[ HOME ]
 
Veritas Interview


DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
Ambassador Henrietta De Villa
PPCRV-NAMFREL, Chairperson

April 8, 2009 – Wednesday – 6:44am



Q. Ano po itong “moral force movement?” Talaga po bang kasama po kayo nito?

A. Walo po kaming inimbita ni Chief Justice Puno, isa ako sa mga inimbita po nito.

Q. Tinanggap po ninyo ang pagiging miyembro ng core group?

A. Maganda ang layunin e. at saka nakakatuwa ang dami palang samahan, ang mga NGOs at iba pang mga grupo na siguro dahil hirap na hirap na ang mga kalooban at saka nabigyan na ng pagkakilala na napakakurap na ng ating bayan. Ang kurapsiyon ang parang “way of life” natin, madami pala ang nag-aadvocate to fight corruption at pagbabago ng bayan para matagil na yang kultura ng kurpasiyon sa bansa.

Q. Ano po ang criteria ni Chief Justice sa pagpipili po ng mga tao o organisasyon para makasama po sa “moral force movement?”

A. Yung mga grupo siguro at indibidwal na nagsisikap para magkaroon ng pagbabago sa anumang larangan, pulitika, ekonomiya, edukasyon para magkaroon tayo ng isang panibagong way of life.

Q. Magiging isa po ba itong political group sa susunod na eleksiyon?

A. Hindi po ito political group. Ito ay talagang movement na sama-sama ang pareho din ang layunin. Kasi mas maganda kung marami kayo na nagkakaisa no? kaysa sa kanya-kanya ang takbo e pareho lang naman ang patutunguhan.

Q. Why him? Bakit ang Chief Justice?

A. Kasi siya ang nakaisip e.
 
Q. Considering na kayo po ang pinuno ng PPCRV at ng NAMFREL, si Chief Justice Puno ay hindi naman nahihiya, o tumatanggi na puwede siyang tumakbo sa 2010?

A. Ah hindi siya kakandidato. Wala siyang plano. In fact, noong kami ay unang nagpulong niyan, tinanong mismo namin, ano ba ang ating gagawin? Tayo ba ay sasama sa mga partisan group kasi kami ay hindi sasama kung may partisan in nature involved. Hindi po pwede yan at mismong ang chief justice ang categorically ang nagsabi na wala siyang planong tumakbo sa pulitika.

Q. Bakit po naisip ni Chief Justice Puno?

A. Mabuti siya rin ang interviewhin niyo kasi siya rin ay nahirapan din ang kalooban na tayo ay laging number one sa kurapsiyon at hindi lang sa pagkilala sa atin ng bayan e, nakakalungkot itong generation natin ay parang accepted na ang kurapsiyon, na ok na lang na ang mangurakot, na ok lang mangurakot hindi naman ako naa-apektuhan which is very bad, yong konsensiya ng bawat isa ay nawawala na, hindi rin maganda na puro lang tayo theory at maganda lang ang mga sinasabi, kailangang ma-translate ang magandang sinasabi o magagandang layunin at magkaroon ng measurable activity o tuntunin at maging kongreto ito.

Q. So hindi lang po puro seminar?

A. Ay hindi puwede. Yung seminar ng seminar, sulat lang ng sulat ng libro. Hindi ganoon. Kami din sa PPCRV hindi kami ganoon.

Q. Sumasang-ayon po ako sa inyo ano?

A. Talaga naman kung babasahin natin ang mga magagandang sinulat ay talagang dapat malinis na malinis na tayo, pero ito itong aming pinag-kasunduan ay kailangang magkaroon ng kongreto na makikita ang mga tao na itong “moral force” ay magkakaroon ng impact at ang unang measurable activity na puwedeng gawin ay ang eleksiyon, kaya ako ay eager na makiisa niyan, basta eleksiyon ay pagbubutihin, kasi ang amin namang tutok sa eleksiyon na magkaroon tayo ng Responsible Voting para sa amin, kaming walo na inimbitahan ni chief justice puno ay nakatuon doon sa tinatawag na transformational leadership, we are hoping na sana sa darating na eleksiyon ay mahubog sana natin ang mga tao at mahikayat natin na dahil kunsumi na kunsumi na tayo na ang lagi na lamang nating pinagpipilian tuwing halalan ay mga lesser evil pero gaya nga ng sinasabi mo na kaka-unti lang ang dayaaan pero evil pa rin kahit kaunti bakit ba tayo kuntento sa ganoon.

Q. Dapat zero tolerance?

A. Tama, Zero tolerance.

Q. Kung titingnan po natin ang mga core member ng “moral force movement” ay kinabibilangan po ng mga elite people ng lipunan, may balak po ba kayo na imbitahan din ang mga grupo ng maralita?

A. Meron, kasi isa lang naman itong core group, founding members lang naman kami, pero magkakaroon ng activity o nagninilay pa kami kung ano ang activity na gagawin para ipakilala sa tao na meron itong “moral force movement” na welcome lahat ng mga like minded advocacy, na pati yong mga maralita at mga lower strata of society at mga kabataan ay maisama din natin, pero siyempre dapat muna ay magsimula ka sa maliit na grupo para magkaroon kayo ng objectives niyo, pag-aralan niyo ng maigi kung ano ba ang takbo nito? Kung ano ba ang puwedeng isama? Kung ano ba ang dapat tutukan?

Q. Open po ba kayo na imbitahan ang mga kandidatong nagbabalak tumakbo sa 2010? tulad po ni governor Among Ed na balak tumakbo bilang pangulo ng bansa?

A. Hindi po, wala pong partisan politics dito.

Q. So hindi po sila iimbitahin dito sa Moral Force?

A. We encourage them in their own Advocacy pero pag kandidato ka ay hindi po puwede, kasi magiging self serving na tayo dito kasi may self interest. Kamukha naming sa simula’t simula pa kami ay very active and very involve in Political renewal but in a non partisan way, e kung magkakaroon ng ganoon ay may isasama kaming pulitiko e mahirap po, magkakawatak-watak lamang ang grupo.