[ HOME ]
 
Veritas Interview


Radio Veritas 846 Radyo Totoo
Exclusive Interview with
Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo
Chairman CBCP Episcopal Commssion on social Action Justice and Peace

January 04, 2010 – Monday  

 

Q: hinggil po sa mensahe ng  holy  father para sa world day of peace about care for creation… reflection nyo po regarding what  is happening  in  our country…

A: ang isa po ay  tingnan natin ano nga ang  ibig sabihin ng peace, ang  peace ay hindi lamang yung katahimikan o hindi lamang yung absence of conflicts , ang peace na siyang nangagaling sa Hebrew term na na shalom yun po ay fullness of life . kaya walang peace sa sementeryo , tahimik ang sementeryo pero wala naming buhya , walang peace sa ospital tahimik ang ospital pero mayroong mga sakit ang  tao kaya nga ang peace ay yung fullness  of life , na kahit na  maingay , tulad ng pamilya magulo yung mga  bata nagtatakabuhan pero  buhay na buhay, so nandiyan yung peace . tulad ng sabi ng santo papa if you want to cultivate peace protect  creation. Kasi ang nagbibigay naman sa  atin ng  kaganapan sa buhay na isang pinanggagalingan niyan ay ang  creation. Na ang sinabi niya ay ang  creation ng  buong mundo ay ginawa ng diyos out of his providence  out of his love out of his own wisdom. so yan ay hindi lang basta lumabas , ngunit yan talagang nasa plano ng diyos , plano ng pagmamahal. Nasiyang e-poprovide para sa atin , kaya nga iyan ay nakakatulong sa ating lahat , yung  creation pero kapag yan ay hindi na natin iginagalang ini-exploit natin yan hindi yan makakatulong sa atin , kaya ang kailangan natin ditto ay igalang , para makapakinabang sa lahat , creation is meant for all and not for some . kaya dito ang ginawa dito ng santo papa na may sinabi siyang sa inter intra-generational justice na ibig sabihin ang buong mundo ay ibinigay para sa atin hindi lamang sa may kaya kundi pati sa mga mahihirap , among generation , so hindi lamang yan sa  isang lahi , hindi sa  isang grupo kundi sa kapkinabangan ng lahat kaya hindi makatarungan at dahil diyan ay walang peace kapag may isang tao o mga grupo ng tao ay hindi nakakapakinabang sa mga resources ng mundo. So yan ang siang malaking  problema diyan . At ganun din ang intergenerational justice ang mundo ay may karapatan diyan at hindi lamang ang contemporaries ngayon ngunit gayun din ang mga susunod na generation , kaya sa paggamit natin ay dapat nating isalaang alang na may susunod pa sa atin na gagamit sa resources ng mundo, hindi natin uubusin sa atin lang kasi kung hindi ay magkakaron din ng kaguluhan , tulad ngayo naguguluhan na tayo , kumkonti na an gating fossil fuel nagmamahal na ang presyo ng mga gasoline kasi inubos na ng nakaraang henerasyon, talaganag pabaya ang kanilang paggamit ang mga forest natin nawala na rin inubusan na ng nakaraang henerasyon tuloy maramaing tao ay  nawawalan na ng hanapbuhay , at dahil nga sa hindi pagsasaalang alang ng kalikasan ang paggamit nito , marami ngayon ang tinatwag na environmental refugees , refugees sila dahil sa environment lumilikas na pumupunta na sa ibang isla , sa siyudad at nagkakagulo ang mga  tao kasi ang  hanapbuhay nila doon ay nasira na , yung mga magsasaka natin ay pupunta na sa lungsod , yung mga mangingisda at dahil sa mga refugees na ito paglilipatan ng mga tao ,siyempre may mga kaguluhan na mga nangyayari at dahil din sa hindi pagsasaalang alang nito ay kulang tayo ng food security .At dahil sa food security ay mas mahirap ang mga  tao , at kapag mahirap ang mga  tao kapag gutom ang mga tao talagang makakagawa ng kaguluhan , so yun nga ang  sinasabi ng santo papa na bahagi ng pangangalaga ng tunay na kapayapaan ay ang pagsasaalang alang sa kalikasan .

