Veritas Interview


DZRV – Radyo Veritas 846 Khz
Exclusive Interview with
His Excellency Teodoro Bacani Jr.
Bishop Emeritus, Diocese of Novaliches

February 13, 2009 – 11:05am

 
Q: Ang inyo pong pagninilay kaugnay sa pamimigay ng Department of health ng libreng condoms at roses sa valentines day?
 
A: malaman ko lang kung si secretary cabral ay nanay ng isang dalaga o binata. Mayroon kaya siyang anak na babae at lalaki. Kasi gusto kong tanungin si secretary Cabral kung meron siyang anak, sasabihin ba niya anak eto ang bulaklak bigay mo sa iyong minamahal sa buhay at ito rin ang condom ha. Magagawa kaya niya yun sa kaniyang sariling anak no? na bigyan ng condom kasama ng bulaklak. Hindi kaya napakapangit non kung gagawin nya. E Kung hindi naman niya magawa sa sariling anak e bakit naman niya ipagagawa sa iba? Yun ang isa kong tanong e no? ikalawa ganito, ewan ko kung nabasa ni secretary Cabral yung napakahalagang news item sa time magazine sa linggong ito…pero ang balita dun sa states ha na this campaign for total abstinence they found out na more effective than a more comprehensive sex education campaign that includes information about contraceptive. So nakita nila, na mas mabisa pala ito kaya pinag-aaralan daw ng Obama administration ngayon. Baka lakasan nila ang funding para sa total abstinence campaign yun sana ang maganda sa ating mga opisyal natin sa gobyerno na yun ang i-advocate nilang mabuti yung total abstinence.
 
Q: Bishop ayon po dito sa pahayagan, sinabi ni Doh Dr. Ed Janairo ng National Disease Prevention and Control this is not for family planning, this is for the prevention of HIV/AIDS which is now on the rise?
 
A: Yah, pero is that the way to help prevent HIV or is that a way of encouraging pre-marital sex or illegitimate sex, na siya namang magiging sanhi ng pagdami ng HIV. Isipin nilang mabuti kung yang paraan na yan ay sa halip na makabawas sa HIV ay maging dahilan pa ng mas lalong paglaganap ng HIV. Baka the cure is worst than the disease. Yan ang sinasabi ko, dapat nilang huwag nila basta-bastang gagawin yan kundi baka sila ang maging dahilan ng lalung paglala ng HIV.
 
Q: Bilang alagad ng simbahan ano ang inyong maipapayo sa mga tao para maliwanagan ang isipan sa ganitong nangyayari sa ating lipunan?
 
A: Alam mo ang HIV mismo e yung ay malinaw na pagpapakita ng Diyos ng yung elicit sex ay hindi talaga pakikinabangan ng tao. Na babalik at babalik na babalikan ka ng ginagawa mong elicit sex, pagka-inabuso mo ang gift na ibinigay sayo ng Diyos. Kaya sa halip, iminumungkahi ko ay ituro sa mga kabataan ang pamumuhay ayon sa kalinisan at ayon sa magkaroon sila ng self control, sabi nga… love can wait, madalas na sinasabi yun. Nakakalungkot nga, inaamin ko na dito sa ating bansa, ang dami na ng ikinakasal na mga pregnant brides na nangangahulugan na hindi na nakapaghihintay ang marami. And I do not think that has been helpful at all for their future life as husband and wife.