|
DZRV – Radyo Veritas 846 khz
Exclusive Interview with
His Excellency Bishop Teodoro Bacani,
Bishop Emeritus, Diocese of Novaliches
January 26, 2008 – Monday – 7:13am
Q: Ang binanggit ni Cardinal Cordes na “Beware, magingat daw sa pagtanggap ng mga donasyon at hindi raw dapat tanggapin yung mga donasyon na nanggagaling sa kuwestyonableng reputasyon ng indibidwal na grupo. Ano po ang masasabi niyo?
A: Actually yang sinasabi niya mag-iingat kayo, ganoon ang sabi niya, nandoon ako, narinig ko ‘yun eh, sinabi niya mag-iingat kayo kasi “Trojan Horse” yan at ire-regalo yan sa inyo para sa ganoon eh makuha kayo, masakop kayo, magandang warning iyon, sa palagay ko tama yun, alam mo naman ang sistema, alam na natin ang sistema ng Malacañang, ano? Nagbibigay ng donasyon sa proyekto ng mga Obispo para sabihing ito po ay para sa inyo, eh maganda nga naman ‘yun, ano? Pero alam mo kapag ka ikaw ay tumanggap ng tulong sa Malacañang, eh madalas ang hirap-hirap mo na tuloy batikusin kapag kinakailangan nang batikusin itong nagbigay sa’yo ng pondo para sa proyekto mo, kaya magandang warning ‘yon sa palagay ko.
Q: Ito po ba ay nangyayari na, yung pagre-regalo na parang “Trojan Horse” na regalo? nangyayari ba ito sa mga Obispo?
A: Ah oo, nangyayari na ‘yan, Bakit ba sabihin pang ito’y project po niyo ito o kaya kung meron magkakasakit na Obispo, tutulungan sa pagkakasakit o kaya naman eh, kung titignan mo wala namang masama pero sa kasulukuyang kalagayan ng ating bansa, alam mo na ang nangyayari doon, ang nangyayari doon ay dahilan para mapatahimik ang mga dapat na magsalita kung kinakailangan na silang magsalita.
Q: Opo, Bishop, in that statement, dapat po ba itigil ng simbahan o hindi ang pakikipag-collaborate sa mga proyekto na ang nagbibigay ng pondo ay PAGCOR?
A: Ah well, ang tanong na PAGCOR eh maliwanag na policy na ng CBCP yan, na huwag nang tatanggap sa PAGCOR, yan naman eh kinuha na ng CBCP noon pa na sinabing huwag na tatanggap mula sa PAGCOR ‘no? Kaya hindi na rin dapat pagdebatihan pa ‘yan, pag-usapan pa yan, sapagkat policy nay an ng simbahan. Ewan ko kung may tumatanggap mula sa PAGCOR, Eh, kanila na iyon, dapat linawin nila kung paanong hindi lumalaban sa CBCP policy yan o maaaring they can work on the revision of the policy, Kaya lang habang nandoon sana yung policy eh susundin muna sana.
Q: Opo, Bishop, sa iba naman po paksa, sa ikatlong araw ng panunungkulan ni Barrack Obama bilang Pangulo ng Amerika, nilagdaan niya po ang isang executive order na kumakansela sa restrictions ng pondo ng Amerika na magamit sa health care entities, na puwede na raw tumanggap ng U.S, funds ngayon ang mga nagta-trabaho sa mga family planning at abortion sa mga organisasyong sa labas ng Estados Unidos.
A: Ah yan ay talagang nakalulungkot yan, alam mo hindi naman sa pagmamalaki, isinulat ko na yan, yung article ko nung sabado, isinulat ko yan nung Biyernes ng hapon, pinadala ko, akalain mo ba namang noong Biyernes pa lang ng gabi eh napanood ko na sa CNN, ni-reverse na nga niya yung pagbabawal ni President Bush na hindi, na huwag pondohan ang mga organisasyon na nagpo-promote ng aborsiyon eh pondohan ng gobyerno, hindi nila binabawalan pondohan yung mga private entities pero yung gobyerno hindi makikipag-cooperate dun, and that’s such a very beautiful pro-life policy ni President Bush, maraming kapintasan sa President Bush pero yun ay kapuri-puri at nakakalungkot eh sabi ko nga sa article ko He is addle supporter and addle pro-abortionist si Obama eh, sasabihin niya addle pro-choice okay, pero in effect, pro-abortion din yan, siya na lumilitaw tuloy ngayon na yun na nga yung nangyari at humanda tayo marami pa mga gagawin diyan na magiging anti-life, ang paninindigan ni Obama sa laban sa abortion ay talaga namang napaka kuwestiyonable at nung siya’y nagka-kampanya ay iniiwasan pa nga niya yung pagsagot sa tanong kung kailan talaga nagsisimula ang buhay ng tao sa sinapupunan, sabi niya “that is above my pay-check”, sabi niya, Eh yun ba naman eh dapat ba isagot ng isang kumakampanya sa pinaka mataas na posisyon sa bansa, sa bansang pinaka-malakas sa buong mundo, kaya ang article ko, sinasabi kong “there is a dark side to Obama” at hindi ko tinutukoy yung kanyang kulay, ang tinutukoy ko ay yung paninindigan niyang anti-life.
Q: So, mas maitim pala ang budhi?
A: Ah, hindi ko naman sinasabing maitim ang budhi niya pero paninindigan niya iyon talagang on the side of darkness yan.
Q: Well, Bishop, sa development na ito eh mukang bukas na yung alkansiya na magpopondo, eh para sa mga anti-life forces, nakikita niyo ba na aktibo ngayon ang kampanya ng mga NGO para mabuti ang batas na ito?
A: Ah oo, eh basta magkakaroon ng lobby money, alam mo na yan no? baka bubuhos na ngayon sabi nang alkansiya eh, ang lalaki ng pinaglalagyan niyan, madaming pera yang mga yan, kaya baka aagos ang lobby money na yan dito, halimbawa para sa ating reproductive health bill na tinatalakay sa congress ngayon, lalong baka lumaki ang bentasiyon para sa ating mga law-makers para aprubahan nila yan, kaya mag-iingat tayo.
Q: Bishop, maraming salamat po sa inyo at magandang umaga.
A: Walang anuman at sa ating mga kapanalig, magandang umaga.
|