[ HOME ]
 
Veritas Interview


DZRV- Radyo Veritas 846khz
Exclusive Interview with
Her Excellency Henrietta De Villa
Chairman, PPCRV-NAMFREL

May 17, 2009 – Sunday – 7:45am


 
Q: Isa po sa payo niyo ay wag muna mag C-R break, ano po yung simula nito kung bakit naipayo niyo na huwag na lang mag C-R?
 
A: Yun nga lumabas dun sa youtube, na meron daw naareglo dun sa banyo, kaya sabi ko naku, pero ano, seriously sabi ko nga yung mga bidder yung kanilang kaso ang dinidinig ano, dini-deliberate, hindi dapat sila lumalabas ng session hall, para wala nang masabi yung iba pero ako naman sabi ko on my part. Andoon ako naka-upo sa table ng Special Bids Awards Committee. Katabi ko pa yung chairman si Atty. Rafanan, I don’t see naman na kasinungalingan doon na meron nang accept doon ng dokumento para isingit doon sa mga tapos na, wala akong nakitang ganoon.
 
Q: Miyembro po kayo sa Special Committee?
 
A: Member ako ng COMELEC Advisor Council on Automation
 
Q: So sinusubaybaybayan mo talaga ito?
 
A: Yung session, tinuloy-tuloy na e…
 
Q: So ito pong mga leaders po na ito ay mgsa-submit pa ng kanilang bid?
 
A: Ang nagyari ngayon is yung una, para lang mapanatag yung mga nakikinig sa Radyo Veritas, malalaman nila kung anong mangyayari, tatlong envelopes yung bubuksan e. Ang una ay yung for Eligibility of local document, Lahat ng legal documents na hihingin ay nandon lahat at ang first step na yun ay qualified silang lahat, After ng motion for reconsideration apat ang pumasa at 3 ang bumagsak, so yung sa apat na pumasa, naituloy tuloy yung living process. Binuksan naman yung technical requirements appeal, sometimes through naman pagkatapos ng  technical requirement naman, tatlo ang pumasa at isa ay bumagsak , so yun puwede pa rin sila mag appeal, puwede pang mag motion for reconsideration yun. Sometimes rin naman ng pagkatapos ng technical requirement, financials naman ang ano, sa technical requirements naman, bumagsak na naman ang isa pa so dalawa ang naiwan, so doon sa dalawang naiwan. Dahil sa congress nasa batas sa, nandoon sa government act na kailangan ituloy-tuloy ang meeting  kahit meron pang motion for reconsideration para doon sa pumasa na, kailangan ituloy ang proseso, kaya binuksan na ang kanilang financial and  below, pero ang sabi nga ng ah,  ang ruling ng council, bubuksan ito para makita lamang ang cost ng kanilang component ano kasi pag lumagpas ka doon sa bid price, lagpas ka na rin ano, para tignan lang yun at hindi pa tingnan, suriin or busisiin.  ang financials mo in order pero doon sa dalawang binuksan nalaman na kung anong mga bid prices nila  pero in the conclusion na hindi muna kung sino ang mas lowest calculated bid kasi titignan pa ang kanilang financial.
 
Q: So hindi niyo pa talaga nasuri ng lubusan ang mga financial state nila?
 
A: Oo, pero sa dalawang nag-survive so far, without discounting tapos ng motion of reconsideration, ikalawa yung isa eh ay Sequoia, yung isa ang kapartner eh, basta lagi silang my kapartner.
 
Q: FF Cruz and Company?
 
A: Ang FF ba eh, oo, yeah yeah and then ah, hindi ang FF Cruz eh, nahulog yun eh
 
Q: Hindi Indira Sistemas or Spain?
 
A: Hindi Indria Sistemas, pagkatapos itong isang nanalo rin ay nagsurvive ay smartmatics at Dalawa sa kanila ay mababa ang total, mababa ang kanyang standards pero as I said hindi ba masasabing at tsaka meron pa itong motion for reconsideration pero yung motion for reconsideration kahit ngayon alam na ang big nitong dalawa hindi puwede palitan na ang credentials
 
Q: So yung mga bid price po ay hindi confidential sa ngayon? Yung mga big process na binuksan po ninyo hindi confidential
 
A: Kahit alam sa palagay mo yun, hindi puwede palitan itong ng motion for reconsideration yung kanyang bid price, nandoon ngayon sa mga dokumento sa mga boxes. Hindi niya puwede palitan yun.
 
Q: So after the process po nito ano po ang sususnod?
 
A: A, pag natapos ang financials nila, titignan naman ang kanilang mga machines, ang unang titignan, ang unang idedemo kung sino ang pinakamababa ang presyo.
 
Q: Tapos pangalawa ay magprepresent din ang other bidder ng kanilang mga machines?
 
A: Oo yung nag-qualify
 
Q: Tapos ang time span po nito ay ano?
 
A: Ang timeline nito ay hindi masyado naapektuhan eh., kung sa palagay mo man ay maghahabol, invest about a week, manageable yun.
 
Q: By the end of May alam na po ng mga tao yun? Kung Sino ang nanalo
 
A: The latest third week of June
 
Q: So tama pa rin po yung timeline nyo
 
A: Tama pa rin, natutuwa ako kasi sa ating hinaharap dahil automated tayo.
 
Q: So siyempre po yung mga natatalo, mga komentaryo ay dararating pa rin ano?
 
A: Ay mahirap, oo kasi naku napaka Father, one thing na masasabi ko kaya kami tumagal ng ganito napaka-transparent na ginawa na proseso na na inen-tertain ang manifestation of that flow.
 
Q: Ito po ay naka video ano?
 
A: Opo, naka video, naka record at tsaka anytime ang media, pag labas tine-televise din nila at tsaka very open, yun nga lang tumagal pero hindi bale kasi alam naman natin na para mawala ang duda hanggat maaari, that is good enough price to pay, kung halimbawa madelay ka, hindi bale.