[ HOME ]
 
Veritas Interview


DZRV Radyo Veritas 846 kHz
Exclusive Interview with
Her Excellency Ambassador Henrietta De Villa
PPCRV/NAMFREL Chairman

March 29, 2009 – Sunday – 7:40am


 
Q. Magandang umaga po, Tita?
 
A. Father? Father, good morning.  At sa mga tagapakinig mo.
 
Q. Ano po yung mga update mo sa election, lalung lalo na po dito sa automated election, na yung bidding processes na?
 
A. Tuluy-tuloy na ang paghahanda ng PPCRV at saka yun naman on the part of yung sa Comelec kasi nakaupo rin ako sa advisory council ng Comelec regarding itong automation eh. Last week, Friday, nagkaroon ng pre-bid conference at sampung kumpanya ang bumili ng request for proposal kasi ganoon talaga yung proseso. ‘Yung mga interesado na mag-bid o sumali, kailangan bibilhin nila ‘yung ika nga yung manual o ‘yung papeles kung saan nakalagay ‘yung mga terms of reference. Kung ano ‘yung mga kailangan na mga makina, kung sila yung mapipili, kung gusto nila sumali dun sa pagpili ng technology at ng makinang corresponding to it.
 
Q. Nonrefundable ito?
 
A. Nonrefundable ‘yan father.
 
Q. Merong nai-publish sa papers na nagkaroon ng kaunting paglilinaw at may amyenda sa… mayroong nagtanong kung sa proseso ba, medyo may binago ng kaunti?
 
A. ‘Yung panahon lang, yung time. I-nadvance ng kaunti para magkaroon din ng sapat na panahon para sa kung may ma-award na nga, patuluy-tuloy na dahil kailangan eh iko-configure pa nila yun eh, gagawin pa yung machine, ano? To conform with the terms of reference, at saka para magkaroon din ng sapat na panahon para sa voters at para tayo na poll watchers concerned, para magkaroon ng intensive voters’ education. At saka magkaroon din nung ika nga eh familiarization with the machine.
 
Q. Eh yung capitalization na hindi bababa sa 500 million sa mga nakaraan tatlong taon, meron ba ho dun na ganun? Na yung mga bidders na at least they were able to provide already before, na nagkaroon na sila ng bid, about 500 million na project before? Na yung hindi na lang basta basta na lang na lumusot ay nagkaroon?
 
A. Ay basta ang nasa batas kailangan eh nagkaroon na sila ng experience o track record na one national or international election, yung nasa batas.
 
Q. So walang amount kung ano ‘yun?
 
A. Walang nakalagay. Wala akong natatandaang nakalagay. Kasi nga eh dumaan din sa amin yung papeles yung request for proposals, wala akong natatandaang nakalagay na amount, basta yung sa batas nagkaroon na sila ng track record na isang election na national or international.
 
Q. So, wala na pong problema ito. Kelan po bubuksan ang bids?
 
A. Hindi pa. Magpe-present pa sila ng kanilang bid, kasi ‘yun i-nexplain lang sa kanila tapos binili lang nila yung request for proposal. Next month, ‘yung pagsubmit naman nila ng actual bids nila.
 
Q. So di pa pala nagsa-submit?
 
A. Hindi pa, wala pa.
 
Q. So ang binili lamang po nila yung manual…
 
A. Saka ineksplika sa kanila ‘yung procedure pagkatpos magbibigay na sila ng kanilang bid. Dalawang envelopes ‘yun eh. Isa yung envelope tungkol sa makina, and then ‘yung pagtupad nila ng mga proseso. ‘Yung pangalawa naman eh ‘yung cost, ‘yung price ng kanilang hihingin na presyo.
 
Q. Ano po ‘yung masasabi ninyo, ang suggestion ni chairman Monsod na ibang iba sa ngayong pinag-uusapan?
 
A. ‘Yung open-election system? Huli na sila eh, saka isa pa maaaring maganda ‘yung kanilang proseso ‘no at yung kanilang minumungkahi, kaya nga lang, it will not qualifiy dun sa demand ng requirements ng batas mismo eh, ‘yung nagkaroon ng track record ng one election, national or international. ‘Yun lang ang sinasabi kong kaya di maisasali pero ‘yung kanyang proseso maaaring magaling, maaaring ngang mas magaling dito sa iminumungkahi itong hinihingi nitong request for proposal ano pero ‘yun nga, hindi pa nasusubukan. Ang sabi ko eh, kung sana eh… kasi yung sa ibang kumpanya, nagmerge sila eh.
 
