ng pansin at hindi binibigyan ng pondo ng mga may kakayahan sana na gumawa nyan—at iba pa ginagamit pa rin nila sa ngayon yung anti-biotic resistant deal at ito ay maaring kumalat sa mga mikrobyo na nagiging sanhi ng sakit ng mga tao at kung mangyari yan ay mabablewala yung mga mikrobyong panggamot sana sa mga impeksyon na iyan. Napakarami po talagang mga posibleng  pwedeng mangyari na nakakalungkot nga na hindi masyadong binibigyan ng pansin at kung ganyan nga tulad sa swine flu ay may maliit na posibilidad na makapatay ng tao kumpara sa ibang maaring kadahilanan ng pagkamatay ng tao ay nabibigyan ng masusing preventive measures may mga hakbang na para mapigilan ang pagkalat ay nakakalungkot na yung mga potential na masamang epekto ng mga genetically modified organisms ay binalewala ang mga dapat na hakbang na dapat ay mapigilan nga ang mga potential na masamang epekto na maaring mangyari sa kalusugan at sa kalikasan.

Q: Dr. Quijano, the way I understand it para mas higit na maunawaan nang ating mga nakikinig ano po, nagdesenyo ng panibagong klase ng mais ang mga eksperto at tinawag nila itong BT Corn yung BT Corn nilagyan nila ng properties sinaksakan ng BT Toxin atsaka ng iba pang virus para immune sila dun sa mga insekto na traditional na sumisira dun sa halamang mais ano po? At yung nilagay nilang property na yun o properties sa BT Corn yun po yung maaring sa inyong teorya maaring makasama sa tao na kumakain ng mais o dun sa mga baboy o sa mga hayop na kumakain din ng mais? Tama po ba ang pagkakaintindi namin?

A: Tama po iyon dahil dun sa nilagay nilang bagong katangian ay maaring maging sanhi ng masamang epekto subalit yung mismong proseso hindi lamang yung elementong inilipat nila roon sa pamamagitan ng genetic engineering kundi yung mismong proseso na lumilikha na masasabi nating mutant organisms ano dahil nga dun sa sinabi ko kanina na malaki ang probabilidad na maaring lumundag nga yung mga paglipat ng katangian galing sa mga genes mula sa isang organismo doon sa kabilang organismo na wala namang kinalaman sa malaking pagkakaiba sa orihinal na organismo kaya ito’y nakakatakot namaaring mangyari sa mga paggamit nila ng mga viral vectors at yung pag pilit nila kasi pag pinilit na inilipat yung elemento ng gene  mula sa isang hindi kahalintulad na organismo halimbawa mula sa mikrobyo papunta sa mais eh nasisira yung tinatawag na geneocology at nagkaroon ng tinatawag din na gene solution ibig sabihin ay pagkalat ng mga elementong gene na tinatawag nila itong mga gene fragment at pag kumalat nga iyan ay dito nangyayari yung mga posibilidad na nasisira nga yung tinatawag na geneocology at yan ang maaring maging sanhi ng problema kasama na diyan yung paglikha ng mga bagong organismong nagiging sanhi ng mga bagong sakit—na medyo komplikado kasi nga yung mekanismo at hanggang ngayon ay hindi pa talaga lubusang nauunawaan ang punto lang naman po dito ay mga panganib na dinudulot kung may mga panganib na ganyan ay hindi naman malinaw talaga kung ano ang pakinabang na nakukuha natin diyan kung tutuusin nga eh marami yung maaring mas masamang mangyari hindi lamang sa kalusugan kundi sa ekonomiya ay hindi nga dapat payagan yan katulad ng pag-pigil natin sa mga posibilidad na  pandemic na swine flu ganon din dapat ang ating maging attitude sa mga ganyang potential na maaring makasira sa kalusugan at kalikasan.

Q: Ito pong swine flu na tumatama ngayon sa buong mundo ay kakaiba daw po ano sa mga swine flu na tumama sa mga nakalipas na panahon?

