[ HOME ]
 
Veritas Interview


DZRV Radyo Veritas 846 khz
Exclusive interview with His
Excellency Ambassador Henrietta De Villa

February 10, 2009 - Tuesday – 6:18am
"CMN Veritas Pilipinas"


Q: Pinag-uusapan pa rin yung tungkol sa computerization ng election, ano po yung gusto na sistema ng PPCRV yung D-R-E o yung optical media reader, ano po sa tingin niyo ang pinaka-angkop sa pangangailangan n gating eleksiyon?   
 
A: Ah, para amin sa PPCRV at NAMFREL ako nagsasalita bilang chairman, ah para sa poll watcher kung ano man yung automation kasi napakalaking electoral reform yan, na noon pa natin hinahangad, buhat pa noong 1997 na naipasa yung automation law, yung #9369 na yun nga minandate na i-automate ang election system natin  para sa ganon ay ma-menosan na o maalis na yung mga anumalya o yung mga fraud sa ating election.     
 
Q: So, may mga sistema na tulad ng bimetrics na gustong gawin ng COMELEC, kayo po ba ay sang-ayon?
 
A:  Ang biometrics at talagang dapat yun, kasi yun sa registration kasi yun yung kinukuha ang inyong finger print at yung litrato mo, mayroon silang data capturing machine na para sa ganun na yung record ng botante na certified voters, mayroon nang kasama na litrato niya at ang kanyang finger print, ang kabutihan nito kung mayroon kang biometric data nakuha sayo, wala nang ibang puwedeng bumoto sa pangalan mo kasi kailangang mag-match yan e, yung litrato at yung finger-print ng boboto kaya hindi maaaring maulit ang pagboto.    
 
Q: So yung with this kind of system, e maiiwasan ang tinatawag na multi-voting na ginagawa ng ating mga kababayan?
 
A:  Yeah, isa yun at sa ganun matitingnan na rin kasi yung registration, yung mga nagpapa-register na batang-bata, may multiple registration, tinatanggal na rin namin yung pangalan ng mga namatay dahil may mga nakakaboto pa rin sa mga pangalan nila, kaya sa automation kahit na anong kagaling yung teknolohiyang mapii o kaya kung kahit gaano kalinis ang makinang gagamitin kung ipapasok mo ay corrupted document, ay corrupted information siyempre ang magiging resulta ay corrupted din kaya sayang naman yung automation.   
 
Q:  So garbage in-garbage out?
 
A:  Ayan ganun, kaya sayang naman yung automation kung may posibilidad din yung ating mga datihang registration na certified voters list ay punong-puno ng mga corrupt fund kasi dito na-uumpisa e, magpapasok ng mga document na hindi true? kaya inaalis na yung masyadong rampant ngayon na laging nakalingid sa katotohanan.  
 
Q: So dapat ma-cumputerized po yung data ng mga botante yung biometrics?
 
A:  Oo, ginagawa na yan ngayon kaya yung mga nagrerehistro ngayon, kasama na yung pagkuha ng kamilang biometric data, kaya maganda yun, nabalitaan ko nga, ang kongreso, humiling din na yung mga hindi pa naka-undergo ng biometrics, kahit yung registration or current o kaya active kahit bumoboto pa every election time, ang gusto ng kongreso na ipapabiometrics ang lahat ng botante sa 2010 ay mayroon nang biometric data.