|
DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with Her Excellency
Ambassador Henrietta “Tita” De Villa
Chairperson, PPCRV & NAMFREL
February 4, 2009 – Wednesday – 6:41am
Q: Nagulat yung chairman ng comelec doon sa bagong appointment kahapon?
A: Nagulat din kami.
Q:Ah nagulat din ho kayo?
A: Opo.
Q: Bakit ho? Bakit ho kayo nagulat? Hindi po ba naging transparent ang pamamaraan ng pagpili ng i-a-appoint?
A: Hindi naman ah, kamukha nga ng sinasabi natin dati na sana naman eh daanin doon sa proseso dahil hindi namin nalalaman kung saan nanggaling eh.
Q: Pero alam niyo po kung anong background nitong si commissioner Yusoph?
A: Hindi, hindi ko rin alam, kaya noong tinatanong ako wala, hindi, hindi ko rin ano eh hindi ko siya kilala eh, wala kaming nadinig tungkol sa kanya except that yung una nga galing daw nga sa Marawi, taga-Marawi at saka ahh, City prosecutor, that’s all.
Q: Ito yung pangalawang appointees na galing sa ano Lanao del Sur?
A: Alin?
Q: Si Yusoph yung pangalawang appointee na galing ng Lanao del Sur?
A: Ah, oo, oo, yes, yes.
Q: Bakit? may prangkisa ba? Meron ng muhol ang Lanao del Sur sa comelec?
A: Hindi ko nga malaman, hindi ko nga alam at hindi ko nga maintindihan nga kung ano nga yung mechanics nung kung paano yung, ika nga eh kung ano ba yung base ng pinagpilian.
Q: Kayo eh nakasubaybay ng matagal sa eleksyon sa ating bansa, puwede po bang pa-describe sa ating mga nakikinig ngayon kung anong klaseng eleksyon mayroon sa Lanao del Sur?
A: Ahh, sa mga eleksiyon sa ARMM, alam naman natin sa ARMM, sila na mismo ang nag-sasabi na ito yung cheating capital elections of the Philippines at kadalasan sa Lanao del Sur ay napakadugo ang eleksiyon, talagang magulo at ah ang nangyayari nga, nagkakaroon palagi ng special election, ah hindi ito nangyayari sa regular election at naku-kumpleto eh yung Lanao del Sur ah yun nga kaya very controversial yang area na yan.
Q: Kung ganun eh, ibang expertise ang ah kumakalat diyan sa Lanao?
A: Kaya nga ang aming pag-asa diyan kapag automation baka naman mabawasan ika nga yung mga puwang na kung saan puwedeng pumasok ang mga anomalya, mga katiwalian no and that’s what we’re hoping for.
Q: So, sana lamang yung bagong appoint ay marunong bumilang ano? kasi diyan po sa Lanao del Sur eh mas maraming boto kaysa sa rehistradong populasyon.
A: Alam mo hindi kuwestiyon ang marunong bumilang eh kasi kahit marunong bumilang, eh magaling ding bumilang mag-dagdag o bumilang mag-bawas no, ang amin lang hinahangad sabi ko nga hindi ko naman gustong pangunahan ang judgement kay commissioner Yusoph dahil dahil hindi ko siya kilala talaga eh kaya it would not be fair kung sasabihan ko ng masama o mabuti dahil ang amin lang pag-asa at ang aming mga panalangin, ay siya ay magampanan ang hinahanap natin sa isang public official lalong-lalo na ang commissioner lalo na ang area na pinanggalingan niya na alam naman natin noong araw pa na maraming kuwestiyon ah sana siya ay talagang yun nga eh makita maigi sa kanya yung integrity, competent, independent at yung talagang ika nga eh uncompromising adherence to truth o kung alin yung katotohanan.
Q: Ah yun po ba ang hinahanap niyo sa isang Comelec commissioner?
A: Oo, at saka subaybayan natin tingnan naman natin kung ano yung performance ni Atty. commissioner Yusoph yun nga sana naging transparent yung pagkapili sa kanya nang hindi nagulat kasi parang pati sa commission on election eh nagulat sila.
Q: So sa kabila po nito ang PPCRV at NAMFREL ay patuloy sa panawagan ng transparency sa pagpili ng commissioner?
A: Ah oo. Oo. Kahit na I mean wala na tayong magagawa ngayon eh kumpleto na sila, sabagay hindi pa naman nako-confirm kaya tingnan natin, pag-aralan natin, sabi ko nga eh mag-sisayasat kami kung ano ba yung ah mga katangian at kung ano ba yung kapintasan kay commissioner Yusoph dahil pagdating sa confirmation sa commission ah commission on appointment eh lumitaw naman itong mga ito.
Q: Yun po bang pag-a-aapoint ng Malakanyang kay commissioner absolute power po ba nila yon o kinakailangan ng due process?
A: Ah ano niyan este yan naman sa katotohanan, kuwan yan eh, ika nga eh privilege of the ano I mean part of the responsibility ng presidente.
Q: So ang PCRV at NAMFREL ay may mga nirekomendang pangalan?
A: Meron, meron, meron kaming mga nirekomenda.
Q: Oho, oho pero hindi yata sa comelec naman niyo gusto i-appoint no?
A: Ano?
Q: Mukhang yung recomendee ng ah PPCRV at NAMFREL ay itinapon sa basurahan?
A: Ahh, eh hindi nga natin maintindihan kung anong nangyari pero yun nga hindi siya recommendee namin.
Q: Maraming salamat po sa inyo at magandang umaga.
A: Salamat din.
|