Q. Ang ibig n’yo pong sabihin eh si Chairman Monsod ay meron ding pinopropose na kasali s’ya dun sa isang kumpanya?
 
A. Hindi. Sana nga, to overcome that requirement na wala pang track record, di pa nakasali sa kahit anong eleksyon, sana nung nabuo nila yung solusyon nila, ‘yung system nila, eh nakipag merge sila sa isang kumpanya na nagkaroon na ng experience na ganoon. Kasi itong mga ibang nagbid… Sa bagay malalaki lahat ito, no? Pero meron din d’yan eh, dalawa ang tanda ko na Filipino company, sumama sa isang malaking international company na meron nang ekspiryensang ganoon. Para makasali sila.
 
Q. So ngayon ang ineexpect po ng ating mga tagapakinig, mga mamamayan ay maliban dito po sa proper bidding at makakuha nga talaga ng bidder ay ‘yung education program.
 
A. Yes, saka habang hinihintay na matupad ‘yung mga proseso, maraming proseso ‘yan eh, kami naman sa PPCRV nagtutuluy-tuloy na ‘yung pagtingin sa registration. Lahat na nga ng mga paalala namin sa mga tao, lalung lalo na ‘yung sa mga di pa naka-register, magparegister na ngayon kasi inextend na ‘yung… marami pala ang di pa nakakaalam na ‘yung registration, inextend ng Comelec from Monday to Saturday. Hanggang Sabado, merong registration.
 
Q. Para sa mga baguhan po ito o para sa mga dati nang…
 
A. Sa lahat. Pati ‘yung mga di nakaboto noong the last two elections, eh deactivated na ‘yung kanilang mga registration, puwedeng ngayong pumunta na sila kahit Sabado sa Comelec office ‘yung malapit kung saan sila nakatira para pa-reactivate ‘yung kanilang registration. ‘yun din naman nagtransfer. I-check ninyo, kayong mga nakikinig, i-verify ‘yung status ng inyong registration nang sa ganon, makasiguro kayo na makakaboto kayo sa 2010 sa darating na halalan sa May 10, 2010.
 
Q. Meron pa rin po ba gaya noong nakaraang eleksiyon, puwede mong itext, pagkatapos matanong mo kung saan kang presinto and so on… meron na bang website ngayon?
 
A. Patuloy pa rin ‘ata nila ‘yun pero hindi ko alam kung nakumpleto na nila lahat. Pero mas mabuti na para ngayon di kayo nag-aalala, pumunta na lang, tutal eh ang magugugol ninyo eh dalawa, tatlong oras, that’s a very little investment ano para matulungan natin ‘yung halalan natin maging mahusay.
 
Q. Saan po pupunta?
 
A. Sa election office kung saan malapit sila nakatira.
 
Q. Sa munisipyo mismo?
 
A. Usually it’s like that eh. Usually itong mga election office malapit sa city hall, sa municipal hall, dun malapit sila lagi. So ipagpalagay mo nakatira dito sa Quezon city, doon sa Quezon city hall, nandoon ‘yung kanyang Comelec office.
 
Q. At matatagpuan nila ‘yung listahan…
 
A. Yes, yes. Madali naman eh, madali lang father, at saka ngayon from 8 o’clock in the morning to 5 o’clock in the afternoon, bukas ‘yan.  Ang iba naman nagrereklamo na minsan daw mahaba daw ang pila. Ako naman kapag may pila natutuwa ako kasi ibig sabihin maraming nagrerehistro o nagche-check ng registration nila ‘no? At akin ding paalala sa kanila na di bale na, magtyaga na kayong pumila sandali.
 
