[ HOME ]
 
Veritas Interview


DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
His Excellency Bishop Teodoro Bacani,
Bishop Emeritus, Diocese of Novaliches

February 5, 2009 – Thursday – 7:14am   

"Courtesy of Veritas Patrol"


 
Q: Magandang umaga po sa inyo bishop Ted live po tayo ngayon sa Radyo Veritas
 
A: Magandang umaga, magandang umaga rin.
  
Q: Bishop Ted hindi pa nga po napapalaya itong tatlong staff ng ICRC na sinasbaing dinukot ng miyembro ng Abu Sayaf ay dalawa pong katao na naman ang dinukot ng mga bandidong grupo, ang patuloy po bang nagaganap na kidnapping sa Mindanao ay indikasyon po bishop Ted na mahina ang law enforcement doon? Ano po ang pagninilay natin dito?
 
A: Oo mahina talaga ang law enforcement sa tingin ko kasi alam ko natatandaan mo yung huling gumawa ung mga sinasabi nilang renegade MILF sabi nila tutugisin nila hanggang katapusan yun eh ganun din naman yung sa El Shaddai sabi nila pupuksain na nila yung El Shaddai, ang hirap sa nangyayari alam mo kung napapansin mo pagka nawala na sa balita noh? tumitigil naman ng aksIyon hindi na naman na sila pinatutugis hindi naman na sila hinahabol, tila ganyan ang nangyayari noh? wala na tayong nabalitaan na aksiyon na ginagawa nila iyon pagkatapos pagka-bibirahin naman tsaka naman magiging masigasig uli sa paghahanap sa kanila, sana itong mga ganito eh talagang matapos na.
 
Q: Parte kaya ito nang pagsisimula ng pangangalap ng pondo nitong mga tiwaling politiko para po sa nalalapit na 2010 election?
 
A: Ah maaari, pero alam mo ako sa tingin ko hindi yan ang dahilan talaga, talagang pinagkakakitan yan hindi lang mga politiko so much as yung mga mapag-samantala nakikita nila na madaling kumita sa ganyan no? at siguro meron din silang isyung lusubin na laban sa pamahalaan mismo na gusto nilang ipahiya din ang pamahalaan ilagay sa masamang tingin ano? paigtingin ang ating gobyerno, kanya ito’y secondary na lang yung isipin mo na politiko ang nasa likod nito ang katotohanan ang mga ginagawa nila ay talagang name-merwisyo sa mga tao name-merwisyo sa kapwa nila muslim lalo na kung mga red cross ang gumagawa, ang ginagawan nila ng ganyan.
 
Q: Maiba tayo bishop Ted dahil ito’y sa Mindanao, ito naman po yun tungkol sa cha-cha kasi ito po yung issue, bilang constitutional delegate nasa kuwan po kayo noon commissioner, ito bang ginagawa ng house of representatives na pagkatapos na maaprubahan nila sa kuwan magtatanong na ngayon sa supreme court kung kailangan lamang, hindi na kailangan ng senado, yung kongreso na lang ano pong masasabi niyo po dito bishop as a member of that constitutional commission?
 
A: Ang masasabi ko alam mo yung sinasabi niyong batas ng pamamaraan ng pagbabago ng konstitusyon kung yan ay ah exclusive na yan ang gusto ko sabihin, kung hindi binabanggit sa konstitusyon hindi kasamang pamamaraan sa pagbabago ng kostitusyon in other words if the law does not provide or is not included among the ones that is among the means for amending the constitution noh? Eh talagang hindi kasama yan doon sa mga sinabi naming na ipi-presenta yan na parang bill noh? Ngayon kung ang gagawin nila diyan ay ganito ipi-presenta nila iyan na parang panukalang batas pero tapos sabi nila isu-submit natin sa mga tao kung gusto nilang amyendahan ng konstitusyon sa pamamagitan ng con-con o con-as noh? Constitutional assembly o constitutional convention at ito yung mga itatanong sa kanila, well para na lang consultation na lumilitaw yan, consultation of the people, eh palagay ko eh hindi naman na kinakailangan na gumawa pa sila ng ganyan na para ipasa nila yung batas ng ganyan so kung gusto nila mag-public hearing, public hearing sila but they must have a real public hearing a nationwide public hearing sa mga bagay na ganyan pero ang means na gagamitin ay through the constitutional assembly o constitutional convention ganun lang ang puwede o kaya people’s initiative pagka meron talagang gagawa ng ganyan   
 
Q: Bishop Ted naalala ko po noong binabalangkas ang 1986 constitution naku eh grade 1 pa yata ako noon.
 
