|
DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
Henrietta "Tita" de Villa
Chairperson, NAMFREL and Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV)
12 May 2009 - Tuesday
Q: Mam may pag-asa pa ba ang eleksyon na ma-computerized?
A: oo mayroon. Hindi pa kasi tapos ang proseso ng bidding e. Ang nangyari lang doon sa first step sa eligibility nga ang pagbubukas ng mga dokumento nila kung ito bang mga ito ay tama. Na-disqualify nga talaga lahat sila kasi napaka-masusi ang ginawa ng COMELEC at mahigpit. Ngayon ang ginagawa naman ang motion for reconsideration sa lahat ng pito nag-file sila nang MOR, at yan ang prosesong tinatapos muna ngayon.
Q: Hanggang kailan po yang motion for reconsideration na yan Ma’am?
A: Nag-file na lahat ang pito at ang tingin ko dyan dahil binusisi na ng COMELEC kahapon at binukasan na nila ang envelope ng mga bidders I suppose by Wednesday meron na silang resulta kung mayroon ngang makakapasa dito sa M.R., mayroong makukuha, mayroong maitatabi at magpapatuloy nitong proseso ng bidding kasi pagkatapos nitong M.R ay tutuloy naman doon sa next step. And may items din doon na pwedeng ngang pag-interpret ay mas malawak kesa sa ginamit. Hindi naman magbe-bend over backward o papalitan ng roles hindi. Kaya lang titingnan uli dahil kahit na doon sa terms of reference or request for proposal na pinanggalingan nitong mga bid documents ay makakakita ka na may mga inter-pretations na mas malawak nga doon sa nagamit.
Q: Sinong po ang maghahatol doon sa motion for reconsideration?
A: Ang special bid and awards committee din po.
Q: The same comelec officials na unang nagdeklara sa mga ito na disqualified?
A: Oo, the same.
Q: So ang nangyari dito, idinura nila tapos lulunukin uli nila?
A: Well hindi naman sa ganoon.
Q: E dinis-qualify po nila e.
A: Oo. Pero kasi nga hindi tiningnan maigi. Pero ito ay talagang inisa-isa e yong mga dokumento at napag-isipan na yong mga ibang pwedeng kahulugan nong requirement na yon.
Q: Pwede po bang palitan ang mga membership ng SBAC?
A: Ah hindi ko po alam yan pero pangit kung papalitan ngayon.
Q: E kasi parang ganoon din po e. Parang ni-reject nila e para hong fiscal na delastikong desisyon.
A: Not really. Kasi minsan, kahit sa kaso halimbawa tinurn-down na ng court for instance o kaya yong korte mismo, pero pag nag-file ng reconsideration at maipakita sa kanila na baka nakaligtaan itong batas na ito. Yon.
Q: So ngayon po ang apat na bidders lang ang nag-qualify?
A: Wala pa pong nagka-qualify.
Q: Mam bakit po hindi muna hiningi ng SBAC ng Comelec ang paliwanag bago sinabi sa publiko na disqualified ang mga ito?
A: Hindi nga pwede yon e. Dapat ito nga ang first process e. hindi nga dapat humingi ng paliwanag at dapat ini-screen na lang.
Q: Hindi po sila mag-uulit ng bidding?
A: Baka naman hindi na kailangan e. Baka merong pumasa dito sa M.R. tapos itutuloy na naman doon sa next step.
Q: Ma’am sana ang tamang dahilan ang gamitin ano? Para may makapasa sa M.R.? Baka naman ang kadahilanang pinangangambahan natin noong araw pa?
A: Hindi. Masasabi ko naman ngayon na talagang ito nga at masyadong naging detalye ang Comelec.
Q: Tungkol naman po doon sa iba’t ibang movements ngayon at grupo tulad ng youth vote at etc, ano po ang inyong masasabi dito?
A: Nakakatuwa at marami nga ngayon ang bigla na lamang lumabas na mga grupo tulad ng youth vote at moral force nga, pero ang isang nakikita kung positive dito ay yong makikita mo ay marami na talagang mga tao na nagtitipon-tipon dahil sa gusto na nila talaga ng pagbabago. That’s a good sign.
Q: Anu po ang magiging relasyon nyo ngayon sa NASSA?
A: Walang relasyon e. Kasi karamihan ng aming mga coordinator sa probinsya ay social action priest or coordinator. Unlike nong NAMFREL dati na ang NASSA, ang NASSA kasi ay secretariat ng social action arm ng CBCP. Hindi na thru NASSA ang aming pakitungo sa social action arm ng CBCP kundi direktso na sa bawat Obispo kasi bawat Diocese alam naman natin ang obispo ng bawat diocese na siya ang nananagot kung anu man ang kailangang gawin ng kanyang Diocese.
|