Q. Bakit po hindi nagkakaroon ng sariling website ang Comelec?
 
A. Meron, merong website father.
 
Q. Pero pwede naman ho magtanong doon sa website?
 
A. Pwedeng magcheck, kaya lang di kayo pwedeng “Right to privacy” na kahit sinong…
 
Q. I mean tatanungin mo lang kung hanggang sa ngayon okay pa ‘yung presinto mo o kaya’y pwede ka pang makaboto…
 
A. They can check online ng Comelec yung website. Pero ayun nga para sigurado, kung sa palagay mo may diperensya, kung kayo’y nagpupunta, right there and then maaayos n’yo ‘yun. At saka makukuha na ulit ‘yung biometrics data.  Kapag may biometrics data na, kahit na wala pa kayong voter’s ID, okay lang ‘yun. Nakalista pa rin ‘yung pangalan n’yo basta nakaboto kayo during the last election.
 
Q.   So basta nakaboto kayo the last election, pwede pa rin kayong bumoto sa darating na election.
 
A. Yes, yes, pero kung di kayo bumoto during the last two elections successively, hindi pwede. Saka father, ‘yung isa pa naming tinututukan ng pansin, ‘yung paglilinis ng voters’ list. Kasi alam naman natin na may mga lugar d’yan na hindi pwede ‘yung general registration, lahat mandated na magparehistro ulit. Maraming lugar d’yan na alam natin maraming multi-registrant, maraming underage, dead registrant, eh ‘yung ang sinasabi nga namin na kung meron kayong patay na noon pa namatay pero nakikita n’yo kapag bumoboto kayo ay nandun pa ‘yung pangalan, kayo na mismo ang pumunta sa Comelec at mag-abiso ano. Ayun naman ‘yung tinatawag nating partisipasyon ng mga mamamayan, engagement of the citizen, who really help na malinis yung ating voters’ list, kasi kahit na gaano kagaling ‘yung makina, kahit gaano kahusay yung teknolohiya, kahit na malinis yung makina, kung ang gagamitin ay isang voters’ list na palpak, na maraming mali at katiwalian, ganoon din ang lalabas, ganoon din ang magiging resulta.
 
Q. At sa karagdagan pa, meron kayong PPCRV hour dito sa Radio Veritas, di ba? Anong oras po ito para sila ay maka-monitor din?
 
A. Ngayon di pa ako nagsisimula ng programa sa inyo pero meron laging update. Saka masipag naman po ang Radio Veritas eh, talagang sila agad ang unang nakakaalam kung anong announcements meron kami. Saka isa pa papaalala ko rin na ang registration ay hanggang October 31 lang, h’wag na kayong maghintay hanggang Disyembre akala n’yo meron pa, wala na ho. Hanggang October 31, 2009 tapos sarado na ang registration kaya kailangan na magparehistro na kayo, pero tandaan n’yo rin na bukas kahit sabado ang Comelec offices.
 
Q. Maiba ho tayo, ngayon po ay darating na ‘yung Pondo ng Pinoy every last Sunday. At involved din po kayo dito sa Pondo ng Pinoy?
 
A. Ay oo nako father, alam mo nung Biyernes, nagkaroon kami ng house blessing kasi tuwang tuwa ako na finally meron nang bahay ang Pondo ng Pinoy. Malapit po sa Pious XII, dating inuupahan ng GE Bank? Ngayon hiningi namin sa cardinal, ngayon po may bahay na ang Pondo ng Pinoy kung kayo gusto magdala ng botelyang puno ng 25 centavos coins, pwede n’yo nang dalhin d’on.
 
Q. Wala ba kayong balak na ang Pondo ng Pinoy ay magkaroon din ng rural bank?
 
A. Sabi nga ng cardinal, magdasal kayo na ngayong may bahay na kayo dapat maraming pasok ang pera. Kasi alam mo father, imposible na magkakaroon ng ganoong kalaking bangko kasi pagpasok ng pera, labas agad eh. Pagpondo ng projects, nako nakakatuwa naman andami dami na, pabahay—‘yung ibang nabigyan ng bahay sa Malibay? Nandun noong House blessing.
 
Q. Ang Pondo ng Pinoy Building ay nandoon sa Caritas Manila?
 
A. Nako hindi, wala sa Caritas Manila. Wala na father ‘no, naka-squatter lang kami doon eh.
 
Q. Saan ngayon?
 
A. Sa UN Avenue po, 1175 UN Avenue Corner Correa St. ‘Yung mismo kung saan nandoon ‘yung Pious XII Catholic Center. ‘Yung katabi na maliit na building doon, dun ‘yung Pondo ng Pinoy.
Q. Maraming salamat, Tita.
 
A. Thank you, father.