|
DZRV Radyo Veritas 846KHz
Exclusive Interview with
Msgr. Achilles Dakay,
Spokesman, Archdiocese of Cebu
January 19, 2010 – Tuesday – 01:00pm
Q. Msgr. Dakay, nabalitaan na po ba ni Cardinal Vidal ang pagpanaw ni Secretary Cerge? Ano po ang reaksiyon ng Cardinal?
A. Ang buong Archdiocese ng Cebu ay nakikisimpatya at nananalangin para sa pamilya ng yumaong si Secretary Cerge Remonde. Ikinalungkot ni Cardinal Vidal ang naturang pangyayari dahil mabuting tao at mabuting Cebuano si Secretary Remonde.
Q. Personal bo bang pupuntahah ni Cardinal Vidal ang mga labi ni Secretary Remonde dito sa Maynila?
A. May possibility yan kasi mamamayang gabi ay lilipad si Cardinal vidal diyan sa Maynila para dumalo sa plenary meeting at baka personal na rin nitong daanan kung saan man ibuburol ang kalihim.
Q. Ano naman po ang gagawin ninyong preparasyon diyan sa Cebu kaugnay nga sa pagkamatay na ito ng inyong kababayan?
A. Hindi pa natin masabi. Hinihintay pa naming kung ano ang magagawa ng simbahan. Basta ngayon ay nananalangin kami para sa kapayapaan ng kanyang kaluluwa. Oras na dumating dito sa Cebu ang mga labi ni Cerge saka na namin gagawin kung ano ang nararapat gawin.
Q. Ano po Msgr. Dakay ang pagkakakilala niyo kay Secretary Remonde?
A. Alam mo, napakabuting tao niyan. He’s a good person at napakasipag. Bilang Catholic Reporter I should na siya magaling talaga siya. Ako kasi noon ang manager ng DYLA dito sa cebu at that time si Secretary Remonde ay reporter namin. Magaling siya bilang mamamahayag. He is a good catholic.

|