A: Totoo yun at makikita natin na karaniwan ay hindi naman talaga kunmakalat sa tao yan kundi sa baboy yan pero ngayon bagong strain yan ibig sabihin ay mutant yan at lumundag sa tao imbis na sa baboy lang ay sa tao at madalas na nating Makita yung ganyan ang paglundag ng mikrobyo mula sa hayop hanggang sa tao at ganyang ganyan nga ang mekanismo na sinasabi nga naming na gene transfer na kasangkot sa proseso sa paggawa ng genetically modified organism at yan nga po ang nakakatakot at sa tingin namin ang isang malaking bahagi din na nagiging dahilan nito ay yung sinasabi naming corporate agriculture yun nga yung maramihan yung pinupwersa at yung crowded na sinasabi nating makahayop na pagtrato sa mga baboy sa mga manok at sa mga iba pang mga industrial type na pag-aalaga ng hayop pakakainin nga ng tao nawawala kasi sa natural na ecological environment ang mga hayop na ito ay nae-encourage din yung pagdami ng  sakit kaya binobomba ng antibiotiko yan binobombahan ng maraming kemikal para nila mapalaki ng mabilis para maiwasan yung mga sakit na nangyayari dahil napaka crowded ng conditions napaka hindi natural na kondisyon yung mga kondisyon na yan ng corporate agriculture sa tingin namin ay isang mahalagang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

Q: Doktor, Reversible pa ba yung mga—assuming na tama po ang inyong pangamba ay sana eh mas magiging masaya tayo na hindi tama ang inyong pangamba dahil masama ang epekto. Reversible pa po ba itong mga nangyayaring ito yung pagkalat ng mga genetically modified na mga halaman?

A: Yun nga ang mga nakakatakot diyan eh kasi yung oras na ikinalap yung mga gene fragment na yan eh—

Q: Possible pa po ba o hindi na itong pagkalat ng mga BT Corn at Genetically modified organism sa ating  agrikultura?

A: Sa tingin nga namin ay  napakahirap nang ireverse yan yung pagkalat ng mga GMOs oras na kinalap nay an sa lalo na sa malawakang lugar siguro sa maliit na lugar eh baka sakaling ma-contain pa pero kung masasabing ibalik mo sa dati hindi mo maibabalik sa dati halimbawa sa Mexico nga naging lugar din nang pagkalat ng mga genetically modified corn nahawa yung kanilang mga native corn dun kasi center ng corn diversity ang Mexico kung malala ninyo eh nabalita nga dun sa Mexico na nahawa ang kanilang mga native corn hindi na nila maire-reverse yun talagang nasira na yung kanilang natural diversity ng mais doon at yan nga ay isang masaklap na pangyayari nasisira yung ating natural bio-diversity sa pagkalap nila ng mga gmos’ na yan kung nangyayari yan sa mais theoretically yung nga gene fragments ay kumakalat ay posible talagang mangyari yan sa iba’t-ibang larangan kaya nga nakakatakot yan kaya ang panawagan naming noon pa ay hindi dapat payagan maski sa Philtrial eh nakakalungkot nga na pinayagan kaya nga kumakalat ng husto ang gmo’s maski sa Canada ngayon wala na sila halos maitanim na natural na canola kasi na-contaminate na nang Monsanto canola yung kanilang canola dun pati yung mga magsasaka na nagtatanim ng organic na canola ay hindi na makapagtanim ng organic na canola kasi maski na hindi sila gumamit ng genetically modified canola eh nahahawa na rin pati yung kanilang mga natural na canola kaya nga nawawala yung mga nasisira talaga ng lubusan yung ating natural environment.

Q: Maski po pala kasi parang natandaan ko nun yung kinukwento nyo nun sa Mexico at sa Canada napanuod ko yung ano nyan eh yung documentary maski po pala ah yung inyong farm eh 3 kilometro ang layo dun sa testfan eh dahil sa polynization abay nahahawa yung natural na binhi nung halaman.

A: Eh hindi lang po 3 kilometro makikita natin yan na maraming organismong pagkalat niyan eh kasi nadadala ng insekto yan nadadala ng tao yan yung gene fragments ay hindi naman basta basta nasisira yan.

Q: So, laganap na po pala talaga ang Frankenstein 6.

A: Kaya nga ang tinatawag natin diyan eh franken—nga eh dapat nga e ituring yan na pandemic na maaring makasira talaga ng husto sa ating kalusugan at kapaligiran at dapat talaga na I-quarantine.