A: Naalala ko na.
 
Q: Kayo po’y lagi kong nakikita noon sa TV ano po bang logic kung bakit precisely ipinagbawal ng konstitusyon na mag-ari ang isang daang porsyentong dayuhan ng lupain sa ating bansa?
 
A: Ah well yung noon alam mo sa totoo lang ay very sensitive tayo sa mga nationalistic issues noon at ayaw natin na ang ekonomiya natin ay masasakop, kung matatandaan mo yung mga panahon na iyon ay katatapos lang ng mga usapin tungkol sa economic imperialism, matatandaan mo yan iyan ang mga issues ng mga aktibista noon tapos na sabi nila ang military at civil colonialism ngayon naman ang ginagamit na pagsakop sa mga tao ay sa pamamagitan ng ekonomiya kaya dapt tayo ay pagkaingat-ingat diyan lalo na pagdating ng mga public utilities at sa mga communications media yan eh, yung gusto nating masiguro na meron tayong sovereignty ika-nga noh? During that time, aaminin ko na ang mga issues na yan ay puwede namang pag-usapan ngayon at this time pero, talaga namang kinakailangan na pag-usapan ng malawakan sapagkat sa totoo lang eh sa Estados Unidos alam mo naman puwedeng mamili ang mga dayuhan ng kahit gaano karaming lupa, hindi sila natatakot na masakop sila o mawala sa kanila iyong sovereignty sa pamamagitan, pero dito sa atin ang isipin natin eh oo hindi lang isyu ng sovereignty naman pero tingnan mo yung sa land reform ang dami namang magsasaka na hindi pa nabibigyan ng lupa okay oh, anong mangyayari diyan ipagbibili mo sa mga dayuhan yan at sasabihin mo pagkatapos na wala na tayong maibibigay na talaga sa ating mga sariling mamamayan at mga lupa para sa kanilang sarili kaya yun ay mga isyu na dapat talagang talakayin ng malawakan at hindi puwedeng madalian at hindi mo puwede iwan lang yan sa kongreso alam mo naman yung ginagawa nila sa CARP ngayon no? kung paano practically binasura muna pansamantala kung mabubuhay pa itong CARP na ito eh noh?
 
Q: Bishop hindi po ba ironic yung aksiyon ni speaker Prospero Nograles na pinagdadamutan ng lupa itong mga maliliit na magsasaka at mas gustong bigyan ng yung mga banyaga
 
A: Yun nga eh yun nga ang sinasabi natin kaya all in all kinakailangan kung talagang gusto nilang amyendahan ang bagay na yan ay kailangan nang pag-usapan na talaga at malawakan na pananaliksik ano? mga public hearings. kailangan marinig diyan ang mga tinig ng mga maliliit lalo na hindi natin puwedeng iwan yan dun sa mga wika natin eh mga nakatataas pero yung mga interes nila ay napakababa, minsan eh puwede mo bang iwan yan sa kongreso eh nakita na yung ginawa nila dito sa CARP, yung mga korupsiyon na nangyayari, ito ngang si Nograles, in the shadows  ngayon ang kanyang pangalan dahil dito sa legatee issue, paano yung mga ganyang ang isyu ay parang masyadong makasarili itong mga kongresista ngayon kaya mahirap ipaubaya, aaminin ko sa iyo wala akong tiwala dito sa kongresong ito house of representatives lalo na.
 
Q: Opo, so para po tayong nagpabantay ng pritong isda sa nagugutom na pusa
 
A: hahaha! meron ka pang berso pala diyan ano, pero maganda, maganda yang sinabi mo.
 
Q: Oho, so Bishop maraming salamat po at magandang umaga.
 
B: Walang anuman at magandang umaga sa inyong lahat.