Q: simbahan  po lalu na ditto sa pilipinas at palaging nagpapalabas ng mensahe sa  pangangalaga sa kalikasan , ano po kaya ang mabisang pamamaraan at konkretong bagay   upang matiim sa  puso ng mga tao ang  pangangalaga sa kalikasan.
A: malaki ang magagawa ng mga tao, kasi ito ay tungkulin at pananagutan ng bawat isa , ang hinihingi ng santo  papa ditto ay change of lifestyle , at lahat naman tayo ay puwedeng magabago ng ating lifestyle . titingnan natin yung mga bagay na hindi naman talaga kailangan, at yung mga ways lalung  lalu na sa  kuryente , sa tubig sa paggamit ng plastic , ang pangngalaga sa katawan sa pamamgitan ng pagkain . na nagkakaroon ng effect sa kalikasan , tulad ng paggamit ng styrofoam hindi na tayo dapat gagamit nito , kaya yung mga  tindahan na gumagamit ng Styrofoam ay huwag nating bilhan , e-boycott na natin yan . dapat magbago sila ng pamamaraan o mga alternatibo at hindi plastic at styrofoam . tulad ng kung mamimili magdala ka na ng bag. dapat ang ginagamit ecofriendly materials . yung ang ilang pamamaraan na siyang magtuturo sa mga consumer na maging conscious tayo sa bagay na yaan.

Q: mayroon pong nababago sa proyekto ng kalikasan halimbawa sa pagkakaroon ng masaganang suplay ng  tubig tulad sa laiban ano po ang patuloy nating paninindigan ditto…?

A: Isa pa rin  yun, na sabi nila ay kukulangin daw ang tubig sa maynila nyo kaya nagkukulang ang tubig sa maynila ay dahil sa leakages  na sabi nga nila ay 40 to 50 percent ang tubig na   nasasayang at nawawala lang , so kahit  ilanmg dam pa ang gawin atin kung pabaya naman tayo sa pag-ayos ng leakages ay talagang kukulangin . tapos ang isa pa rin ang paggamit natin ng tubig dapat maging matipid ang tao sa paggamit ng tubig . at ang paggawa ng laiban dam ay ilang hectares ang  tatamaan niyan , ang mga forest land na mababaon sa tubig , at kapag nabaon sa tubig ang forest land ay magkakaroon ng mga methane gas na aakyat sa  taas 20 thoussand yan , hindi lamang yung forest land pero yung biodiversity ay masisira , maramin diyan ang mga endemic plants ,endemic animals sa 3,000 at ispin din natin yung mga taong mawawalan ng lupa diyan at yan ay mga lupa ng katutubo natin . so hindi karapatdapat na ang ibang tao ay magsasakripisyo para sa iilan o yan yung concept of development , which is development is integral which is for all and not for some and it is not proper development if some people is being sacrificed para yung iba ay magkakaroon ng development ay hindi development  yan …

Q: mayroon po ba tayo  magagawa pa para mapahinto ang pagsasakatuparan ng proyekto na ito.

A: yung pagpressure natin , ipaalam sa mga tao , may magagawa pa  tayo diyan , so ngayon pumayag na ang mwss na wala silang gagalawin ng walang konsultasyon sa mga tao na walang gagawa ng mga prospect activities, na dapat alam ng mga tao ang lahat ng gagawing proyekto doon o konsultasyon sa  epekto nito sa mga tao sa lugar. Ganun din ang sinasabi natin sa  aerial spraying na may nakikinabnag na iba na dadami ang kanilang kita pero marami naman ang tatamaan , totoo bang kaunlaran yan .

Q: kaya nga ito po yung sinasabi ng banal na papa na integral development , nakaakibat nun ang ating responsibilities sa ating environment at sa ating mga tao

A:kaya nga hindi lamang pera ang matatawag na basehan ng development kundi yung ikabubuti ng  tao , nanakakalungkot ditto sa pilipinas pera pa  yung basehan ang investment , na  dadami yung investment sa atin , dapat kung ano at alin yung ikakabuti ng mga tao

Q:bishop mensahe nyo na lamang po para sa mga kapanalig na ipinagdiriwang ang peace of the day of epiphany .

A: isang malaking aral nito para sa atin na ang panginoon ay dumating para sa lahat at hindi lamang sa iilan hindi laMANG SA iisang grupo kaya yung mga pantas ay kumakatawan sa lahat ng  tao , kaya ang diyos ay para sa lahat , na pati nung pasko na mensahe na ang dumalaw sa ating panginoon mga pobre sa mga pastol na para din sa kanila ang panginoon ,  yan ay magandang isabuhay natin kung  gaun na ang panginoon ay naparito para sa lahat makinabang sa kaligtasan na ibinigay niya ganun din sana ang tingin natin para sa kaunlaran . ang kaunlaran ay para sa lahat hindi lamang para sa iilan na may kapangayrihan sa may pera kundi kahit para sa mga walang wala so yun ang magandang isabuhay natin sa kapistahan ng epiphany na maging inclusive tayo hindi exclusive …